CHAPTER 46

103 7 3
                                    

SLAM DUNK: LOVE AT SECOND FIGHT
- A love story of Hanamichi Sakuragi -

CHAPTER 46

SA ISANG resto ng ramen ay magkatabing umupo ang mga miyembro ng Shohoku Basketball Team. Sa gilid ay napapagitnaan nina Miyagi at Hanamichi si Haruko habang sa kasunod naman ni Miyagi si Rukawa.

"Maraming salamat sa pagkain!" Sabay nilang sabi at agad na kumain.

Napatingin naman si Hanamichi sa bowl ni Haruko, binigya nito ng dalawang fish cakes. "Para sa'yo, Haruko. Salamat sa pagtulong sa training ko ah?" Nakangiting pasasalamat ni Hanamichi.

Namula naman si Haruko na parang nahihiya. "Nako, hindi na kailangan, Sakuragi. Iyon naman talaga ang trabaho ko. Salamat sa fish cakes!" Pabirong sagot nito at nagtawanan sila.

Tahimik lang na nakatingin si Rukawa sa kanila.

"Hindi ba magagalit si Gori kapag nagabihan ka ng uwi?" Tanong ni Hanamichi sa kaniya.

Umiling si Haruko. "Hindi naman."

"Pa-regards na lang ako kay Akagi, Haruko. Matagal-tagal na rin noong huli ko siyang nakita." Singit ni Miyagi sa usapan.

"Na-miss niya ngang kasama kayo e, lalo na daw iyong bangayan nina Sakuragi at... Rukawa." Humina ang boses ni Haruko nang wikain niya ang panghuli.

"Paki-kamusta na lang." Simpleng sabi ni Rukawa na kinatingin ng dalaga.

Pero kaagad siyang bumalik sa harap nitong ramen. "Oo." Sagot niya at nagpatuloy sa pagkain.

Ilang sandali ang lumipas, alas otso ng gabi nang magpaalam na ang ibang miyembro ng Team dahil lumalalim na ang gabi.

"Mauna na kami sa inyo, Hanamichi. Kayo na ang bahala kay Haruko sa paghatid." Paalam ni Miyagi sa kanila.

Tumango naman sina Hanamichi at ang apat na ungas. "Kami na ang bahala sa muse, Kulotskie!" Sagot nito at kumindat.

Tiningnan ni Rukawa si Hanamichi sunod si Haruko bago tumalikod at kinuha ang bisikletang tinabi sa gilid. "Paalam na. Mauna na ako sa inyo." Kumaway ang mga kasamahan niya bilang sagot.

***

SABAY umuwi ang lima. Hinatid nina Hanamichi, Mito, at ng tatlong extra ang dalagang si Haruko. Habang nasa kalagitnaan sila ng daan ay panay ang kanilang usapan tungkol sa basketball at sa kasalukuyang relationship status ni Hanamichi kay Kaiden.

"Sus, Haruko— kung alam kung gaano ka loko si Hanamichi. Tinamaan ba naman sa lowerclassmen." Tumatawang sumbong ni Mito. Nagsing-ayunan naman ang tatlo pa nilang kasamahan.

"First year pa nga." Takamiya

"Sumbong na kaya na'tin sa FBI?" Ohkusu

"Child abuse." Noma

Isa-isa agad silang pinagbabatok ni Hanamichi. "Mga loko kayo ah?"

Tumawa si Haruko sa pinangagawa nila. "Oo nga pala, Sakuragi. Bakit hindi mo kaya ikuwento sa akin kung paano kayo nagsimula ni Kaiden? Maganda naman siguro ang nasimulan niyo hindi ba?" Nakangiti at interesadong tanong ng dalaga.

Ibinaling ni Hanamichi ang kaniyang atensiyon sa kawalan nang maalala niya kung saan sila unang nagkita ni Kaiden at kung ano ang naging simula nila. "Hehehe— sa katunayan... Medyo nakakatawa siya, Haruko. Malayo kasi sa inasahan mo ang naging simula na'min."

Nagtaka naman si Haruko. "Huh? Kung ganoon hindi maganda ang simula niyo? Magulo ba?"

Tumango si Hanamichi. "Parang ganoon na nga," napakamot siya sa pisngi. "Nagkakilala kami sa isang ingkwentro kung saan may nakalaban kaming mga sanggano(gangster)."

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT✔️Where stories live. Discover now