Chapter 30 - Won't Leave

1.5K 36 0
                                    

Kinabukasan nagising ako nang wala na si Travis sa tabi ko. Naisip ko na baka nauna nang kumain or maybe he did a morning jog.

Pero paglabas ko ng kwarto silang apat lang ang nakita ko at missing in action si Travis.

"Wow naunahan mo pa gumising si Travis. Sarap tulog ah!" Sabi ni Josh habang kumakagat ng sandwich.

Kunot ang noo ko at umupo sa counter katabi ni Greg. "Wala siya dito? Kala ko nauna na siya gumising?"

Nagkatinginan silang apat. "We didn't see him. Kanina pa kami dito."

"Teka, hindi ba dapat ikaw may alam? Kayo kaya magkasama."

Tumaas ang kilay ko. Yeah right speaking of which. Hinampas ko si Greg na pinakamalapit sa akin. "Mga loko kayo! Sinadya niyo!"

"Ano nanamang ginawa ko? Ang sakit nun ah. Hindi ko naman kasalanan kung nawawala siya." Sagot niya habang hinihimas ang braso.

"You locked the door kaya sa kwarto ko siya natulog!" I hissed.

Napangiti silang lahat at nagkatinginan ulit.

"Ahh kaya naman pala.. Galawang Travis talaga o!"

"Nice. Paraparaan nga naman!"

Naghigh five pa si Josh at Greg pero hindi umiimik si Alex.

"What do you mean?" Kumunot ang noo ko.

"We left the door open. No one locked it, ming." Si Alex ang sumagot.

"Kahit maglock sila, my door is not locked." Dagdag ni Charles.

Oh. Nanliit ang mata ko. First he lied and now nawawala siya. Great! Anong problema nun?

Inexcuse ko ang sarili ko at umakyat ng kwarto. I need to call him. Hindi ko pinansin ang mga tawag nila sa akin basta alam ko kailangan ko siya makausap.

Hindi ko alam pero kakaiba ang nararamdaman ko. Kakaibang kaba at takot.

Sinubukan kong tawagan pero hindi niya sinasagot hanggang sa naging not available na siya.

Napapamura na ako dahil hindi ko siya matawagan. I'm worried that something might happen.

Naiiyak na ako magisa. Why is he doing this? Anong problema niya na kailangan niyang itago sa akin? I can help him, wala ba siyang tiwala sakin?

I gave up calling him and my phone also gave up on me. The battery died kakatawag ko.

"Brielle. Open the door." Alex knocked.

Bumangon ako nang narinig ko siya. Lalo akong naiyak nung pagkakita ko sa kanya. Puno ng pagaalala ang mata niya. Hindi ko mapigilan hindi siya yakapin.

"Alex. I can't find him." Iyak ko.

Pinaupo niya ako sa kama habang pinapatahan ako.

"Am I not good enough for him? Bakit ayaw niyang sabihin sakin ang problema niya?" I'm not sure if I may be able to help him but at least I can share the burden with him. And let him know that I'm always here for him.

"Wag ka magisip ng ganyan. Maybe he just need more time. Let him. He's always been like that. Nawawala, bumabalik."

Tumango lang ako. This is harder than I think it is.

xx

Tahimik lang ako buong byahe. Sa shotgun seat ako ng kotse ni Alex nakaupo.

Nakatingin lang ako sa window kahit na wala naman akong tinitignan. My mind is elsewhere right now.

"You okay? Gusto mo bang magstop over?" Nilingon niya ako. Umiling lang ako at bumalik sa pagkakatingin sa labas.

Hawak ko lang ang phone incase magvibrate ito. I'm still hoping that he would call me back. Alam naman niyang tumawag ako sakanya and I'm worried. Tungkol nanaman kaya 'to kay Auntie? Ano ba talagang nagyayari?

"Alex, may alam ka ba sa away ni Travis tsaka ni Auntie?" Tanong ko.

Si Alex ang madalas nakakausap ni Travis pag dating sa mga seryosong bagay and base on what he's saying alam kong may alam siya.

"I'm not in the place to tell."

"Alex, please." I almost begged pero hindi niya talaga sinabi.

Parang kahapon lang ang saya saya ko pa tapos sa isang iglap biglang ganito na ang nararamdaman ko. Insecure, sad, confused. Ugh!

Nakatulog na ako sa pagtatampo ko kay Alex. Nagising nalang ako nang kalabitin niya ako dahil malapit na kami sa bahay. Pero malayo palang ay natatanaw ko na ang itim na kotse na nakaparada sa tapat ng bahay.

Niliitan ko ang mata ko para makita ng ayos ang kotse. And it's really Travis' car! Hindi pa nakapark mabuti si Alex ay kinalas ko na ang seatbelt at bumaba.

I've never been this relieved and excited before when I see Travis. Ngayon lang!

Nagtanguan sila ni Alex then Alex drove off.

Tinignan ko si Travis at nararamdaman ko na ang luha kong nababadyang tumulo.

"I'm sorry. Sorry for leaving you. Something came up. Sorry." He kept on saying sorry while hugging me.

I hugged him back and sobbed in his chest. Ngayon lang lumabas lahat ng emosyon ko nang nakita ko siyang nakatayo sa labas ng bahay. He's waiting for me. He came back for me.

"Hindi ako aalis. I won't leave you alone." Sabi niya. Patuloy lang ang iyak ko. Naiiyak ako sa tuwa. Nasisiraan na ata ako ng ulo sa halo halong emosyon.

I want to scold myself for being so emotional. Kahit ako hindi ko alam anong dinadrama ko. It's not like iniwan na niya talaga ako. I was so scared that one day aalis siya.

Gusto kong sabihin sa kanya lahat ng takot at insecurities ko but I'm afraid na hindi niya ako maintindihan.

"I'm so scared, Travis."

"Sorry. My phone died. Next time I'm going to leave a note."

"You're planning on leaving again?" Tiningala ko siya.

Tumawa siya. "Not when you'll be beside me when I wake up."

"Speaking of, you lied again. And I need to do something about it." Nagisip ako ng magagawa. He just love lying to me all the time.

"I never thought you'd buy that lie though." Ngisi siya.

I'm starting to believe that I'm really that dense. It's either that or he's good at telling lies.

"How would I know! Knowing them, that's a possibility!" Nanlaki ang mata ko sa kanya.

Note to self: suguraduhin muna bago maniwala especially with Travis and his words.

"Hindi mo ba ako iimbitahin sa loob? Nilalamok na ako dito." Reklamo niya sakin. "Nagugutom pa ako!"

"Let's eat outside. You buy dinner since may kasalanan ka." Sabi ko at humakbang papunta sa kotse niya.

"Of course." Irap niya. "I told you to keep-"

"Yeah right keep my wallet when I'm with you. Whatever!" I continued for him.

"Good." Sabi niya then he opened the door for me. "Get in ma'am."

Natatawa akong pumasok. I love how I always end my day with my annoying man.

The Only Rose (Completed)Where stories live. Discover now