CHAPTER 52

90 7 1
                                    

SLAM DUNK: LOVE AT SECOND FIGHT
- A love story of Hanamichi Sakuragi -


CHAPTER 52

NAGULANTANG si Saiga nang makauwi siya sa bahay nila. Nagkalat ang mga litrato sa sahig at nakatumba sa gilid ang mesa. Agad niyang nilapitan ang babaeng kapatid at niyakap nang maabutan niya itong umiiyak.

"Anong nangyayari rito, Kaikai?" Tarantang tanong niya habang yakap ang kapatid.

"Kuya..." Tanging sagot ng dalaga habang umiiyak.

Tiningnan ni Saiga ang nagkalat na larawan sa sahig at nakita niya roon ang ilang larawan ni Hanamichi na may kasama na hinihinalaang ibang babae.

"Kaikai— si Sakuragi ba iyang nasa litrato?"

"Oo, Kuya— at kasama niya ang Manager na iyan! Akala ko pa naman magtatampo siya dahil ilang araw na kaming hindi magkasabay umuwi iyon pala may ibang babae na siyang inaaligidan?" Umiiyak na sagot ni Kaiden sa kapatid.

"Kumalma ka lang, Kaikai. Baka naman mali ang iniisip mo. Hindi iyan gagawin ni Sakuragi sa'yo."

"Pero, Kuya. Ayan na oh, litrato. Ebidensiya na iyan!" Umiiyak na sagot ng kapatid.

"Lahat ng litrato may kwento, Kaiden. Hindi na'tin alam ang totoong mayroon sa litratong iyan, huwag mong husgahan agad si Sakuragi. Mahal ka 'non, hindi ka niya kayang saktan."

"Kuya, ayan na kasi ee. Kitang-kita na!"

"Nilalamon ka lang ng emosiyon mo, kumalma ka lang. Alamin mo ang tungkol diyan ikaw mismo." Pinunasan ni Saiga ang mga luhang tumulo sa mga mata ni Kaiden. "At kapag nakumpirmang pinagtataksilan ka niya... Mananagot siya sa akin."

"Kuya... Sana hindi ito totoo. Hindi ko kakayanin, Kuya." Napayukom ng kamao si Kaiden.

"Sssh, tahan na kapatid ko." Panglulubag niya sa kapatid sabay tingin sa kawalan ng masama at nagsalita sa isipan. "Sabay-sabay na problema."

***

PAGKAUMAGA ay dumating si Haruko sa loob ng gymnasium na paika-ika. Dahil sa pagtisod ng kaniyang paa ay nagkaroon ito ng pamumula dahilan para mahirapan siyang makalakad.

Si Hanamichi naman ay kada oras humihingi ng tawad kay Haruko dahil sa katangahang nagawa niya kahapon. Paulit-ulit na sinasabi ang salitang "Patawad!"

"Huy, Sakuragi. Pang-ilang beses na ba iyan? Ayos lang kasi." Ngiwing tugon ni Haruko.

Lumapit naman si Honoka at mahinang hinampas ng papel ang nakayukong ulo ni Hanamichi na nasa sahig. "Ang OA mo na ah?"

"Wala akong pake! Hihingi ako ng tawad hanggang sa gumaling na ang pamamaga sa paa ni Haruko!" Masungit niyang sagot.

"Gunggong talaga." Hirit ni Rukawa.

"Rukawa, shattap!"

Paglipas ng ilang oras, pagsapit ng alas singko y medja ng hapon ay naisipan ni Haruko na pumunta muna saglit sa clinic para palitan ang bendang nakalibot sa kaniyang kanang paa kung saan namamaga. Pagkaliko ni Haruko ay may nagkasalubong siya nang hindi niya namalayan.

*BLAAG!*

Mahinang naupo sa sahig si Haruko dahil sa pagbangga. Tiningnan niya kung sino iyon.

"Oops! Nako sorry ah? Hindi kasi kita nakita." Sabi ni Kaiden sa kaniya.

Agad naman siyang naalala ni Haruko. "Ayos lang, kasalanan ko naman, hindi kasi ako nakatingin. Hindi ba ikaw 'yong girlfriend ni Sakuragi? Si Kaiden?" Nakangiting tanong ni Haruko.

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT✔️Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin