CHAPTER 15:

155 20 5
                                    

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT
- A love story of Hanamichi Sakuragi -

CHAPTER 15:

Pagsapit ng hapon, sa gymnasium ng Shohoku ay abala ang lahat ng players sa pagtatraining. Si Ayako naman ay abala din sa pagtulong sa ibang organizers ng ibang Team para sa darating na High School Week kaya si Honoka ang inatasan na mangasiwa sa performance ng mga players.

Hawak ang kanyang log book ay minomonitor ni Honoka ang bilis ng takbo ng players at galaw nito sa court. Manghang-mangha siya sa bilis ng galawan nina Hanamichi, Rukawa at Miyagi pati na rin ang ibang players ng Shohoku. Perfect representatives para sa running event activities ng High School Week.

Sa 3 on 3'ng nangyayari, mabilis na dinribol ni Hanamichi ang bola papunta Court B kung saan ay kanilang teritoryo. Kakampi niya sina Miyagi at Yasuda, habang sa Court A naman ay sina Rukawa, Kakuta at Toki Kawata. Pagkapasok ni Hanamichi ay biglang dumating si Rukawa sa kanyang harapan at harap-harapang napalpal ang bola.

*PAKK!*

"Whaaaaaah--- RUKAWA!" sigaw niya at hinabol ang bola.

Pero naunahan siya ni Rukawa at mabilis itong pinasa kay Toki na nasa posisyon ng linyang tres.

*Pass.*

Pagkasalo ni Toki ay agad niya itong shinoot.

*Shoot!*

"Ayos!" Tuwang sabi ni Toki at Kakuta saka nag-apiran. "Nice pass, Rukawa! Ang galing 'non!" Puri niya.

Tumango si Rukawa sa kanya bilang tugon.

Samantala si Hanamichi ay naiinis. "Grrrrrrr--- para kang kaluluwa, Rukawa. Basta-basta na lang kung lumantad!" Barat niya.

"Ee kase, gunggong ka." Sagot ni Rukawa na mas lalong nagpainit ng ulo ni Hanamichi.

"Walanghiya ka talaga!" Singhal niya pero inirapan lang siya ni Rukawa.

"TUMIGIL NA KAYO! SIPAIN KO KAYO DYAN EE!" Malakas na sigaw ni Miyagi.

***

Pagsapit ng alas sais ay mag-isang nagtraining si Rukawa sa kanyang long shot gamit ang kaliwang kamay, right-handed kase si Rukawa kaya gusto niya 'ring hasain ang kaliwang kamay niya in case of unexpected moment na mangyari sa actual match. Habang nagtatraining siya ay napansin niyang panay ang tingin ni Honoka sa kaniya.

Tumigil sandali si Rukawa at hinarap si Honoka. "Bakit?" Tanong niya.

Binaba ni Honoka ang hawak niya Performance Book. "Rukawa, masyadong nang mahaba ang buhok mo sa harap, kahit isang buhok na papasok sa mata mo ay malaking sagabal na sa laro 'yan." Sagot nito sa kanya.

Napahawak naman si Rukawa sa buhok niya sa harapan ng kanyang mukha, mukhang tama nga ang sinabi ni Honoka sa kanya. "Okay, gugupitan ko na lang 'to mamaya." Sagot niya.

Nagsibulungan naman sina Yasuda, Hanamichi at Miyagi sa sinagot ni Rukawa.

"Ibang klase talaga 'tong si Ms. Honoka, maganda na, maalahanin pa." Wika ni Yasuda na tila anghel ang turing sa dalaga.

"Kailan pa naging disobedient si Rukawa sa mga Manager? Kahit si Ayako sumusunod siya." Wika rin ni Miyagi.

"Hoy, Rukawa! Gupitan mo na rin pati 'yang leeg mo nang mawalan ka ng hininga!" Sigaw ni Hanamichi.

"Inggiterong gunggong." Sagot ni Rukawa sa kanya.

"Aba't gusto talaga nitong makatikim---" agad inawat ni Yasuda at Miyagi si Hanamichi.

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT✔️Where stories live. Discover now