CHAPTER 42

79 5 0
                                    

SLAM DUNK: LOVE AT SECOND FIGHT
- A love story of Hanamichi Sakuragi -

CHAPTER 42

SA HARAPAN ng classroom ay nakatayo pareho sina Hanamichi at Haruko habang tinatanaw ang labas ng building habang nakapagitan ang seramikong transparent na bintana.

Hindi batid ni Hanamichi kung bakit nais siyang makita ni Haruko. Ang alam niya lang ay parang mabibingi na siya sa lakas ng tibok ng kaniyang puso. Ang babaeng unang inibig niya rito sa Shohoku ay kaharap at kasama niya ngayon.

"Nakakatuwa lang isipin na si Miyagi na nga ang naging Team Captain ng Shohoku." Masayang wika ni Haruko habang nakadungaw sa bintana.

Agad napatango si Hanamichi. "O-Oo, tama ka. D-Deserve naman ni Kulotskie iyon e."

Tumawa naman si Haruko. "Siguro nagpapasaway ka na naman ano? Baka iniistress mo si Miyagi."

Umiling si Hanamichi. "Hindi a, ang bait ko kaya. Good boy kaya ako sa training." Napakamot na lang siya sa likuran ng kaniyang ulo. "A-ah, Haruko. Bakit mo pala naisipang bumalik rito sa Shohoku?"

Magpahanggang-ngayon ay hindi pa rin mawari ni Hanamichi ang dahilan niya. Hindi naman sa ayaw niyang makitang muli ang dalaga, sadyang hindi niya lang malaman ang rason.

Masaya siya dahil muling bumalik si Haruko. Ang babaeng nagpakilala sa kaniya at nagpapasok sa mundo ng basketball.

Nasasabik na siyang ipakita sa dalaga ang mga pagbabago at husay niya sa laro simula noong umalis ito. Nais niyang ipakita kay Haruko kung gaano siya kasipag sa training na hindi tulad noon ay may halong kumpetesiyon kay Rukawa.

"Bakit ako bumalik?" Napahawak si Haruko sa kaniyang ibabang-mukha at sandaling napaisip. "Mas sanay kasi ako rito e. Narito ang mga taong nakasanayan ko. Ang mga taong narito ang gusto kong makasama. Akala ko sa eskwelahang mapaglilipatan ko ay sasaya ako pero hindi iyon ang inasahan ko. Narito at kayo pa rin ang hinahanap-hanap ko." Sagot nito na parang inaalala ang pakikipagsapalaran sa ibang paaralan. Ngumiti siya kay Hanamichi.

Napatulala si Hanamichi sa kaniya. "Kung ganoon... Hindi ka na ulit aalis?"

Umiling ang dalaga. "Mananatili ako rito... At susubaybayan ko ang pagiging mahusay mong manlalaro, Sakuragi." Nakangiting sagot nito.

Parang mga tambol na nagtatambulan ang kalagayan sa puso ni Hanamichi nang wikain iyon ni Haruko. Nag-iinit ang kaniyang mukha, parang gusto niyang sumigaw.

"Ayy aba naman! Syempre! Ipapakita ng henyong ito kung paano ito mas naging henyo pa!"

"Aasahan ko iyan, Sakuragi." Suportadong sagot ni Haruko.

"At abangan mo, Haruko. Ipapakita ko sa iyo na mas magaling na ako kay Rukawa ngayon!" Mayabang niyang sabi ulit habang pini-flex pa ang biceps ng kaniyang muscle.

Nagtawanan silang dalawa.

***

LUNCH-BREAK nang maisipan ni Kaiden na bisitahin ang nobyo sa classroom nito habang dala ang isang maliit na lunch box na hinanda niya para rito. Habang paakyat siya sa ikalawang palapag ng second-year building ay nakasalubong niya sa hagdan ang payapang mukha ni Rukawa.

"R-Rukawa... Ikaw pala."

"Yo." Bati nito sabay angat ng kamay.

"Maglulunch-break ka na?"

"Oo." Maikling sagot nito.

Napangiwi na lang si Kaiden. Kahit kailan talaga ang tipid nitong magsalita.

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon