CHAPTER 32:

157 23 5
                                    

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT
- A love story of Hanamichi Sakuragi -

CHAPTER 32:

Kinabukasan ay nqkapasok na uli sa Shohoku High si Hanamichi kahit hindi pa tapos ang pagpapagaling. Kinamusta siya ng kapwa miyembro ng Basketball Club at napag-alaman nilang inatake ng Gang si Hanamichi.

"Mabuti naman at nakayanan mong pumasok ngayon?" Hindi maipagkaila kay Miyagi ang pag-aalala.

"Aba syempre naman, Kulot. Pasa at gasgas lang naman ang natamo ko, mapalad parin ako dahil wala akong malalim na sugat kundi nakahilatay parin ako sa ospital." Ngumiti si Hanamichi na parang ayos na siya.

"Kung sa bagay, sa ngayon ay magpahinga ka muna. Maaari kang manood ng training subalit hindi kita papayagang sumali. Maupo ka muna pansamantala hanggang sa tuluyan kanang gumaling. Pakitandaan lang na malapit na ang paparating na matches kaya tulungan mo ang sarili mo na gumaling agad, isa ka pa naman sa first five kaya mahalaga ka sa laban." Paalala ni Miyagi at tumango naman si Hanamichi.

"Sige, Kulot. Pangako magpapagaling agad ako, pasensya na rin." Sagot ni Hanamichi at umupo sa vacant bench.

Luminga si Hanamichi sa paligid na baka sakaling makita niya ang taong kanina pa niya hinahanap simula umaga. "Nakapagtatakang wala si Kaiden, absent ba siya?" Tinignan niya ang gawi ni Honoka na kanina pa rin niyang napansin na palaging tahimik at nakatulala na tila malalim ang iniisip. "Matanong nga..." Naglakad siya palapit sa dalaga. "Honoka."

"O-Oh, Sakuragi... Ikaw pala, bakit?" Tanong nito.

"Maaari ko bang matanong kung nakita mo ba si Kaiden sa araw na'to? Kanina ko pa kase siya hindi nakikita kaya medyo nag-aalala ako." Hanamichi

Sandaling natahimik si Honoka sa kanyang tanong. Agad siyang nag-isip kung anong isasagot na palusot dahil batid niya ang dahilan kung bakit wala ang dalagang hinahanap ni Hanamichi. Alam niyang absent ito dahil nawalan ito ng malay kahapon dahil sa ingkwentro nito laban kay Yugo.

"Honoka?" Bumalik sa wisyo si Honoka nang muling sambitin nito ang kanyang pangalan. "Kanina kapa malalim ang iniisip, may bumabagabag sayo?"

"A-Ang totoo niyan, Sakuragi...Si Kaiden, ang totoo ay absent siya ngayon dahil nahimatay siya kahapon. Pero baka ngayon ay maayos na siya at baka rin na afternoon period siya makakapasok." Sagot ni Honoka saka ngumiti.

Ng peke.

Tumango-tango naman si Hanamichi. "Ahh, ganun ba?" Huminga ng malalim si Hanamichi. "Magpapahangin lang ako." Wika nito at naglakad paalis.

Pumasok muli sa kanyang isipan ang kanilang pinag-usapan ni Freya habang nasa ospital siya.

Pinaliwanag at sinabi ni Freya ang buong katotohanan at kwento tungkol sa galit ni Saiga at sa koneksyon sa taong kinamumuhian nito.

Hindi ibig ni Freya na nadamay si Hanamichi sa pangyayaring 'yun kaya sinabi niya ang lahat. Hindi maiwasan ni Hanamichi na magulat sa mga winika ng dalaga at magalit.

Nagalit si Hanamichi dahil siya ang siningil sa kasalanang hindi siya ginawa.

"Sakuragi, tulungan mo'kong alisin ang poot nila sa isa't-isa. Hindi ko kakayanin na hangga't sa susunod na panahon ay hindi mawawala ang kanilang mga galit. Kaya kong pigilan ang pisikal nilang galit pero ang emosyonal at kaloob-looban hindi. Tulungan mo akong magkaayos sila, si Yugo na aking kapatid at si Saiga... Na aking kasintahan. Mahal ko sila pareho kaya ayokong makita silang sinasaktan ang isa't-isa."

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT✔️Où les histoires vivent. Découvrez maintenant