CHAPTER 41

112 7 0
                                    

SLAM DUNK: LOVE AT SECOND FIGHT
- A love story of Hanamichi Sakuragi -

CHAPTER 41

LUMIPAS ang anim na buwan, 2nd semester ng school year. Kasalukuyang nasa loob ng gymnasium sina Hanamichi, ang apat na ungas, at sina Yugo at Honoka habang hinahanda ang munting surpresa kay Kaiden. Ito ang ika-anim na buwan nilang relasyon kaya mahalaga para kay Hanamichi ang selebrasiyong ito.

"Ayos ah, parang kahapon lang ang mga nangyari. Tingnan mo ngayon— magsi-six months na kayo." Wika ni Yugo habang sinusulat ang mga mabulaklaking salita para sa short sweet message na sasabihin ni Hanamichi. "Pero mas ayos talaga kapag ikaw mismo ang gumawa ng short sweet message." Dagdag pa niya.

"Oo nga naman, ikaw kaya 'yong boyfriend ni Kaiden at hindi si Yugo. Sariling sikap naman d'yan, Sakuragi-senpai." Nakaismid na wika 'rin ni Honoka habang nilalagay ang mga petals sa maliit na lagayan.

"Heh, para 'yan lang ang ee. Alam niyo namang hindi ako masyadong magaling sa salita kaya kailangan ko ang mga katulad ni Yugo... 'yong bolero." Sagot ni Hanamichi.

"Hindi ako bolero!" Depensa agad ni Yugo na mahinang ikinatawa ni Honoka. "I'am just stating a fact how much I love her... right, darling?" Hindi maiwasang kiligin si Honoka dahil 'doon.

Nagsinghapan naman sila Mito. "Boom, smooooth~"

"Buti pa si Yugo, very knowledgeable." Takamiya

"Ahh, wala na'to si Hanamichi. Bokya na talaga 'to." Ohkusu

"Akala ko pa naman magiging makata 'to kapag nagka-girlfriend, akala ko lang pala." Bulong pa ni Noma na ikinatawa nilang apat.

"Tumigil nga kayo! Magkaiba tayo ng love language, okay? Masyado kayong ignorante!" Nababarang turan ni Hanamichi dahil sa pang-aasar ng apat na ungas.

"Ayan na si Kaiden!" Tili ni Honoka at dali-dali silang nagtago ni Yugo sa gilid para sa surpresa. Ganoon din ang ginawa ng apat na ungas.

Naiwan si Hanamichi na nakatayo.

"Hanamichi? Narito kaba? Hindi kita nakita sa classroom niyo." Wika ni Kaiden mula sa labas at marahang binuksan ang pintuan ng gymnasium.

Siya ay napatulala nang makita ang nakapormang si Hanamichi na nakatayo sa gitna ng court.

"H-Honey?" Namumulang turan niya dahil sa gwapo at kakisigan ng binata dahil sa suot nitong unipormeng bumakat sa kaniyang kabuuan. Mahina siyang natawa. "Ikaw ah, may pa surprise ka na naman..."

"Honey..." Panimula ni Hanamichi at pilit na inaalala ang mga katagang sinulat ni Yugo sa papel na sinaulo niya kanina. "Magpakahanggang-ngayon ay hindi ko pa rin lubos akalain na ikaw ay naging akin,
Akala ko noon, ako lamang ay hanggang tingin,
Subalit pinatunayan ng panahon na kaya niyang baguhin,
Ang dati mong batong-puso ay ngayon umiibig sa akin."

Pinigilan ni Kaiden ang kaniyang ngiti dahil sa kakornihan ni Hanamichi na halata namang mula na naman kay Yugo ang mga katagang binibigkas niya.

Si Honoka naman sa gilid ay napakurot kay Yugo sa sobrang kilig.

"Darling, masakit na." Namimilipit na sabi ni Yugo.

"Kinikilig ako! Ang galing mong sumulat ng love poetry, darling." Honoka

Nagpatuloy si Hanamichi sa kaniyang kataga. "I-Ikaw ay... Ikaw ay— ano ngang kasunod 'noon? AISHHH! MAHAL NA MAHAL KITA PALAGI, HONEY!" malakas na sigaw ni Hanamichi dahil nakalimutan niya na ang kasunod.

Sabay-sabay namang pinaputok ng apat na ungas ang hawak niyang mga pinyato.

Ngumiti si Kaiden kay Hanamichi. "Wow naman... Honey."

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT✔️Where stories live. Discover now