Pero ayoko pang mamatay. Natatakot ako.

                Paano nalang ang buhay ko? Ang dami ko pang gustong gawin. Ayoko pang mawala.

                Ang pangarap kong maging top advertiser, ‘di ko pa naabot. Ni hindi pa ako nakakapagtapos ng pag-aaral.

                Paano nalang ang mga maiiwan ko? Hindi pa ako handang iwan sila. Ayoko pa.

                Sina Raissa. ‘Di pa namin natutupad mga gusto naming gawin ng magkasama.

                Si Daniel. Hindi ko pa siya nakausap. Hindi pa ako nakapag-sorry sakanya dahil ‘di ko siya pinaniwalaan. Ang dami ko pang gustong sabihin sakanya.

                Ang mga... magulang ko.

                Namimiss ko na sila. Hindi ko pa sila nakakausap in how many months. Hindi ko pa nasabi sakanilang hindi naman ako talaga galit sakanila. I’ve never even told them how much I love them.

                At s-si... Price.

                Hindi ko pa kaya.

                Ayoko pang mamatay.

                Kailangan kong makaalis dito.

                Tinignan ko yung dalawang nagbabantay sa akin.

                Naguusap sila sa isang corner. At mukhang hindi naman nila ako napapansin.

                It’s my chance.

                Inikot-ikot ko ang kamay mga kamay ko, hoping na lumuwag ang mga tali. Pero wala. Parang lalo pang sumikip.

                Sinubukan ko namang abutin para tanggalin yung knot. Pero ‘di ko rin nagawa.

                Sumakit na ang wrists ko at pakiramdam ko puro sugat na. Pero wala akong pakialam.

                Kailangan ko lang makalaya dito.

                I need to get out of here. Now. I just can’t be in this place. Hindi ako pwedeng makulong dito. Hindi ako pwedeng mamatay dito.

                Naramdaman ko nalang bigla na tumutulo na pala ang mga luha ko.

                Ang tagal-tagal ko nang sinusubukang magpumiglas sa pagkakatali, pero wala paring nangyayari.

               

Accidentally MARRIEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon