"Okay naman," sagot ko tapos ngumiti uli si Yanyan. Tahimik lang si Cee at si Nika naman ay hindi makapaniwala sa nakikita.

"Yani, kailangan mo nang umalis, ngayon na," bulong ng lalaking kausap ko sa kanina.

"Joan, I'll see you, soon, sobrang busy lang ngayon, same place?" tanong niya.

"Yeah," sagot ko.

'Yon na lang ang nasabi ko dahil hindi ako makapaniwala na magkikita pa pala kami ni Yanyan. Ah, Yani na nga pala siya ngayon, tapos 'yon, nawala na siya.

"Ate! Paano kayo nagkakilala ni Yani? Hindi ako makapaniwala na magkakilala pala kayo tapos hindi ko man lang alam, nasaan ako no'n? Akala ko ba, kinukuwento mo sa akin lahat?" tanong sa akin ni Nika ng ratsada.

"Ex mo ba 'yon, Mojow?" tanong naman ni Cee. Cool lang naman ang boses.

"Ano? Hindi," sabi ko.

"Ayos, ako 'yong maraming tanong, kay Kuya Cee pa ang sinagot mo," sabi ni Nika na halata sa tono ang pagka-irita pero excited din.

Habang pauwi kami, kinuwento ko sa kanila ang nakaraan.

"Ah, so, bata pa lang kayo no'ng niligawan ka n'ya at gusto kang itanan pero binasted mo?" paglilinaw ni Nika sa mga sinabi ko.

"Oo, gano'n na nga," nakahihiya mang aminin ay 'yon ang katotohanan sa amin ni Yanyan. Malay ko ba naman na magiging artista ang isang 'yon.

"Oh, my gosh!"

Nakatatawa si Nika, parang magco-collapse siya sa amazement. Maya-maya ay tumambay na kami ni Cee sa sala.

"Mojow, napagod ka ba?" tanong niya bigla.

Naglalaro sa isip ko ang ginawa kong eksena kanina sa mall, ngayon ko lang na-realize na nakahihiya pala ang ginawa ko, kasi naman eh, aalis agad.

"Hindi naman," matipid na sagot ko sa kanya kahit ang daming tumatakbo sa isipan ko.

"Ah, akala ko napagod ka talaga," sabi niya.

Ang kulit din ng isang ito, mapilit, sabi nang hindi nga.

"Bakit ba?" suko na ako sa kulit niya.

"Eh maghapon ka na kasing tumatakbo sa isip ko," banat niya.

Jusme! John Lloyd ang peg, bigyan ng jacket kuya Wil.

"Hindi ka naman korni, ano?" sabi ko sa kanya.

Ayos ah, tawanan ba naman ako.

"Good evening," sabi ng isang boses mula sa likuran. Nakaupo kasi kami sa sofa ni Cee. Paglingon ko, nakita ko si Philip kaya napatayo naman ako para salubungin siya.

"Oh, Philip? Long time, no see, kumusta?" matagal ko rin siyang hindi nakita.

"I'm good, it feels great to be back. By the way, I have something for you," sabi niya at may inabot sa akin na pahabang box. Binuksan ko agad, isang necklace. Nice!

Makalipas ang ilang buwan...

Gano'n pa rin silang dalawa, lagi pa ring nasa bahay si Cee at nagdadala ng kung ano-ano'ng naiisipan niyang gawin tapos si Philip naman ay pinakilala ako sa buong family niya kasi si Phoebe lang ang kilala ko pero this time, pati sa Mom and Dad niya rin. Mababait naman sila kaya lang nakaka-intimidate dahil ang formal nila masyado. Tipong hindi ka makaka-relate kapag sila 'yong magkakausap. Pero natuwa naman ako sa sinabi ng dad ni Philip, alam na raw niya ngayon kung bakit ako nagustuhan ng anak niya.

It Started with a McFLOATWhere stories live. Discover now