Chapter 47 - Apology

1.4K 43 0
                                    

The next days were normal. Normal as in pumapasok ako sa school tapos makikipagkwentuhan kanila Reyna, kulitan with Lance at harutan kasama ang mga boys. This week passed just like that. It was really normal until I received a news. I don't know if it's good or bad.

Guess what? Travis is going to study in my school! Anong pumasok sa utak nun at naisipan niyang magenroll dito?

Hindi naman nagenroll si Alyssa dahil ang alam ko ay enrolled pa rin siya school nila sa US at bakasyon lang talaga ang pinunta nila dito ni Travis pero bakit nageenroll itong si Travis?

Tuwang tuwa naman ang mga boys dahil makakasama na ulit nila si Travis. College together with friends? Why not. But being in the same college with an ex is a no. Lalo na at same building pa kaming dalawa! Sinasadya ba niya 'to?

He took Finance. Hindi ko alam kung paano at bakit siya pinagenroll samantalang nagumpisa na ang klase months ago. He won't be able to catch up!

"Ay ang taray ha! Nagenroll para sayo. Nainiwala ako na ikaw talaga 'yung dahilan. Wala nang iba!" Sabi ni Reyna sa akin.

Pinandilatan ko siya ng mata nang nakita ko sila Greg na papalapit sa pwesto namin. "Later." I mouthed. Nagets naman niya agad dahil kinindatan pa niya ako habang nakangiti.

Kaming dalawa lang ngayon ang magkasama kasi may gagawin sila Yna sa org nila.

"Oh kayo lang?" Pansin ni Greg tapos umupo sa tabi ni Reyna. Nagngitian naman sila. Just be together you two!

Umirap naman ako, "May nakikita ka pa bang iba? Wala diba?"

"Ang sungit! Baka nag-LQ!" Ani Charles.

"Ano basted na agad 'yung manliligaw mo?"

Napakunot ang noo ko at hinampas ko si Greg sa braso. "Shut up! May practice siya okay? Tsaka tigil tigilan niyo na pangaasar sa akin."

Habang nag gagaguhan sila Josh ay katabi ko naman si Alex. "Is it true? Enrolled na talaga si Travis?"

"Nagulat rin ako but yeah." He shrugged, "Why are you so affected?"

"I'm not. Why would I? Nagulat lang ako!" Depensa ko.

"Wag mo kong lokohin! I can see that you still..cares for him," Aniya.

Tumawa ako para maibsan ang kaba. Grabeng confrontation with Alex naman 'to! "Of course I do. Ano ka ba! He's our friend."

"Mahal mo pa. Hindi ka pa nakamove on." Nanliit na ang mata niya sa akin ngayon. Damn it!

Tumingin siya kanila Josh at pabulong na sinabi sa akin ang sunod niyang sinabi. "He has a girlfriend. You can't make that mistake! You just can't, Brielle."

At this time nafrustrate na rin ako. Hindi ko naman sinabi na may balak akong agawin siya o ano. Ang aking lang, oo gusto ko pa siya, mahal ko pa pero hanggang doon nalang 'yun. Alam ko naman kung ano ang tama sa mali.

"I know!" I semi shouted. "And I never said that I want him back! It's not easy to move on. You know that, Alex! It's not that easy for me!"

Ang hirap hirap lalo na at si Travis ang pinaguusapan dito.

"You're not using Lance are you?"

"God! Ganun na ba ang tingin mo sakin? I will never use someone just to forget him! You should know that. This is just-" Huminga ako ng malalim. "You're crazy!"

Pagkatapos ng sagutan namin ni Alex ay umalis na ako. Hindi ko gusto ang mga sinasabi niya sa akin and I don't want to fight with him over this matter. Alex need to clear his mind and I do too. Sa lahat ng tao akala ko ay si Alex ang pinakanakakakilala sa akin and I never expected those words from him. Never.

Pumikit ako at sumandal sa headboard ng kama ko. Why is this happening to me? Una, si Lance tapos ngayon naman si Alex!

Nagtext sa akin si Alex saying sorry pero hindi muna ako nagreply. I'm not mad at him but rather I'm disappointed at him and I'm disappointed at myself for not being able to move on.

Nakatanggap nanaman ako ng message at akala ko si Alex kaya hindi ko pinansin. Maya maya naman ay tumawag na ito. Sigurado akong hindi 'yun si Alex dahil alam niyang hindi dapat ako tawagan pag galit ako.

It was Reyna.

"Hello,"

"Hoy babae! Narinig ko 'yung drama mo kanina! Ano 'yun?"

Nagtaka ako dahil boses ni Yna ang narinig ko. Tinignan ko pa ulit ang caller and it was Reyna.

"Magkasama kayo?" Tanong ko.

"Baliw! Group convo 'to!" Si Hannah naman ngayon, "Anong nangyari sayo?"

"Wala wala. I'm fine."

"Anong fine! Naguusap lang kayo ni Alex tapos nagulat nalang ako bigla kang nagwalkout. Tinatawag ka namin pero ayaw mong mamansin." Ani Reyna.

"Oo na. Kasi naman nainis lang ako kay Alex. He was being unreasonable! Sinabi ba naman na baka ginagamit ko lang si Lance! Basta nainis lang ako pero wala lang 'yun."

"Eh ano na ba kasing ganap niyo ni Lance? Hindi nga kayo masyado nagpapansinan. Hindi katulad dati.." Yna trailed.

Minsan pag kinakausap ko si Lance ay naawkward-an kasi ako kaya medyo tinatry ko rin talaga na umiwas. Ayaw ko rin kasi na baka mamisunderstood niya although we already cleared our status.

"Wala, sinabi ko na hanggang friends lang. 'Yun."

"Kasi mahal mo pa ex mo?"

"Silence means yes, Brielle. We want you to think carefully. Really really think carefully this time. Kaibigan mo kami, we just want the best for you. And if ever, I also want you to think if you're ready to be in a relationship with him again. Tandaan mo, love is not always sweeter the second time around."

"Alam ko tsaka walang 'if ever' doon. Masaya na siya sa girlfriend niya ngayon, bakit pa ako makikigulo. I'm just happy that he's happy."

"Sige na, tumawag lang talaga kami para makichismis! Ito kasing si Yna hindi makapaghintay bukas at ngayon na gustong malaman ang drama mo! Bye, goodnight!"

Bago pa mababa ay narinig ko pa ang boses ni Yna na may sasabihin pa. Always the chismosa one, Yna.

Nakatanggap nanaman ako ng mensahe galing kay Alex.

Alex:
Are you still mad? I'm sorry.

Sige na nga magrereply na ako since I can't stay mad at him for a long time.

Brielle:
Okay.

Alex:
What okay? Okay as in I'm forgiven?

Brielle:
Why are you feeling sorry then?

Lokohin ko muna si Alex. He's too uptight.

Alex:
Sorry sa mga sinabi ko. I swear I didn't mean it like that. Well, you know me I tend to say nonsense words so, am I forgiven?

Brielle:
Alexander! You seriously needs to loosen up. I'm just kidding! Yeah, we're good. Apology accepted but you need to drive me to school tomorrow since I'm coding. Goodnight!

The Only Rose (Completed)Where stories live. Discover now