CHAPTER 47

166 9 5
                                    

SLAM DUNK: LOVE AT SECOND FIGHT
- A love story of Hanamichi Sakuragi -

CHAPTER 47

NATIGILAN si Kaiden nang marinig niya ang sinabi ng kaniyang mga kaibigan tungkol kay Hanamichi at sa babaeng kasama nito na hinatid kagabi.

"Ang akala nga na'min ikaw iyon pero naalala kong nasa tournament ka pala ng Kuya mo." Wika ni Reiku habang nakasandal sa bintana.

"Pero infairness doon, maganda siya. Hindi ba siya iyong bagong Manager ng boys basketball na'tin?" Tanong ni Mayo.

"Si Ms. Haruko? Kung ganoon siya ang kasama ni Hanamichi kagabi?" Pang-uulit niya. Tumango naman ang dalawang kaibigan niya.

"Pero, according to my observation lang Kaiden ah. Mukhang namang hindi pinopormahan ni Sakuragi 'yong si Ms. Haruko. Iyong tipong malapit lang sila parang magkakaibigan." Pahabol ni Mayo.

"Oo nga naman, at isa pa... Lima naman silang magkasama kagabi. Si Sakuragi at ang mga tropa niya, so wala kang dapat ipag-alala." Reiku

Napabaling na lang ng tingin si Kaiden sa bintana kung saan nakikita niya ang ilang mga estudyante nagsi-recess. Isa sa nakita niya ay ang mag-isang naglalakad na si Rukawa habang ang palibot nito ay mga babaeng naghuhugis puso ang mga mata sa kaniya.

Tumayo siya habang nakatingin sa bintana.

"O, saan ang punta mo?" Tanong ni Reiku.

"Magrerecess lang."

"Sama kami?"

"Huwag na. May pupuntahan din naman ako."

Nagsitanguan na lang ang mga kaibigan niya dahil agad nakuha ang punto nito. "Sige, mukhang kailangan niyo ngang mag-usap."

Nagdala ng pera si Kaiden at ipinasok sa bulsa bago dali-daling lumabas ng classroom.

Naiwang nakatingin sa kaniyang ginawian ang dalawang kaibigan. "Kailangan nilang ayusin ni Sakuragi ang maliit na isyung ito, baka dibdibin ni Kaiden."

***

SA HALLWAY ng quadrangle ay nasalubong ni Kaiden ang binatang si Rukawa tulad ng inasahan niya. Napatingin sa kaniya ang binata na may pagtataka nang makita ang magkasalubong na kilay ni Kaiden.

"May problema ba?" Direktang tanong ni Rukawa. Hindi na siya nag-abalang bumati dahil halata na sa mukha ni Kaiden na may itatanong ito. "Magtanong ka lang."

Hindi maiwasan ni Kaiden ang mailang kay Rukawa. Dahil unang-una hindi madaldal na tao si Rukawa, binabalewala niya ang mga kababaihan, malimit ding magsalita. At hindi interesado sa paligid maliban sa basketball.

"Tungkol ba kagabi?" Direktang tanong ulit ni Rukawa. Tumango-tango si Kaiden sa kaniya. Naglabas ng isang biskwit si Rukawa at kinain ang isang flakes. "Alam mo hindi bang nagkaayaan kami kagabi? Ano pang gusto mong malaman?" Naglalakad nitong tanong.

Sumunod si Kaiden sa kaniya. "T-Totoo bang... hinatid ni Hanamichi si Ms. Haruko?"

Sandaling natigilan si Rukawa sa kaniyang tanong bago siya tiningnan nito.

"P-Pakiusap... Gusto ko lang malaman, Rukawa."

"Kung iyan ang nalaman mo, hindi malayong totoo iyon. Dati niya pa iyan ginagawa kay Haruko pero hindi palagi. Baka may pinag-usapan sila kaya ganoon. Wala iyong malisya." Sagot ni Rukawa sa kaniya.

"Walang malisya? E paano naman sa pagkakaintindi ko?"

"Nagseselos ka?"

"Malamang, ako ang kasintahan niya..." Agad napatingin si Kaiden sa lupa para iwasan ang madirektang tingin ni Rukawa na nakatingin sa kaniya. "Babae rin ako."

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT✔️Où les histoires vivent. Découvrez maintenant