Chapter 49 - Happiest Place

1.5K 47 0
                                    

Totoo nga ang sinabi ni Travis na madalas kaming magkikita. Expected ko na rin naman 'yun kaya pagod na pagod ako sa tuwing galing akong school. Madalas ay tinatamad na akong magaral at gusto ko nalang magpahinga. Nakakastress talaga ang sabay sabay na ginagawa. Imagine I'm studying and at the same time I'm avoiding someone. Para na nga akong stalker na inalam ang schedule niya at sa tuwing maglalakad ako ay napaparanoid pa ako. Pati sila Hannah ay nawiweirduhan na sa mga galaw ko.

Today is Saturday pero ang dami kong naiwan na mga homeworks na dapat ay natapos ko na. Naipon sila hanggang ngayon dahil sa pagiwas ko sa isang tao! Tinignan ko ang patong patong na libro sa study table ko. I need to read this all for my report on Monday. Ibabalik ko pa ito sa library na pahirapan ko pang nakuha dahil ang alam ko ay palaging nandoon si Travis. I have no idea why is he always there kasi nung high school kami ay isa yan sa hatest place niya sa buong school.

Sumalampak ako sa kama at humugot ng malalim na hininga. Wow good luck naman sa akin sana matapos ko 'to lahat ngayon. but I'm not really in the mood to do anything acads related so..

Binasa ko ulit ang text ni Lance sa phone ko at nagreply.

Lance:
What are you doing? Let's hang!

Brielle:
Can't. Busy with papers, reports, exams.

Lance:
Don't tell me you're doing that on a Saturday? Dali na!

Yeah, tinatamad talaga ako but if I don't do this today then when?

Brielle:
You are really a bad influence to me!

Lance:
You know I am. See you in an hour.

Whatever! Since wala na talaga ako sa mood ay pumayag na rin ako. May bukas pa naman for these. Hindi pa rin nagstart sila Reyna so might as well cram.

"Where are we going?" Tanong ko nang makabit ang seatbelt ko.

"I do have a place in mind. Sabi mo nung isang araw you want to try archery? Ano, game?" Tanong niya sa akin. Agad akong nabuhayan nang marinig ko 'yun. Yan ang gusto ko kay Lance. Palagi niyang naaalala ang mga sinsabi ko sa kanya and he's even considering it. Pag siya naman ang may gusto ay itatanong muna niya kung komportable ba ako o hindi.

Tumango ako. "G na g!"

Nagdrive siya papunta sa sinasabi niyang archery place. Habang papalapit ay mas lalo akong naeexcite. I hope ditching my acads would be worth it.

Hindi kalakihan ang place kaya matatanaw mo ang mga tao doon at may cafe pa sa isang tabi. Halos mapuno ang tao sa maliit na lugar na iyon pero may isang babae at isang lalaki na talagang nakaagaw ng pansin ko. Dalawa ay may hawak na bow at nagtatawanan. Inaasar ng lalaki ang babae dahil talo ito sa kanya at halatang iritado na ang babae pero natatawa pa rin habang may sinasabi na hindi ko naririnig.

Alyssa and Travis.

Napahinto nalang ako sa malayo habang tinatanaw sila. They looked so perfect. They are perfect! Kumbaga si Alyssa ang arrow sa bow ni Travis. Sila 'yung couple na pag tinignan mo ay mapapangiti ka sa cuteness nila. They have that vibe that can make you like them kahit na hindi mo sila kilala.

Ang sakit pa rin pala kahit na tanggap ko na. Ang sakit sakit pa rin. I let go the person I love the most. He's the one that got away for me. Hindi ko na pinansin ang taong nasa paligid ko kahit isipin nila na baliw na ako dahil napapaluha ako ng walang dahilan. It just hurt so much. Wala naman silang ginagawa. They are not even doing PDA pero parang sinasaksak na ang puso ko. I can't stand to watch them.

Tumalikod ako at nakita ko si Lance na nakatingin lang sa akin. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. I breakdown in front of him. Pagkatapos ay hinila niya ako palabas ng place kung saan wala masyadong tao.

The Only Rose (Completed)Where stories live. Discover now