CHAPTER 16:

153 23 3
                                    

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT
- A love story of Hanamichi Sakuragi -

CHAPTER 16:

Wala na ngang nagawa si Kaiden kundi ang sumabay kay Hanamichi pauwi, dahil kahit anong gawin niya ay hindi niya kayang maagaw ang bag dahil sa tangkad nito. Gusto niyang tadyakan si Hanamichi kaso parang balewala lang 'to sa binata, kaya wala 'ring saysay.

"Honey, sama ka sa'kin?" Aya ni Hanamichi sa kanya.

"Saan?" Tanong ni Kaiden.

"Basta."

"Saan nga?" Iritang tanong ni Kaiden.

"Basta nga, sama ka nga?" Aya uli ni Hanamichi.

"Paano ako makapagdesisyon niyan kung ayaw mong sabihin kung saan?" 'Di parin mapigilan ni Kaiden ang mairita. Ang pinaka ayaw niya sa lahat yung nagiging curious siya, parang kakainin ng lupa ang kaluluwa niya kapag ganun.

"Kung may tiwala ka sa'kin, makakapagdesisyon ka." Sagot ni Hanamichi sa kanya.

Tinignan siya ng masama ni Kaiden.

"May tiwala kaba sa'kin?" Muling tanong ni Hanamichi.

Sandaling umiwas ng tingin si Kaiden nang tanungin 'yun ni Hanamichi. May tiwala nga ba siya dito? Kung sa bagay, wala namang ginawa si Hanamichi sa kanya na ikasira ng kanyang tiwala simula nung una nilang pagkikita. Oo nga't may pagkabasag-ulo'ng taglay si Hanamichi pero maaasahan naman tulad nung nakasagupa nila 'yung mga sanggano dati.

"'Huwag kang mag-alala, Honey. Oo, basagulero ako pero hindi naman ako masamang tao." Ngumiti si Hanamichi sa kanya. Muling napatingin si Kaiden. "May tiwala kaba sa'kin?"

Hindi maintindihan ni Kaiden ang kanyang nararamdaman sa kaloob-looban. Susugal na siya at bahala na. "O-Oo... Sakuragi." Nakayukong sagot ni Kaiden.

Ang ngiti ni Hanamichi ay mas lumapad pa dahil sa sinagot ni Kaiden, ang saya niya. Sa sobrang saya ay hinawakan niya ang kamay ng dalaga. "Kung ganun, tara!" Sabi nito at hinila.

"T-Teka, saan tayo pupunta?!"

"Basta..." Nakangiting sagot ni Hanamichi saka patakbo silang umalis.

Habang tumatakbo sila, hindi batid ni Kaiden kung saan sila patungo. Hindi naman masama ang kutob niya.

Napatingin si Kaiden sa kamay niya kung saan nakahawak si Hanamichi. Hindi niya maiwasan ang mailang dahil masyadong malaki ang kamay ni Hanamichi kumpara sa kanya, sakop nito ang buong kamay niya. Para tuloy siyang bata.

Kahit na ganoon, nagustuhan ni Kaiden ang pakiramdam na 'yun. Ito ang kauna-unahang beses na may lalakeng humawak sa kanyang kamay tulad nito. Karamihan kase sa mga lalakeng nakilala niya ay hindi 'to nagawa dahil natatakot ang mga 'to sa kanya. Kaya, si Hanamichi Sakuragi ang nakasungkit ng First time holding hands niya.

Hindi namalayan ni Kaiden na kusang gumanti ng hawak ang kanyang kamay sa kamay ni Hanamichi.

Samantala si Hanamichi na nakatuon sa daan ay lihim na napangiti at pinigilan ang sariling mapatingin kay Kaiden. Ramdam niya ang kamay ni Kaiden na nakahawak din sa kanya. Hindi na siya mag-iingay at baka magbago agad ang mood nito.

Sa hindi kalayuang pagtakbo ay sa wakas nakarating sila sa maingay na lugar kung saan maraming tindahan, tao at palaruan.

"Cannibal?" Tanong ni Kaiden habang nililibot ang paningin.

Napakamot ng pisngi si Hanamichi. "Carnival 'yon, Honey. Ngayon kase ang opening nila. Mamaya may fireworks display, diba ang ganda 'non?" Tanong ni Hanamichi pero si Kaiden ay normal parin ang mukha habang nakatingin sa paligid. "H-Hindi mo ba nagustuhan?" Tanong ulit ni Hanamichi.

Napatingin naman si Kaiden sa kanya, seryoso ang mukha nito. Mukhang tama nga ang hula ni Hanamichi, parang ayaw nga ni Kaiden sa maiingay na lugar. "P-pasenya na kung ayaw---" hindi natuloy ang sasabihin niya nang...

"Grabe! Ang ganda dito! Ang daming paninda! Ang daming palaruan! Ang daming tao! Wow--- ganito pala yung carnival na sinasabi nila. Ang galing mo, Sakuragi! Paano mo nalaman ang ganitong lugar?" Mistulang batang tanong ni Kaiden dahil naaaliw ito sa iba't-ibang kulay ng ilaw at mga nagliliparang mga lobo. "Ang ganda~..."

Kumabog ng malakas ang puso ni Hanamichi nang masilayan niya ang matamis na ngiti ni Kaiden, ito ang unang beses na ngumiti dahil sa saya at aliw. Ang dati'y nakakatakot na ngisi nito ay naging maliwanag dahil sa ngiti.

Nagmumukhang Anghel si Kaiden sa kanyang mga mata.

"Mabuti naman at nagustuhan mo, Honey." Sabi ni Hanamichi.

Ang ngiti ni Kaiden ay nanatili parin kay Hanamichi. "Sobrang nagustuhan ko, Sakuragi! Alam mo bang ito ang unang beses kong nakapunta ng Carnival sa buong buhay ko? Nung nasa Yokohama pa ako, palagi akong bantay sa sarado sa bahay at hindi makalabas." Sagot niya saka muling binalingan ng tingin ang mailaw na paligid. "Ang tanga o dun sa part na akala ko pareho lang yung Carnival at Cannibal tulad ng sinabi sa'kin step mother ko." Natawa na lang siya nang maalala niya kung gaano ito kahigpit sa kanya nung nasa puder pa ito.

"Iba ang Carnibal sa Cannibal, Honey." Hanamichi

"Oo, yung Cannibal kumakain ng internal organs ng tao. Magkasingtunog kase sila ng Carnival." Napakamot na lang ng ulo si Kaiden at natawa.

Parang nasa cloud9 si Hanamichi dahil sa genuinely attitude ni Kaiden, ngayon niya pa lamang 'to nakita.

Muling tinignan ni Kaiden si Hanamichi. "Maraming salamat sa pagdala sa'kin dito, Sakuragi. Sobrang saya ko, ang akala ko talaga ang pakikipag basag-ulo lang ang alam mo." Ngiting wika niya.

Inayos naman ni Hanamichi ang kanyang buhok sa tenga nito. "Katulad ng sinabi ko kanina. Basagulero lang ako, pero hindi ako masamang tao." Muli niyang hinawakan si Kaiden sa kamay. "Ano? Gusto mong subukan ang mga laro dito? Libre ko."

Walang pagtutumangging tumango agad si Kaiden sa sobrang excite. "Tara! Tara na!" Sa sobrang excite niya ay siya na mismo ang humila kay Hanamichi.

"Siguradong masaya ang gabi ko... Salamat sa'yo, Sakuragi." Muling wika ni Kaiden.

"Para sa ikaliligaya mo,gagawin ko." Sagot ni Hanamichi.

Hindi mapigilan ni Kaiden ang mapangiti,

At mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ni Hanamichi,

Tila ayaw nang pakawalan.

KnightAncient | Henyong Si Sakuragi

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon