END

3.3K 52 0
                                    

June is always the perfect wedding month for me. Many girls wanted to be a June bride and I am one of them. Matagal ko nang pinangarap na maging June bride dahil sa mga nabasa at napanood kong movies. Yup, I'm that kind of girl.

"Tapos ka na ba dyan?" Sigaw ni Travis galing sa baba.

"Oo, ito na!" Sagot ko.

Maghahanap kami ng perfect shoes for the wedding of the year. Matagal rin namin hinintay ang araw na iyon. Finally, the playboy is getting married! Sinong magaakala na si Greg pa ang mauunang ikasal sa aming lahat? He and Reyna are getting married and I couldn't be more excited.

I'm not a June bride but at least one of my best friends is!

She almost didn't say yes to the proposal. Kasi ba naman she was still in her pajamas when we dragged her into the place and she was like what the hell is happening. She thought she was kidnapped!

While Greg was all dressed and fresh while singing and dancing to Jason Derulo's Marry Me. Reyna's mood immediately changed upon realizing what was happening. She got all emotional and said yes!

Kung ako yun baka hindi ko na sagutin ang magpropose sa akin. At least just let me change into something! Kakaiba talaga ang gimmicks ni Greg. That might be the best (or worst if hindi nag-yes si Reyna) proposal I've ever witnessed. I just hope Travis won't do that to me. On the second though he's not the type that have no originality.

Magfifit kaming lahat ng damit ngayon and as usual, we're late! Kaming dalawa ba naman ang magsama diba! Kanina pa rin tumatawag sa akin si Reyna pero hindi ko na sinagot dahil sigurado akong mapapagalitan lang niya ako.

And I'm right. Pagdating namin ay puro sermon ang inabot ko kay Reyna pero sa tuwing magkakatinginan kami ni Travis ay ngingiti nalang kaming dalawa.

Ang gusto ng dalawa ay sa garden ikasal and the bride wants her bridesmaids to wear tiffany blue. Sa lalaki naman ay walang problema because they just have to wear suit then okay, gwapo na sila.

Panay hagikhikan ng mga babae habang finifit sila Travis. Mukhang tuwang tuwa sila sa costumer nila ngayon. Masama kaming nakatingin nila Hannah sa mga babaeng nagsusukat sa kanila. Why does it have to be a girl?

At talagang mas matagal nila sinukatan 'yung mga boys ha! Kung hindi lang 'to para sa wedding nila ay kanina ko pa hinila si Travis paalis sa lugar na iyon. Note to self: Hindi ako dito magpapagawa ng gown.

"Bilis e! Gusto nang itali agad si Reyna." Puro asaran lang kami the whole time we were there.

"Ikaw lang mabagal dyan noh!" Pangaasar niya kay Travis.

"Hindi naman kasi kami nagmamadali. Diba?" Tanong niya sa akin. Ngumiti lang ako. Bwisit na Travis 'to! Mukhang wala pa yata akong balak pakasalan! Ang tagal tagal na namin and yet hindi man lang niya tinanong sa akin yung question.

Hindi ko na alam kung ano ang gusto niyang mangyari. I gave him so many hints already pero hindi pa rin niya ako nagegets. I don't know he might be playing dumb or he really don't have any idea at all or worse, that he doesn't want to marry me.

Nang natapos sila ay naisipan kong bumili ng sapatos na susuotin ko samantalang may ibang aasikasuhin pa si Reyna at si Hannah naman ay may date sa boyfriend niya. Si Yna ayaw sumama dahil naiirita kay Josh.

Marami akong pinasukan na mga stores ng sapatos pero wala akong mapiling maganda. May nagustuhan ako kanina pero wala silang size ko. I'm still with the boys and the groom. Hindi ko nga alam kung bakit siya sumama sa amin samantalang ang bride niya ay nagaasikaso ng wedding nila!

Sumusunod lang sila sa akin kung saan ako pumunta ng walang reklamo. Girls need more boys like that.

We entered the next shop at agad akong may nakitang gusto ko. I think this is it! I chose this nude color heels that has 4 inches. I immediately asked for my size and they have it!

The Only Rose (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon