"Sure, you can always be you, you self-centered asshole!" Bulong ko—bagama't sinigurado ko na narinig n'ya 'yun bago ako nagdali-daling bumaba ng sasakyan.

"Hey!" Sigaw n'ya. Bumababa na rin. "What the hell is that supposed to mean?" sambakol ang mukha n'ya.

Hindi ko na ito pinansin. In-unlock ko ang gate at saka dire-diretsong pumasok sa loob ng bahay.

"Jordanna!" Nang naro'n na kami sa salas.

Huminto ako sa paglalakad, nilingon s'ya—nanlilisik ang nga mata "What?!"

"Anong what?!" Nakapamaywang s'ya, "May mali ba sa sinabi ko? Totoo namang topakin ang tatay mo di ba? Wirdo at Under de--"

Hindi pa man din ito natatapos, nilapitan ko na ito at sinuntok ng isang malakas sa kaliwang panga. Napaatras ito—hawak-hawak ang pangang sinuntok ko.

Copyright ⓒ 2014, DyslexicParanoia (Angela Atienza), All rights reserved.

"Well at least he knows how to forget about himself para mapasaya ang Mommy ko." Nag-aabot-abot na ang paghinga ko. Naiiyak. "Iniaalay n'ya ang buhay n'ya sa kapakanan ng pamilya n'ya. Hindi katulad mong hambog, pero duwag naman! Nagpapakamatay, para lamang matakasan ang kanyang responsibilidad!"

Natahimik ito. Unti-unting tumalim ang tingin sa akin.

"Ano?!" Bulyaw ko. "Ikaw pa ba ang magkakaganang magalit sa akin? Bakit? Hindi ba't pagiging makasarili 'yung alam mo nang nasa panganib pa ako, basta mo na lamang sasaksakin ang sarili mo at iiwanan ako pati na rin ang mga kasamahan mo?!" Lumapit ulit ako bago ko ito sinapak sa dibdib. Hindi man s'ya gaanong natitinag, alam kong nararamdaman din n'ya ang sakit ng bawat hampas ko. "Pa'no kung hindi ka na pinabalik, ha? Iiwanan mo lamang ako ng gano'n na lang at ang mga anak mo? Putang ina mo, Jazz! Maaari ngang mas lamang ka dahil sa ipinagmamalaki mong dugong nananalaytay sa iyong ugat. Pero walang-wala ka sa kalingkingan ng Daddy ko sa pag-aalala at pagbabantay n'ya sa aking ina at sa aming magkakapatid." Dinuro ko ang mukha n'ya, "H'wag na h'wag mo s'yang mamaliitin kung ayaw mong magkalimutan tayo." Nag-walk out na ako nang tuluyan patungo sa aming silid at do'n tuluyang umiyak.

Kung kay Daddy ito at si Mommy ang nagalit sa kanya. Tumitiklop na siguro ang tuhod nito para lumuhod sa paghingi ng tawad—hahabulin ako upang paamuin para hindi na ako magalit. But Jasper is right; he is not like my Dad...he's 'unfortunately' not even close to him—or to tito Jason, as a family man.

Sa halip na katok sa pinto, isang malakas na pagpapaharurot ng sasakyan ang nadinig ko mula sa labas.

Umalis na naman s'ya.

Iniwanan na naman n'ya akong muli.

Kailan na naman kaya s'ya babalik?

Bukas?

Sa makalawa?

Sa isang linggo?

Sa Isang buwan?

Ganito na s'ya mula nang nabuhay s'yang muli. Parating abala sa maraming bagay. Wala halos oras para sa pamilya. Lumalayas kahit may problema pa kami. Binabalewala ako, h'wag lamang ang mapabayaan n'yang muli ang kanyang hukbo.

Kapag kailangan namin puntahan ang aming mga magulang, umuuwi s'ya, pupunta kami nang magkasama na tila normal na mag-asawa. Pero tulad ngayon...idina-drop off lamang n'ya ako sa bahay, para makaalis muli.

Lumalaki na ang tiyan ko pero parati naman s'yang wala. Mabuti na lamang talaga at pumayag ang hipag kong si ate Helena na do'n muna sa amin tumira. Ang kaso mo, naiinggit naman ako sa kanya, lalo na kapag dinadalaw s'ya ni kuya Paolo.

Ang sweet nila. Parang mga parents ko at parents ni Jazz. Kung makapag-PDA akala mo, walang tao sa paligid. Ang swerte ni ate Helena kay kuya Paolo. Kahit na alam namin na abala ito dahil sa nature ng kanyang trabaho, hindi n'ya nakakalimutang dalawin o tawagan si ate Helena. Samantalang ako, ni tawag o text, wala. Naghihintay na lamang parati na magmilagrong maalala ako ni Jazz.

JASPER, The Demon SlayerWhere stories live. Discover now