Bakit nga kaya, ano? Dapat pala pina-enumerate ko. Hindi ko rin kasi alam kung bakit.
Lumipas ang araw ng mga patay, kasama namin sina Cee sa puntod nina Lola. Eh kasi wala naman siyang pupuntahan dahil buhay pa ang mga grandparents niya.
Tapos sinama rin ako ni Philip do'n sa moseleyo ng pamilya nila sa isang malaking sementeryo na akala mo ay subdivision dahil puro moseleyo. Wala na pala ang mga magulang ng kanyang dad. Grabe nga! Ipinakilala pa ako sa grand parents niya sa puntod.
"Granny and Grand pop, this is Joan, my future girlfriend; Joan, my grandparents."
"Hello po. Kumusta po kayo?" sabi ko.
Napangiti lang si Philip kaya napangiti rin ako. Ang sweet kasi pero medyo creepy rin, paano kung biglang sumagot? Pero patay na sila at puntod lang 'yon pero hindi naman ordinaryong araw na maituturing kung ipakilala ka sa mga grannies na nauna na sa langit.
No'ng Christmas naman, ka-video call namin si daddy dahil first time naming hindi magkasama ng pasko. Nakalulungkot pero siyempre, wala naman kaming magagawa dahil kailangang gawin ang trabaho niya, alam ko naman na para rin 'yon lahat sa amin.
Dito rin nagpasko si Cee at ka-video call rin sina Tita Cherry at Cheska. Pumunta rin dito si Tita Charry pati si Kris at ang kasambahay nilang si Anda. Ang saya ng pasko namin dahil ang dami namin sa bahay. Wala man si Daddy eh marami namang pumalit.
Bagong taon, eh puro kain na uli. Year of the snake kaya napag-usapan namin na magsusuot kami ng makikinang. Ayos pati at nagkantahan kami buong gabi. Nagluto si Cee ng kung ano-ano, ewan do'n, marunong pala talaga siyang magluto. 'Di pa nag-culinary, nag-psych pa, ang weird niya!
Tapos nang sumapit na ang 12, nagtalunan na kami para raw tumangkad pa kami kahit kaunti. Naglagay nga rin ako ng maraming pera sa bulsa ko para maraming pera ngayong darating na taon. Nanood kami ng fireworks, nakakaaliw! Nagsasabugan ang iba't ibang kulay sa langit. Ayos ang mga intsik naming mga kapitbahay ang gaganda ng fireworks. Libre nood tuloy kami.
"Ang ganda naman! Nice!" sabi ko.
"Oo nga eh, grabe, nakaka-good vibes," sabi ni Cee.
"Mukhang magiging maganda ang taon na 'to."
Natapos na ang fireworks display.
"Oo nga eh, hay... ang ganda talaga."
"Baliw ka ba? Tapos na kaya."
"Ang ganda nga eh."
"Maganda talaga? Nasaan ba?" Lumingon ako sa lahat ng direksyon na posible pero wala akong nakitang fireworks.
"Maganda nga," sabi na naman niya. Nasaan ba?
"Wala naman ah," tumingin ako sa kanya at nakatingin siya sa akin. Hala! uminit ang pisngi ko. Cee naman, eh! 'Wag gano'n!
"CEEra ulo!"
Natatawa ako kapag naaalala ko. Parang CEEra kasi, ang kulit.
February... love month na. Ano kayang gagawin nila para sa akin? Ay, expecting lang, Joan? Expectation hurts kapag hindi na-meet. Okay, huwag muna 'yon ang isipin, kapag dumating na, tanggapin na lang.
Mas tumatagal ay mas lalo kong nakilala sina Philip at Cee. Si Cee pala ay natuto lang talagang magluto dahil sa Youtube at para raw ma-impress ako tapos si Philip naman ay mahilig pala sa OPM na medyo ironic dahil hindi naman siya nagtatagalog.
Tapos ang awkward pa dahil napahiya ako no'ng minsan.
"Mojow, kumusta naman 'yong bracelet na binigay ng mama ko, parang 'di mo na uli talaga sinuot mula no'ng galing tayo sa Baguio," sabi ni Cee.
YOU ARE READING
It Started with a McFLOAT
RomanceNaiipit si Joan sa isang love triangle. Kahit ayaw niya ay wala siyang magawa dahil mahal niya pa ang kanyang ex. Nagsimulang umingay ang mundo niya nang may not-so-mysterious guy na nagpadala sa table niya ng McFloat, na para pala sa katabi niyan...
CHAPTER 29
Start from the beginning
