CHAPTER 39:

159 21 5
                                    

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT
- A love story of Hanamichi Sakuragi -

CHAPTER 39:

Kinabukasan ay naghanda na ang buong Shohoku Team para sa kanilang laban ngayon sa Ryonan, ang lahat ay tumibay ang loob sa mga salitang kinakataga ni Miyagi bilang kapitan ng Team.

"Team! Kailangan na'ting manalo sa match na'to at tayo ulit ang maglalaro sa Interhigh!" Cheer ni Miyagi sa kanila.

"Oo!" Sagot nilang lahat.

Matapos sabihin ay agad tiningnan ni Miyagi si Ayako, tinanguan siya nito at sinenyasan na pumunta sa gilid. Kinuha ng ibang miyembro ang kanilang bag at hinanda ang iba pang mga dadalhin. Samantala ang dalawa ay nag-uusap sa gilid.

"Pambihira naman oh, bakit wala pa si Hanamichi?" Nag-aalalang tanong ni Miyagi.

Napahampas ng papel si Ayako sa kanyang kamay. "Humanda talaga si Hanamichi Sakuragi, nakalimutan niya ata na mahalaga para sa ating lahat ang laban na kahaharapin na'tin ngayon."

"Ano kaya ang ginawa niya kagabi para mahuli siya ng ganito?" Miyagi

"Hindi ako sigurado sa nakalap kong bulungan mula sa first year building. Ayon sa kanila nasa ospital daw 'yong si Kaiden dahil pinagtripan ng isang Gang 'nong pauwi 'to. Malakas ang kutob ko na doon tumungo si Hanamichi Sakuragi." Sagot ni Ayako.

Nagulat naman si Miyagi sa narinig niya. "Ano? Si Kaiden na pinopormahan ni Hanamichi? Kaawa-awa, walanghiya talaga ang mga Gang-gang na 'yan." Hindi niya maiwasan ang mainis lalo na't alam ni Miyagi ang pakiramdam ang pagtulungang gulpihin ng isang Gang.

"Captain Miyagi, tara na daw sabi ni Coach Anzai! Mahuhuli na tayo!" Sabay tumingin sa pintuan si Miyagi at Ayako sa sinabi ni Yasuda.

"Ipagdasal na'ting makahabol si Hanamichi sa laban, dahil kapag wala siya mamaya. Malaking porsyento ang ibaba ng performance na'tin." Wika muli ni Miyagi at naglakad.

***

Nagulantang at bumalikwas ng bangon si Hanamichi nang makita niya kung anong oras na. Dali-dali siyang bumihis at hindi na nag-abalang maligo dahil huli na siya sa pupuntahan niya. Pagkatapos ayusan ang sarili ay agad n'yang kinuha ang kanyang mga gamit at bisekleta saka kumparipas paalis.

"Nako, lagot! Patay ako kay Kulotskie at Ayako nito! Lagot! Lagot! Lagot!" Mas binilisan pa niya ang pagpadyak sa kanyang bisekleta.

Samantala ang Shohoku Team ay sumakay na ng tren papunta sa destinasyon ng dibisyon ng Yokohama kung saan gaganapin ang laban sa Ryonan. Tumingin muna sa labas si Coach Anzai na baka sakaling makita niya si Hanamichi na parating.

"Wala parin siya." Wika niya.

"Ewan ko sa kanya, Coach Anzai. Bihira naman 'yon mahuli pwera nalang kung nasabit sa gulo o masyadong napuyat kagabi. Ayokong isipin na hindi siya makakapunta." Wika rin ni Miyagi.

"Alam kong darating siya, mahuhuli nga lang." Coach Anzai

"Gunggong talaga." Bulong ni Rukawa nang marinig ang usapan nila.

"Tayo na po, Coach. Sa Yokohama Gymnasium nalang po na'tin siya hintayin." Sabi sa kanila ni Ayako at sinenyasan sila pumasok nalang dahil aalis na ang tren.

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT✔️Where stories live. Discover now