CHAPTER 34:

174 25 7
                                    

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT
- A love story of Hanamichi Sakuragi -

CHAPTER 34:

Awang nakatingin si Saiga sa kapatid niyang babae na si Kaiden. Nakataklubong ito at panay parin ang iyak. Hindi niya inasahan na magdudulot ng ganitong epekto sa kanyang kapatid ang mga nangyari kanina.

*** Flashback ***

Nagtataka si Kaiden kung bakit pati sa loob ng Shohoku High ay sumunod parin ang Kuya niya upang ihatid siya.

"Kuya, hindi mo na kailangang gawin 'to. Pinagtitinginan na ako ng mga estudyante dito oh." Maktol niya, ginulo lang ni Saiga ang buhok niya.

"Sa ngayon ay hindi ko muna gagawin 'yun lalo na't may kasalanan akong nagawa kay Sakuragi." Naalala niya ang kanilang pag-uusap ni Freya ukol sa maling pagbibintang sa binata. "Nakatikim ako ng malakas na sampal kay Freya, mabuti na lang at hindi niya ako hiniwalayan. Pero puno naman ng sermon niya ang tenga ko ngayon."

Tiningnan siya ni Kaiden. "Kuya, sa totoo lang medyo nagtatampo ako sayo."

"Huh? Bakit naman?"

"Kase hindi mo sinabi na girlfriend mo pala si Ate Freya, tatlong taon na kayong magkarelasyon pero hindi mo man lang naisipan na sabihin sa'kin 'yan."

Mahinang natawa si Saiga sa sinabi niya at kinamot na lang ang batok. "Sorry, nakalimutan kong sabihin ee. Hindi ka kase nagtanong." Sagot niya pero inirapan lang siya ni Kaiden na mas lalong ikinatawa ni Saiga.

Pagkarating nila sa building ng first year ay patuloy parin ang usapan nila hanggang sa hagdan.

"Kuya, malinaw na ang nangyayari ngayon. Malinaw na hindi si Sakuragi ang kagagawan sa mata mo." Bukas ni Kaiden sa usapan.

"Oo, isa 'yan sa pinagsisisihan ko ngayon." Sagot ni Saiga. "Dahil nalaman na na'tin ang totoo, anong balak mo ngayon sa kanya?" Tanong nito.

Natahimik sandali si Kaiden at inisip ang mukha ni Hanamichi. "Alam mo Kuya, may mga bagay talaga na nagsisimula sa kunwarian na naging makatotohanan." Makatwirang sagot niya. Nagtaka naman si Saiga sa kanyang tinuran.

"Naguguluhan ako, anong ibig mong sabihin?" Saiga

"Naalala mo paba ang plano na'tin sa kanya? Na paiibigin ko si Sakuragi sa'kin hanggang sa tuluyang mahulog ang kanyang loob?" Kaiden

"Oo at kapag nangyari 'yun ay doon mo na sasaktan ang puso niya." Saiga

"'Yun din ang akala ko." Ngumiti si Kaiden habang nakatingin sa kawalan. "Akala ko magagawa kong saktan ang puso niya." Napatingin si Saiga nang makuha ang ibig niyang sabihin.

"Kaikai... Huwag mong sabihin na---" tumawa si Kaiden saka tinignan ang kapatid.

"Kuya, basagulerong lalake si Sakuragi, pero mabait siyang tao. Mababaw ang kaligayahan niya at palaging positibo. Alam mo Kuya, kung close lang kayo ni Sakuragi paniguradong maiintindihan mo ang sinasabi ko." Huminto sila sa dulo ng railing at tumambay sa gilid para ituloy ang usapan. "Bukod sa pagiging basagulero niya, marami rin siyang talento. Isa na roon ang pagiging Basketball Player niya, kapag nakita mo siyang naglaro ay siguradong mapamangha ka. Masaya siyang kasama at kaya niyang kumpletuhin ang araw mo."

Nagdududang tumingin si Saiga sa kanya. "Diretsuhin mo nga ako, Kaikai. Ang dami mong paligoy-ligoy." Bara niya.

Natawa si Kaiden sa kanya. "Si Hanamichi Sakuragi, siya yung tipong lalake na gagawin ang lahat maibigay lang ang gusto at makamit ang kaligayahang nais mo. Siya rin 'yung tipo na hindi agad sumusuko. Marami na akong nagawang negatibo sa kanya, sa salita at gawa. Subalit hindi 'yun naging hadlang sa kanya para ipahayag sa'kin ang nararamdaman niya kahit alam niyang walang kasiguraduhan. Sa madaling salita, magpakahanggang ngayon... Hindi parin siya tumitigil sa pangliligaw sa'kin, kahit alam niyang minsan na akong nagkaroon ng galit sa kanya... Kuya, sa palagay ko ay hindi ko na magagawa ang planong nakatalaga na'tin sa kanya. Hindi ko na kayang saktan ang puso niya, lalo na't alam ko nang inosente siya." Nakangiting wika ni Kaiden.

Matapos sabihin 'yun ni Kaiden, kahit labag ng kunti sa loob ni Saiga ang pagsang-ayon ni Kaiden sa pinapahayag na pagmamahal ni Hanamichi ay pinili niya na lang na manahimik. Kung saan masaya ang kanyang kababatang kapatid ay nakahanda siyang suportahan.

"Kung ganoon, nahulog na rin pala ang loob mo sa kanya. May nais lang akong kumpirmahin, Kaikai." Hinawakan niya ang kamay ng kapatid. "Mahal mo na ba talaga si Sakuragi?" Tanong nito.

Nagulat si Kaiden sa kanyang tanong ngunit napalitan agad 'yun ng magandang ngiti.

"Oo, Kuya. Totoong minamahal ko na si Sakuragi."

Parang maiiyak si Saiga nang marinig niya ang salitang 'yun mula sa kanyang kapatid. Ito ang unang beses na nakaramdam ng pagmamahal si Kaiden sa isang lalake.

Ang buong akala niya ay mananatiling matigas ang puso nito at hindi magkakainteres kanino man.

"Kuya, huwag kanang malungkot. Mahal din naman kita ee, tayong dalawa na lang ang natitira sa pamilya na'tin kaya hindi kita aalisin sa puso ko."

"Kase naman, Kaikai--- baka makalimutan mo na ako ng tuluyan kapag nagkatuluyan kayo ni Sakuragi." Naiiyak niyang sabi.

Muling natawa si Kaiden. "Ang OA mo, hindi mangyayari 'yun ,Kuya. Iisa ang dugo na'tin at laman. Pangako." Ginulo ni Saiga ang buhok niya at napahinga na lang ng malalim.

"Ang tungkol pala noon... Paano kung malaman ni Sakuragi na nagpapanggap ka lang na mahal mo siya, Kaiden?" Tanong niya.

"Hindi mangyayari 'yun, Kuya." Ngumiti si Kaiden.

"Nagpapanggap?"

Nawala ang ngiti ni Kaiden nang marinig niya ang boses ni Hanamichi sa kanyang likuran. Nang magtapo ang kanilang tingin ay parang hinila paibaba ang lakas ni Kaiden nang makita niya si Hanamichi na masamang nakatingin sa kanya. "Sakuragi, mali ka ng iniisip---"

"Tama na, Kaiden!" Singhal ni Hanamichi.

*** End of flashback ***

Napayukom na lang ng kamao si Saiga at sinisisi ang sarili. Kasalanan niya, sana hindi niya na lang itinanong ang tungkol sa bagay na 'yun kung kapalit naman ang nararamdamang hinagpis ng kanyang pinakakamahal na kapatid.

"Patawarin mo'ko, Kaiden. Kasalanan ko'to." Bulong niya at iniwan ang kwarto ng kapatid.

Napatingin siya sa picture frame kung saan nasa iisang litrato sila ni Kaiden at parehong nakangiti. "Malakas kang babae kapatid ko. Kaya, hindi ako sanay na makita kang luhaan lalo na't ako ang dahilan. Sana pala hindi ko na ginamit ang nararamdaman mo para sa mga bagay na wala kang kinalaman. Dinamay ko kayo ni Sakuragi na hindi naman dapat." Nagagalit niyang wika.

Nabaling ang tingin niya sa pintuan nang may kumatok doon, lumapit siya at binuksan ang pinto.

Lumantad sa kanyang harapan ang mukha ng kanyang kasintahan.

"F-Freya?" Gulat niyang sambit.

"Alam ko ang buong nangyari." Sagot agad nito habang nakatingin ng direkta sa kanya. "Kung nais mong maging mapabuti ang lahat kailangan na'ting mag-usap, Saiga." Freya.

KnightAncient | Henyong Si Sakuragi

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT✔️Where stories live. Discover now