CHAPTER 9:

226 25 6
                                    

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT
- A love story of Hanamichi Sakuragi -

CHAPTER 9:

Samantala sina Kaiden at Honoka ay panay parin ang takbo nang makita nila na nakasunod sa kanilang likuran ang apat na babaeng sanggano na kasama nung Lider. Nagtawanan ang mga ito habang hinahabol sila.

"Sige, takbo!"

"Wag kayong magpapahuli sa'min!"

"Lagot kayo sa'min ngayon!"

"Mga babaeng takbo ng takbo mga duwag!" Sigaw ng apat habang nagtatawanan.

Si Kaiden naman ay napipikas na sa kanila. "Mga bwisit 'to ah..." Bigla siyang huminto at hinarap ang sila.

Napahinto din si Honoka at nagtaka. "Hoy Kaiden, bakit ka huminto?" Tanong nito.

"Haharapin ko ang mga alipores na 'to." Sagot niya.

"Ano? Nahihibang kaba? Ang sabi ni Sakuragi tumakbo na tayo!" Sabi pa Honoka.

Tinignan naman siya ng masama ni Kaiden. "Pwede ba Honoka. Huwag ka ngang pa feeling weak o pa as if dyan? Alam ko ang baho mo! Bakit kapa tatakbo kung kaya mo rin namang harapin ang mga 'to?"

Natigilan si Honoka sa kanya at sumagot muli. "Nagbago na ako Kaiden, lumalayo na ako sa ganitong gulo dahil ayoko nang maulit pa ang nangyari sa akin noon." Sagot niya.

Inirapan naman siya ni Kaiden. "Pwede ba, hindi ito ang tamang oras para mag deny---" hindi natuloy ang sasabihin ni Kaiden nang biglang siyang idinapa ni Honoka at kasabay nun ang pagdaan ng pocket knife na hinagis ng isa sa apat na babaeng sangganong kaharap nila.

"Kutsilyo?" Gulat napatingin si Kaiden doon.

"Muntikan kana." Wika ni Honoka sa kanya.

Muling nagtawanan ang Apat na sangganong babae sa kanila. "Mukhang mapapadali tayo dito, mukhang mga ordinaryong estudyante lang ang mga ito."

Nagsalita din yung isa. "Sayang naman ang kinis ng kanilang mga balat kung mapupuruhan lamang natin yan."

Tinignan sila ni Kaiden ng masama. "Hindi patas 'to. Kung makikipaglaban kayo sa'min ng pisikalan ay panatag pa ang loob ko."

"Tumakbo na tayo, Kaiden. Delikado tayo dito." Bulong ni Honoka sa kanya.

Bago pa man sumagot si Kaiden ay biglang umatake ang isang babaeng sanggano sa kanila. Agad naghiwalay si Kaiden at Honoka dahil pareho sila nitong pinuntirya.

Pagkaatras ni Kaiden ay nakahandang sumalubong ang isa pang babaeng sanggano sa kanya, kaya bago pa man siya malapitan nito ay biglang itinaas ni Kaiden ang kanyang isang paa ng patalikod saka sinipa ng napakalakas ang babae na siyang ikinabagsak nito sa sahig.

*BLAAAAGGG!*

Nagulat ang tatlong natitirang babaeng sanggano sa ginawa ni Kaiden. Ang babaeng sinipa nito sa mukha ay napadura ng dugo.

"Ikaw... Babae ka! Magbabayad ka sa ginawa mong 'to!" Sigaw nung napuruhang babae at muling sinugod si Kaiden. Sinamahan din ito ng tatlo pang kasamahan.

Pareho nilang nilabas ang kani-kanilang mga pocket knife na dala saka sabay nilang sinugod si Kaiden.

Kahit anong wasiwas ng kutsilyo nila kay Kaiden ay nagawa itong iwasan, bigla siyang umikot paibaba saka sinipa ang mga paa nito dahilan nang pagkatumba ng apat.

*BLAAAAAGGG!*

"Nagdadalawang-isip ako na puruhan kayo, ang hirap magpigil kapag babae ang kalaban." Tanging wika sa kanila ni Kaiden saka muling hinila si Honoka at tumakbo paalis.

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT✔️Where stories live. Discover now