CHAPTER 25:

157 21 2
                                    

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT
- A love story of Hanamichi Sakuragi -

CHAPTER 25:

Habang abala ang lahat sa paghahanda at pagwawarm-up ay nagpaalam muna si Kaiden na kunin ang extra towel niya na naiwan sa locker.

"Sige, Honey. Balik ka agad ha nang makita mo kung gaano ako kahusay sa larangan ng pagtakbo!" Tonong mayabang na wika ni Hanamichi.

"Ang yabang." Bulong ni Rukawa.

"Shattap, Rukawa!"

"Sandali lang ako." Paalam niya saka patakbong umalis.

Nang makapasok ng building si Kaiden, pagkaliko niya ay hindi niya sinasadyang makita si Yugo. Pareho silang nagulat.

Natigilan at nanlaki ang mga mata ni Kaiden nang makita niya ang kaliwang kamay ni Yugo na kanina'y nababalutan ng itim na gloves at elbow pad.

"Y-Yung kamay mo..." Hindi nakapaniwala si Kaiden sa nakikita. "P-putol?" Napaatras siya dahil sa kilabot.

Ang maamong gulat mukha ni Yugo ay napalitan ng masamang tingin. "Kaiden Sazuno." Sambit nito.

Napaatras si Kaiden nang maglakad palapit sa kanya si Yugo habang masamang nakatingin. Kaya pala hindi niya mahagilap simula nung matapos ang face-off ni Honoka sa Judo Activity. Kinikilabutan parin siya sa nakita niya sa kamay ni Yugo na ngayo'y nakakabit ang 'Robotic Prosthetic Hand' na muling nagpakumpleto sa kamay nito.

Hindi maiwasang kabahan ni Kaiden, hindi niya batid kung anong meron sa taong kaharap niya ngayon. Ang buong akala niya ay nagtataglay ito ng maamong katauhan pero may madilim na awrang tinatago.

"B-Bakit?" Kinakabahang tanong niya.

Imbes na sumagot si Yugo ay mabilis niyang hinuli ang kwelyo ng uniporme ni Kaiden saka malakas na sinandal sa locker gamit ang isang kamay.

*BLAAAAAG!*

Napahiyaw sa sakit si Kaiden nang tumama ang kanyang likod sa bakal na locker na ngayo'y nakayupi. "Aaaaahhh!" Naubo siya. "B-Bitawan mo ako!" Pilit niyang kumawala sa pagkakasakal ni Yugo pero hindi niya matapatan ang pwersa, masyadong malakas.

"Wala kang nakita, naintindihan mo?" Tonong banta na tanong ni Yugo.

"Bitawan mo'ko!" Bulyaw ulit ni Kaiden sa kanya at sa pagkakataong 'yun ay nakaalis siya sa pagkakasakal.

Pero mabilis namang hinuli ni Yugo ang buhok niya at pwersang hinagis sa sahig na ikinaub-ob ni Kaiden. Napahawak siya sa kanyang mukha at sa gilid ng labi niya ay may lumabas na dugo.

Lumapit naman si Yugo at sinipa ang tiyan niya na ikinamilipit sa sobrang sakit.

Nahirapang huminga si Kaiden dahil 'doon.

Umupo si Yugo sa kanyang harapan at sinabunutan ang buhok niya. "Hindi ako mabait tulad ng inaakala ng mga tanga dyan sa paligid, Sazuno. Sa oras na nag-ingay ka tungkol sa kamay ko at sa nangyaring ito... Gagawin ko ring ganito ang kamay mo." Nakangising sabi ni Yugo habang nakaturo sa prosthetic niyang kamay.

Sa sobrang takot ni Kaiden ay napatango na lang siya.

"Mabuti." Tanging sagot ni Yugo at naglakad paalis na parang walang nangyari.

***

Sa Sports Complex ay nagtataka na si Hanamichi dahil matagal nakabalik si Kaiden. Nakita niya naman si Yugo na palapit sa kanila at handa na para sa running relay activity.

"Yohooo! Excited na ako. This is my first time ever activity na makasama kayo." Nakangiting sabi nito.

Ngumiwi naman si Hanamichi. "Ang oa mo talaga magsalita, ang sarap mong sapakin." Sagot niya. "Si Honey--- I mean si Kaiden pala, nakita mo ba bantot? Hindi ba kayo nagkasalubong sa locker?" Tanong niya.

Napakamot ng pisnge si Yugo. "Ha? Hindi ee. Nasa locker room 'din ako kanina nagpalit ng damit, pero pumunta ako ng Cr pagkatapos." Sagot niya.

"Ahh ganun ba? Nasaan na kaya 'yon? Ang tagal niya naman, magsisimula na ang activity ee." Ngusong wika ni Hanamichi.

"Aysos, ang sabihin mo gusto mo siyang magcheer sayo." Asar ni Yugo sabay sundot kay Hanamichi.

Pumito na ang in-charge Teacher ng activity. Tinawag nito ang tig lilimang representative ng bawat Team. Sa Red Team ay pinamumunuan ni Miyagi habang sa kanyang likuran ay sina Rukawa, Mito, Yugo at Hanamichi. Lahat sila ay nakapag warm-up na kaya nasa kondisyon na ang kanilang mga sistema.

Sa Audience area naman ay dumating si Kaiden nakapony-tail ang buhok at nakalight lipstick upang takpan ang gasgas sa ibabang labi niya.

Tinaasan naman siya ng kilay ni Honoka. "Blooming ah, para kay Sakuragi ba?"

"Wala kang pakealam." Masungit na sagot nito at umupo.

Nagtaka naman si Honoka sa inasta niya, hindi naman siya ganito kanina. Panay pa ang cheer sa nito sa kanya.

"May biglaang bisita ba?" Ngumisi si Honoka.

"Oo, kaya pwede ba tigilan mo'ko! Masakit ang puson ko!" Irita niyang sagot saka binalingan na lang ng atensyon ang sport complex.

Napayukom ng kamao si Kaiden sa nangyari kanina. Nagsinungaling siya sa mga sinagot kay Honoka. Ayaw niyang malaman nito ang totoo sa nangyari sa kanya dahil natatakot siyang baka madamay 'to sa ingkwentrong nangyari sa kanila ni Yugo.

"Bw*sit!" Bulong niya.

Kinuha ni Honoka ang bimpong naupuan ni Kaiden nang aksidenteng nagalaw nito ang kanyang likuran.

"Aray!" Sigaw niya. "Mag dahan-dahan ka nga!" Lintya niya.

Nainis naman si Honoka sa inaasta niya ngayon. "Ano ba, Kaiden! Kanina kapa ah! Ano bang problema mo kaya biglaan kang nagkakaganyan?" Hindi rin maiwasan ni Honoka ang mairita.

Natikom si Kaiden sa kanyang tanong.

"Kung masakit ang puson mo, anong kinalaman niyan sa likod mo? Or sadyang nag-o-OA kana?" Padabog na hinila ni Honoka ang bimpo saka pinunasan ang pawis niyang mukha. "Magsabi ka nga ng totoo..." Natigilan si Kaiden.

Tinignan niya si Honoka. "N-na ano?" Kinakabahan siya.

"Bakit ka natagalan kanina? May nangyari ba?" Seryosong tanong nito.

Muling nanumbalik sa isipan niya ang ginawa ni Yugo sa kanya. Umiwas siya ng tingin.

"A-ang totoo niyan..." Yumuko si Kaiden. "K-kasi kanina..." Napapikit na lang siya. "N-nadulas ako habang pababa ng hagdan kase may kinuha ako sa bag ko sa 1st year building. Napuruhan yung likuran ko kaya ganoon." Kinagat niya ang kanyang ibabang labi.

Nakita niyang hindi parin kumbinsido si Honoka sa kanyang sagot."'W-wag ka sanang mag-ingay. Nakakahiya 'yung katangahan ko. Hahahaha." Ngumiti ng mapakla si Kaiden.

Napabuga na lang ng hangin si Honoka. "Ang tanga mo naman."

"O-Oo... Tama ka." Kaiden

KnightAncient | Henyong Si Sakuragi

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT✔️Where stories live. Discover now