CHAPTER 54

80 6 4
                                    

SLAM DUNK: LOVE AT SECOND FIGHT
- A love story of Hanamichi Sakuragi -

CHAPTER 54

"K-KAIDEN... Bakit?" Naguguluhang tanong ni Haruko nang makatanggap siya ng malakas na sampal mula sa dalagang kaharap niya. "A-Anong nagawa ko?"

Agad binaba ni Kaiden ang kaniyang kamay at itinago sa likuran. "Tinatanong mo kung anong nagawa mo? Nagmamaang-maangan ka pa!"

"H-Hindi kita maintindihan, Kaiden."

"Haruko, tama na sa bait-baitan epek mo, okay? Hindi iyan uubra sa akin!"

Naguguluhan pa rin si Haruko sa kaniya. "Sabihin mo naman ang dahilan nang maintindihan ko. Basta-basta ka nalang namimintang, may kasalanan pala ako na hindi ko alam?"

Lalong naimbyerna si Kaiden sa kaniyang mga tinuran. "Hanggang ngayon— mismong sa harapan ko kapa nagsisinungaling? Haruko Akagi... Malinaw na malinaw na may gusto ka sa boyfriend ko— gusto mong agawin si Sakuragi sa'kin!" Bulyaw niya.

Biglang natikom ang bibig ni Haruko sa sinabi niya.

"Ano natahimik ka? Kasi totoo hindi ba?" Niyukom ni Kaiden ang kaniyang isang kamao sa sobrang galit.

Hinila niya ang kuwelyuhan ni Haruko at hinila palapit sa kaniya ng pwersahan.

"Alam kong may namamagitan sa inyong dalawa since first year pa kayo. Pero anong ginawa mo? Umalis ka hindi ba? Iniwan mo si Sakuragi, iniwan mo siya! Ngayon... Ngayong hawak ko na ang pag-ibig niya, na ako ang girlfriend niya, sa palagay mo ba ay maagaw mo siya sa akin ng ganoon-ganoon lang? Pwes, para sa kaalaman mo ay maling tao ang binabangga mo babae..." Ngumisi si Kaiden habang sinasakal si Haruko. "Kayang-kaya kong gawing miserable ang buhay mo, na magsisisi ka na bumalik ka pa sa Shohoku."

Nakahawak si Haruko sa mga kamay na nakasakal sa kaniya. Pilit niyang inaalis ang kamay ni Kaiden para makahinga. "N-Nagkakamali ka ng pag-intindi... K-Kaiden..."

"Tssk! Anong mali? Ang agawin si Sakuragi? Maikling salita lang iyan at madaling intindihin!"

"H-Hindi si S-Sakuragi..."

Talim na nakatingin pa rin si Kaiden habang sinasakal si Haruko.

"H-Hindi si Sakuragi ang tinutukoy ko!"

Nabitawan ni Kaiden si Haruko nang matalo nito ang kaniyang pwersa. Hingal at halos napaupo mula sa pagkakasakal si Haruko. Nanghihina ang katawan niya.

Tila nabingi si Kaiden sa sinabi niya. "A-Anong sabi mo?"

Humihingal pa rin si Haruko habang nakahawak sa leeg, tiningnan niya si Kaiden na nakatayo. "K-Kaya pala nagagalit ka sa akin dahil ang akala mo ay may gusto ako kay Sakuragi?"

Mahinang napaatras ng isang hakbang si Kaiden. "B-Bakit? Iyon naman ang totoo hindi ba?"

Umiling si Haruko. "Totoong mahal ko si Sakuragi... Pero bilang isang kaibigan lamang. Mabuti siyang tao at kaibigan sa kabila ng kaniyang pagiging basagulero. At oo, inaamin ko rin na minsan na ring nagkagusto si Sakuragi sa akin... Pero kailanman ay hindi ko iyon binigyan ng pansin."

Nang makondisyon ni Haruko ang kaniyang lalamunan ay umupo ito ng maayos sa sementong sahig at napayuko na lang.

"Hindi ko iyon binigyan ng pansin dahil umiibig ako sa ibang lalake... Sa isang lalakeng nagawang durogin ang puso ko dahilan ng pag-alis ko noon sa Shohoku."

Habang winiwika iyon ni Haruko ay may kaunting tubig na naman ang namuo sa mga mata niya.

Ang talim sa mga tingin ni Kaiden ay unti-unting nawala dahil sa sinasabi niya.

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT✔️Where stories live. Discover now