Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ni hindi ko alam kung bakit ako nandito.

                “Pera ba? Kunin niyo na. Please lang, pakawalan niyo na ako,” sabi ko. “Hindi ko kayo kilala. Sino ba kayo?”

 

                Ngumiti sakin yung isang lalake. Nakakatakot na ngiti.

                Lumapit siya sakin.

                Lalo lang bumilis ang pagtibok ng puso ko.

                Linapit niya ang mukha niya sa leeg ko.

                Gusto kong lumayo o kaya saktan siya, pero hindi ako makagalaw. Nanigas nalang ako bigla nang maramdaman ko ang hininga niya sa may leeg ko.

                Narinig ko siyang tumawa.

                “Sayang. ‘Di kita pwedeng galawin,” nakakatakot na bulong niya. Nanlamig ako bigla. “’Wag kang mag-alala, parating na si boss.”

 

                Boss?

                Sinong boss?

                “Ano bang kailangan niyo sa akin?”

 

                “Si boss na ang magpapaliwanag sayo,” sabi nung isa. “Basta’t wag kang gagawa ng kung ano diyan, baka masaktan ka lang. Sayang, ang ganda-ganda mo pa naman.”

 

                Ano na ba kasi ang nangyayari?

                ‘Di ko maintindihan.

                Basta paggising ko, nakatali na ako’t nasa isang bodega kasama ng dalawang kriminal.

                Hindi ko maisip kung anong pwede nilang gawin sa akin.

                Mamamatay na ba ako dito? Dito pa sa isang tagong bodega na iilang tao lang ang nakakaalam?

                Pakiramdam ko sobrang hina ko ngayon. Wala akong magawa kundi umupo at maghintay sa kung ano man ang pwedeng gawin nila sa akin.

                Wala akong magawa.

                Hindi ako makalaban.

                Hihintayin ko nalang ang kapalaran ko.

Accidentally MARRIEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon