Nakapasok na siya sa kuwarto ko nang hindi ko namamalayan. Wala na akong nagawa kaya nagbihis na rin ako. Inisip ko na lang na for a change, sasama na ako. Pero 'yon nga ba talaga ang dahilan?

"Ate, kumusta kayo ni Kuya Cee? Kayo na ba?" tanong niya habang nagbibihis ako.

"Ano'ng kami na? Hindi ah," sabi ko.

"Hindi raw eh may pagyakap ka pa nga sa pool."

"Ilang beses mo pa bang uulitin sa akin? Alam mo kasi, kaya lang naman ako napayakap sa kanya kasi akala ko malulunod ako," just letting her know that.

"Bakit ang defensive mo, ate?" sabay tawa siya nang malakas.

"Hindi ako defensive, sinasabi ko lang ang totoo, pero, nag-propose na s'ya sa akin," nanlaki ang mga mata niya sa sinabi kong 'yon.

"Ano? Kelan pa, ha? Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin? Ate! ang daya mo! Paano? Bakit 'di ko alam? Sabihin mo lahat, ngayon na! Dali," excited ka sa details, ha? Eto sa'yo!

"Oh, sige mamili ka, hindi na ako magbibihis at magkukuwentuhan na lang tayo o magbibihis na ako para makaalis na tayo?"

Natawa ako sa isip ko, inaasar ko lang naman talaga siya! Alam ko naman ang pipiliin niya e.

"Ang daya! Fine, mamaya na lang," sabi nya.

"Ayon naman pala, pero three words lang ang masasabi ko, yate, bokey, fireworks," sabi ko sa kanya at ngisi.

"Grabe naman mang-asar! Ikuwento mo na kasi," sabi niya.

Bihis na ako tapos kunwari hihiga uli sa kama para magkuwento.

"Hep, mamaya na lang, save the kuwento later, male-late na tayo," sabi niya pagkatapos tumingin sa relo. Hinatak pa palabas, para lang hindi na ako uli mahiga.

Pagdating ni Cee, pumunta na kami sa mall, nag-commute na lang kami kasi alam kong traffic dahil weekend.

Pagdating namin sa mall event center, nagkalat ang banners at tarpaulins. May mga nakasulat na Yani-Kk lovers tapos 'yong iba eh, YaniKk.com, meron ding We love Yani and Kk. Wow, ha? Ang tiyaga nila para dumayo pa at magdala ng mga  banners.

Maya-maya ay nagsisimula na ang show.

"Ang na-miss nating lahat sa kanilang pagkawala ng ilang taon sa big screen pero ngayon sila ay nagbabalik para pakiligin tayo sa bago nilang pelikula. Pasalubungan natin sila ng masigabong palakpakan, Yani Angeles and KK Park."

Dumagundong ang buong mall sa sigawan at palakpakan ng mga tao sa paligid ko, nabingi na yata ako.

Tapos may bumungad sa harap namin na isang babae na payat at mistisa, blonde ang kulay ng buhok at singkit ang mga mata. Halata na iba ang lahi at isang lalaki na may maamong mukha, may kulay ang ilang bahagi ng buhok niya, katamtaman ang laki ng kanyang mapang-akit na mga mata.

Wait lang, parang familiar 'yong guy sa akin. Parang nakita ko na siya somewhere. Hmm... ah, baka naman nakita ko lang sa TV. Ah, baka nga, sikat naman kasi siya ngayon. Wala naman siguro siyang dimples, ano? May dimples kasi ang sinasabi ko, eh.

Lumibot sila sa stage pero sa lalaki sumusunod ang tingin ko dahil pamilyar talaga siya sa akin. Ang weird nga e. No'ng napatingin siya sa akin, ngumiti siya at kumaway pa. Ewan ko lang kung may nakapansin sa kanila.

May dimples siya! No way!

Si Yanyan ba ito from my childhood days? Ang lalaking gustong magtanan sa akin noong mga bata palang kami. Grabe, artista na pala siya ngayon. Napanganga ako ng wala sa oras sa sobrang pagkamangha sa nangyayari.

It Started with a McFLOATDonde viven las historias. Descúbrelo ahora