CHAPTER 31:

152 20 9
                                    

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT
- A love story of Hanamichi Sakuragi -

CHAPTER 31:

"Kayong magkapatid! Pare-pareho kayo! At ikaw, Kaiden Sazuno! Alam mo ang totoong nangyari, hinahabol ako ng mga bully kaya aksidente akong nakapasok sa girls locker room para magtago. Sinabi ko sa'yo ang dahilan at kinampihan mo'ko. Hanggang sa nakita tayo ng Kuya mo na magkasama sa lugar na'yon ay pinag-isipan niya ako ng masama na binosohan at may balak na kahalayan sayo. Inabangan at pinagtulungan nila akong bugbogin sa labas ng school. Siya at ang alipores niya ay sabay akong pinagpapalo, wala akong nagawa noon at puro pigil lang sa kamay ko. Hanggang sa naging maselan na ang pangyayari, nadurog ang buto ng kaliwang kamay ko dahil sa bakal na pinaghahampas nila sa'kin sa halip sa ulo ko tumatama. Nalaman ng School ang gulong 'yon. Humingi ako ng tulong sayo ng mga oras 'yon pero anong ginawa mo? Ikaw at ang step mother mo, sinabi sa principal na may ginawa akong kahalayan sa'yo!" Malakas na sinampal ni Yugo si Kaiden at binagsak sa sahig.

Sinipa ni Kaiden ang mukha niya saka ang tiyan ng malakas na ikinatilapon ni Yugo patama sa bakal na upuan.

"Dahil napilitan ako dahil sa Step-Mother ko! Papatayin niya kami sa bugbog at pahihintuin sa pag-aaral."

"Naexpell ako sa school dahil sa kaduwagan niyo!" Yugo

"Binayaran ng Step Mother ko ang principal kapalit ang malinis na record naming magkapatid. Gustong-gusto kitang tulungan ng mga oras na'yon pero hindi ko nagawa. Dahil puro na pasa ang katawan ko ng mga panahong 'yun, natatakot ako sa maaaring gawin ng Step Mother ko. Sa akin at kay Kuya." Hindi mapigilan ni Kaiden ang mapaluha.

Si Yugo ay galit na galit parin.

"Pero ang nangyari sa kamay ko... Hindi niyo na maibabalik." Yugo

"May prosthetic hand ka. Pero si Kuya wala, literal bulag ang isang mata niya at walang kahit anong prosthetic ang makapagpapabalik ng kanyang paningin." Kaiden.

"Kasalanan niya 'yan dahil hambog siya!" Muling inatake ni Yugo si Kaiden.

Pareho silang palaban at nagpalitan ng atake. Ngayon lang napagtanto ni Yugo na may maibubuga pala 'tong si Kaiden hindi tulad nung unang ingkwentro nila sa locker.

Natamaan ni Kaiden ng sipa ang tagiliran ni Yugo, pero mabilis naman itong nahuli ng mga kamay ng binata at inikot ang paa ni Kaiden pabagsak sa sahig.

Saka pinagsisipa ang tiyan.

Namilipit si Kaiden sa sobrang sakit dahil bawat atakeng binibitaw ni Yugo ay malakas ang pwersa.

Halos hindi makagalaw at hingalong gumalaw si Kaiden.

Natigilan siya nang makita niya si Yugo na may hawak na baseball bat.

Naalala niya na naman kung anong bagay ang nakapagpabulag kay Saiga, nalaman nilang mula sa malakas na hampas sa baseball bat.

Tunay ngang si Yugo ang dahilan ng pagkabulag ni Saiga.

Itinaas ni Yugo ang hawak niyang baseball bat. "Kaiden Sazuno... Hindi lang isang mata mo ang bubulagin ko kundi ang buong paningin nang sa ganun ay habang buhay kana maging inutil!" Ngising lintya ni Yugo at hinampas ang baseball bat.

"Tama na 'yan!"

Tumilapon sa malayo ang baseball bat nang malakas 'yung sipain ni Honoka. Saka sinipa ang dibdib ni Yugo na ikinaatras nito.

*BLAAAAG!*

Agad nilapitan ni Honoka si Kaiden. "Kaiden! Kaiden!" Pukaw niya sa dito. Tinignan niya ng masama si Yugo. "Sinabihan na kita dati pa, Yugo!" Sigaw niya.

Dahan-dahan namang napatingin si Kaiden sa biglang dating na si Honoka. "H-Honoka, i-ikaw pala..." Nawalan ng malay si Kaiden dala ng lahat ng natamo niyang bugbog. Marahan siyang binitawan ni Honoka.

Tumayo ito at tinignan ang nag-aayos ng sarili na si Yugo. Nilapitan niya ang binata.

"Huwag kang makealam dito, Hono---" hindi natapos ang sasabihin ni Yugo nang matanggap niya ang malakas na sampal mula kay Honoka.

*PAKK!*

"Yugo! Sinabihan na kita!" Lintya ng dalaga. "Malaking gulo ang mangyayari dahil sa ginawa mong pananakit kay Kaiden!"

Natingin lang ng masama sa kanya si Yugo at hindi makapagsalita.

"Si Sakuragi... Hindi mo ba alam ang nangyari sa kanya? Nasa ospital siya ngayon kasama nina Mito dahil kagabi ay pinuntirya siya ng Gang ni Saiga Sazuno. Naabutan siya ni Ate Freya na duguan ang katawan at ang mukha ay halos hindi na makilala. Yugo, naintindihan mo ba ang pinupunto ko? Ang walang alam at inosenteng si Sakuragi ang siningil ni Saiga sa kasalanang hindi niya ginawa! Yugo, ikaw dapat 'yun at hindi si Sakuragi. Ikaw dapat ang nakahilata sa ospital at hindi si Sakuragi!" Sigaw niya at muling sinampal si Yugo.

*PAKK!*

"Malapit nang mangyari ang pinaka nakakatakot na maaring maganap. Sa oras na malaman ni Sakuragi na ikaw ang totoong may sala at sa ginawa mong pananakit kay Kaiden..." Hinawakan ni Honoka ng mahigpit ang braso ni Yugo habang ang mga mata ay lumuluha.

"H-Honoka---"

"Yugo... Mapapatay ka ni Sakuragi" Lumuluhang dagdag ni Honoka. "Papatayin ka niya!"

KnightAncient | Henyong Si Sakuragi

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon