Pagkatapos ng show, akala ko uuwi na kami pero may autograph signing pa pala.
Si Nika, parang mababaliw na sa sobrang saya dahil finally, makahaharap na niya ang kanyang mga paboritong artista.
"Grabe, para akong hihimatayin sa sobrang excited, ate," sabi niya. Napapatalon siya tapos medyo nginig.
Nakapila nga kami para sa photo op at autograph signing, sumama na rin ako para masigurado ko kung si Yanyan nga ang lalaking 'yon o hindi nang matahimik na ang kaluluwa kong nagwawala.
"Happy?" tanong ko kay Nika habang naghihintay.
"S'yempre naman ate, salamat uli sa pagsama, sa'yo rin Kuya Cee sobrang salamat," sabi niya, ramdam ko naman ang sincerity niya.
"Welcome," sabi ni Cee.
"Cee, ano nga pala 'yang dala mo?" Tanong ko.
Kasi kanina pa niya dala, nalimutan ko nang itanong kung ano ba 'yon.
"Langka, nakita ko kanina sa likod ng bahay, naalala kita kaya dinala ko. Hinimay ko na 'yan," sagot niya.
Ayos ah, naalala ako dahil sa langka. Ano ako matigas ang mukha? Pero ang sweet naman niya!
"Naalala mo ako sa langka? At bakit?" Tanong ko.
"Tulad kasi ng langka, matigas ka sa panlabas pero sobrang lambot at tamis mo sa loob,"
Napalunok ako ng wala sa oras. Naks naman! Makabanat ang CEEra ulo, wagas!
"At bakit nalasahan mo na ako, ha?" tanong ko.
"Mojow, naman, pambasag ka na naman. Pero p'wede naman kung ipagpipilitan mo talaga," sabi niya at ngumuso. Loko!
Uminit tuloy ang pisngi ko sa sinabi niya. Baliw nito! Itinulak ko ng palad ko 'yong nguso niya para tumigil na sa kahibangan na kanyang sinasabi.
"Dapat pala, asin ang dinala ko, maalat ka pala, Mojow."
"Tse! Masama na bang magtanong ngayon?"
"Hindi masamang magtanong, Mojow at lalong hindi masamang mahalin ako."
Ano kayang nakain nito at ganito na naman siya? Parang hindi naturukan! Kaloka!
"Sus, sumuko ka na, 'di kita sasagutin."
Titingnan ko lang magiging reaksyon niya.
"Gano'n? Saklap naman!"
Ang lungkot ng mukha niya dahil sa sinabi ko. Hindi ko tuloy alam ang sasabihin ko sa kanya dahil nakatingin na siya sa sahig.
"Handa naman akong maghintay, kahit gaano pa katagal, pero ikaw ang bahala, baka mamaya gusto mo na pala akong sagutin, mas mabuti 'yon."
Hala! Nakuha pa talagang magbiro. 'Yan ang isa sa kahanga-hangang katangian ni Cee, masayahin siya at positibo sa buhay. Nakahahawa!
PHILIP
We returned to Royce with my dad because he wanted to visit our business. He also wanted to see Serenity under my management. But, the most important business he had in the country was meeting Joan. My father wanted to understand why I liked her.
We were on the plane for a long flight back home. Phoebe was busy with her iPad; mom was on her laptop while dad watched a movie on the small screen.
By the way, I stared at the view outside; the clouds looked so fluffy and white. It reminded me of how good it felt when I was with Joan. She made me feel great and brightened my day, unlike any other person in the world.
YOU ARE READING
It Started with a McFLOAT
RomanceNaiipit si Joan sa isang love triangle. Kahit ayaw niya ay wala siyang magawa dahil mahal niya pa ang kanyang ex. Nagsimulang umingay ang mundo niya nang may not-so-mysterious guy na nagpadala sa table niya ng McFloat, na para pala sa katabi niyan...
CHAPTER 29
Start from the beginning
