CHAPTER 3:

351 34 17
                                    

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT
- A love story of Hanamichi Sakuragi -

CHAPTER 3:

Nakatingin parin ng masama si Kaiden sa kanya. Nagsalita na lang si Hanamichi sa kanyang isipan. "Pambihira, iniwan pa ako ng mga loko."

Sinugod siya bigla si Kaiden at tinarget nitong sipain ang ulo niya.

"Pababagsakin kita." nagpakawala ng malakas na sipa si Kaiden pero napigilan yun ni Hanamichi gamit ang braso nito.

"H-huyy wala akong alam sa sinasabi mo." Mahinang tinulak ni Hanamichi ang paa ni Kaiden sa kanya. "Kung may Kuya ka man at kung may kasalanan man ako. Sorry na." Dagdag pa niya.

Pero patuloy parin sa pag-atake si Kaiden.

Kaliwa't kanang sipa,

Pinupuntirya niya ang upper body ni Hanamichi para madaling mapuruhan.

Iwas ng iwas si Hanamichi sa kanyang atake, hindi siya makaisip kung paano niya pipigilan si Kaiden dahil sunod-sunod ang pagpapaulan ng sipa sa kanya.

"Ang bilis niyang umatake." Bulong ni Hanamichi.

Nang makakita ng pagkakataon si Hanamichi ay dinakma niya ang kamay ni Kaiden saka pinaikot ito palapit sa kanya.

Nayakap niya si Kaiden mula sa likuran.

Natigilan si Kaiden sa kanyang ginawa. Naka back hug si Hanamichi sa kanya.

Napalunok siya at kinakabahan.

Ramdam niya ang maskuladong katawan ni Hanamichi na nakayakap sa kanya at sakop pa nito ang kabuuan ng katawan niya.

"Bitawan mo'ko." Pilit niyang kumawala sa pagkakayakap ni Hanamichi pero masyado itong malakas.

Hindi alam ni Kaiden pero ang init ng mukha niya at hindi niya maiwasan ang mahiya.

"Sabing bitaw eh!" Pagpupumiglas muli ni Kaiden pero masyado talagang malakas si Hanamichi para tapatan ang pwersa nito.

"Hindi kita bibitawan." Sagot ni Hanamichi.

"Bitaw nga sabi eh!" Naiirita na niyang sabi.

"Bibitawan kita, tapos ano? Sasaktan mo na naman ako?" Sagot muli ni Hanamichi.

"Pakawalan mo'ko, Pulang Buhok! Mukha kang posporo!" Naaasar na si Kaiden sa kanya.

Namumula na parang kamatis ang mukha ni Kaiden dahil sa hiya, napansin naman yun ni Hanamichi dahil panay ang yuko nito at ayaw siyang tignan.

May namuong ngisi sa mukha ni Hanamichi.

"Hawak na kita sa mga braso ko--- bakit pa kita papakawalan... Honey?" Bulong niya kay Kaiden.

Namilog ang mga mata ni Kaiden nang marinig niya ang bulong yun kay Hanamichi.

Mas lalong namula ang mukha niya at hindi nakapagtimpi.

Kahit nakagapos ang parehong kamay ay sinipa niya ang mukha ni Hanamichi.

Nabitawan naman siya ni Hanamichi at napahawak sa mukha. "A-arayyy... Ang sakit nun ah? Amasona ka talaga, Honey!" Busangot niyang tinignan si Kaiden habang ang mukha nito ay bakat ang sapatos na pagsipa sa kanya.

Sunod-sunod na napatanong si Kaiden sa kanya, ngunit hindi niya parin maiwasan ang mahiya sa harapan ni Hanamichi.
"Hoy! Huwag mo'kong matawag-tawag na HONEY! At isa pa, kalaban ka ng Kuya ko! Pagtripan mo lang ang lahat ng babae, huwag lang ako! Magsisisi ka kapag ako nagalit sayo! Hindi lang sipa ang gagawin ko sayo kundi gagamitin ko na ang kamao ko nang mapuruhan ang walangyang pagmumukha mo! At isa pa, wala kang karapatan na yakapin ako! Sino kaba sa inaakala mo?!"

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT✔️Where stories live. Discover now