"Paolo ano ba? Nakikiliti ako." Ani Ate Helena, na nasundan ng halakhak. "Wag ka ngang makulit baka marinig tayo ni Jordanna." Naro'n lamang sila sa kabilang k'warto.

"Miss na miss na kita eh. Umh." Mahinang sagot ni kuya Paolo.

"I miss you too. Pero h'wag mo kasi akong kilitiin."

"Ok."

Natahimik nga sila, pero dahil na rin sa napakatahimik sa aming lugar, naririnig ko pa rin ang mahinang langitngit ng kanilang kama—maging ang kanilang mga impit na pag-daing habang nagtatalik ang mga ito sa kabilang silid.

***

"Hoy!" Sigaw ni Ate Helena sa may salas.

Nasa kusina man ako, naririnig ko pa rin 'yun.

Dumating na si Jasper. Tatlong araw mula noong huli.

"H'wag mo ako sesermunan Helena. Pagod ako." Sagot ni Jasper na sinundan naman ng nalakas na pagbalibag ng pinto sa pintuan ng aming silid. Napa-iktad ako sa lakas noon.

"Ewan ko sa 'yo!" Sigaw ni ate Helena, na unti-unti ko nang nararamdamang papunta na sa akin sa kusina. "Hay naku Jordanna, ako ang naha-highblood d'yan sa asawa mo." Umupo ito sa highchair sa may island at do'n nangalumbaba. Inabutan ko ito ng isang tasang kape.

Hindi na ako umimik. Umupo na rin lamang ako sa isa sa mga highchair matapos kong ikuha ang sarili ko ng isang basong gatas.

"Eto sincere 'to ha?" sabi sa akin ni Ate Helena, matapos n'yang humigop ng kape, "Kung dumating man ang panahon na magsawa ka na at iwanan na lamang ang aking talipandas na kapatid. Witness mo ako. I'll back you up." Nakangiti s'ya.

Nginitian ko s'ya pabalik.

"Uy, may pa-coffee ba?" ani kuya Paolo. Bigla na lamang itong lumitaw sa may pintuan.

"Hi babe." Pagbati ni ate Helena sa kanya. "Nag-brew si Jordanna, help yourself and join us."

Lumapit muna si Kuya Paolo para halikan si Ate Helena bago nito ikinuha ang sarili ng kape, from the coffeemaker.

"Dinig na dinig ko ang boses mo babe,"Wika kuya Paolo kay ate Helena; umuupo na ito sa highchair sa tabi ng nobya. "Highblood ka na naman ba?" natatawa ito.

"Pasensya ka na babe. Kadarating lang kasi ni Kuya after what? Three days? Ni ha ni ho, hindi man lamang s'ya tumawag dito para mangumusta. Mas'werte s'ya at napakabait nitong asawa n'ya. Kung sa akin 'yun, iiwanan ko na s'ya. B'wisit."

"Hindi rin naman kasi madali ang responsibililidad na nakaatang sa kanyang balikat. Baka naman kaya ganun, alam n'yang naririto ka naman para kay Jordanna."

"Kahit na!" Sagot ni ate Helena. "Ano ba naman 'yung magpakita man lamang s'ya ng concern at pag-aalala sa asawa n'ya. Lalo na ngayon sa kalagayan ni Jordanna."

"I'm sure concerned din 'yun." Sagot ni kuya Paolo, "Pero meron kasing mga lalaki na hindi masyadong showy like...tito Jason and Jasper."

Sinaksak s'ya ng matatalim na tingin ni ate Helena, "Bakit mo ba s'ya ipinagtatanggol? H'wag mong sabihin na sa kanya ka kampi?!"

Hinawakan ni kuya Paolo ang kamay ni Ate Helena, "Babe, hindi naman sa ganun. Ang sa akin lang, baka naman nagmana lang si Jasper kay tito Jason na hindi showy. Nakita mo naman, magkamukhang-magkamukha sila 'di ba?" nakabungisngis si kuya Paolo, natatawa naman sa ekspresyon ng kanyang mukha si ate Helena, "Parehong suplado at parating seryoso."

"Ikaw ba, kanino ka nagmana, kay tito Art o kay tita Laura?" natatawang tanong ni Ate Helena.

"Sino ba ang kamukha ko?"

"Si tito Art." Sagot ni Ate Helena.

"O 'di kay Daddy ako nagmana." Humahagikhik si kuya Paolo.

"Nagmana ng ano?" nahawa agad sa paghagikhik si ate Helena. "Sa kabaitan ba o sa pagiging over conscious sa buhok?"

Tumawa si Kuya Paolo, "Pwede, but not exactly."

"Eh ano?"

"Sa pagiging tapat at loyal magmahal." Nakabungisngis na wika ni kuya Paolo; sinusundot nito ang tagiliran ni Ate Helena. Tila kinilig naman si ate Helena bago sila naghalikan sa harapan ko.

Ang sweet nila. Nakakainggit. I wish, ganun ka-sweet si Jasper. But I know I cannot really ask for that. I can only love him for what he is.

***

"Kumain ka na ba?" tanong ko kay Jasper nang magising s'ya kinahapunan.

"Kagigising ko lang 'di ba?!" Pabalang na sagot n'ya, habang kumukuha ng bottled water sa ref.

"Nagtatanong lang naman..." Mahinang sagot ko.

"'Yun na nga ang point ko eh. Hindi ba pwedeng gamitin mo muna ang common sense mo bago ka magtanong?" nakasimangot na umupo ito sa highchair sa may island, "Alam mong kagigising ko lang, tapos ganun ang tanong mo? Kung nag-iisip ka, common sense lang Jordanna, galing ako sa tulog, natural, hindi pa ako kumakain! Kailangan ko pa ba talagang ipaliwanag ang mga ganung bagay sa 'yo?"

Naiiyak ako sa naging reaksyon n'ya. Pero tiniis ko na lang ang nararamdaman ko para hindi n'ya mahalata. Alam ko naman na medyo sablay ang pagkakatanong ko. Ang hindi ko lang matanggap, binara at sinungitan n'ya ako agad. Wala pang isang taon ang aming pagsasama, ganito na, paano na kaya kapag umabot na kami ng maraming taon.

"Ano bang ulam?" nakasumangot na tanong n'ya.

"Nagluto ako ng paborito mong paksiw na bangus." Nag-uumpisa na akong maghayin.

"Paksiw ba 'to?" anya, matapos ang unang subo. Nakatingin ito sa plato n'ya.

"Oo, bakit?"

"Bakit ang tabang? Nilagyan mo ba 'to ng suka?"

"Oo naman." Kumuha ako ng kutsara at tinikman ang sabaw. "Ok naman ah. Mas gusto mo ba ang mas maasim pa?"

"Magrereklamo ba ako kung hindi?"

"S'ya sandali." Kinuha ko ang mangkok na may lamang paksiw. "Ia-adjust ko lang ang timpla.

"H'wag na!" Pabalang na sambit ni Jasper. "Malalamog lamang ang isda kapag iluluto mo pa ulit 'yan." Itinuloy n'ya ang pagkain. "Ba't di ka kasi nagtanong muna kay Mommy kung anong gusto kong timpla sa paksiw na bangus?" Padabog ang pag-uumpugan ng kanyang mga kubyertos, at plato.

Tumalikod na lang ako para maitago ang hindi ko na mapigilang pagpatak ng luha. Pilit nagpapanggap na naghuhugas lamang ako ng mga pinggan.

"Next time tawagan mo muna si Mommy." Dugtong n'ya. "Hingiin mo sa kanya ang recipe ng mga paborito ko." Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata sa sobrang sama ng loob." Para hindi 'yang minsanan na nga lang ako makakain dito, nabub'wisit pa ako."

[ITUTULOY]

JASPER, The Demon SlayerWhere stories live. Discover now