Chapter 46 - Too fast

1.4K 41 0
                                    

Simula noon ay madalas ko nang nakakasama si Lance dahil may mga klase kaming magkakasama at sumasama rin siya sa mga tambay o lakad namin magkakaibigan pag wala siyang practice. Pero madalas ay kaming dalawa ang magkasama kaya talagang naging close kami sa isa't isa.

Hindi namin pinapansin ang asar ng mga kabigan namin sa amin. We just don't feel like doing so. Titigil rin naman sila pag nagsawa na sila. Hindi rin naman siya naiilang dahil minsan pa nga ay sumasakay pa siya sa biro kaya lalo tuloy kami inaasar.

"Sure ka okay lang? Baka magalit ang coach mo." Sabi ko nang ayaw niyang practice para samahan ako maghintay kay Hannah.

"Yup! I'm sure."

"Sabi mo e. Ang lakas ko talaga sayo noh?" Biro ko sa kanya. Umupo kami sa benches habang naghihintay. Ang sabi ni Hannah ay sandali lang siya dahil may paguusapan lang sila ng orgmates niya.

Pero thirty minutes na at wala pa siya kaya tinawagan ko na siya.

"Sorry talaga. Hindi ako nakatext sayo kanina. Mauna ka na, malilate pa ata ako. Sorry!"

"Okay lang. Ano ka ba! Una na ako ha. Ingat ka pauwi." Sabi ko before I hung up.

Ang problema ko naman ay kung paano ko sasabihin ko Lance na uuwi na ako dahil matatagalan pa si Hannah. So nagskip siya ng practice for nothing.

"Matatagalan daw si Hannah. Sabi niya mauna na daw ako." Nahihiya kong sabi.

Tumawa naman siya sa tabi ko at napailing.

"Uy sorry talaga. I didn't know! Hindi ka pa tuloy nagpractice!" I nudged him. Nahihiya kasi ako sa kanya.

"It's okay. Hindi rin talaga ako magpractice dahil may sasabihin ako sayo."

"Ano 'yun?" Medyo kinakabahan kong tanong. Parang alam ko na kasi kung ano 'yun. I just hope that's not it.

Nginitian niya ako at tumingin sa mata ko "You know I like you, right? Your friends know. Sorry if I'm making you feel uncomfortable. But matagal na kitang gusto, hindi ko lang maamin sayo noon pero tingin ko alam mo naman. Halata ba ako masyado?" Nagkamot siya ng ulo, nahihiya bago nagpatuloy. "I like how you wrinkled your nose when you get serious. I like how you tend to be persistent if you want something. I like how strong you are. It's not easy to be friends with your ex. And I like how you can complete my day with that smile of yours. I know this is too fast for you. Hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko."

Napakagat ako sa labi ko. Shit! Medyo nagulat ako sa sinabi niya. Parang nung nakaraan lang ito 'yung pinaguusapan namin tapos ngayon nangyayari na. I never thought that Lance is actually observant. Paano niya napapansin ang lahat nang 'yun when I don't even notice that. Hindi ko alam na ganun pala ako. Indeed, this is too fast. Too fast.

"I hope you can give me a chance to prove it to you." Nilahad niya ang kamay niya sa harapan ko. Tinignan ko 'yun. I can see hope in his eyes pero ayaw ko naman siyang paasahin sa wala because deep inside alam ko na ang sagot. Matagal nang naestablish 'yun sa akin. Matagal ko nang alam sa sarili ko at kahit na ayaw kong aminin, I still want the guy who I left two years ago. And now that he's back mas tumindi lang ang pagkakagusto ko sa kanya.

Alam ko rin sa sarili ko na wala na akong pagasa pero gusto ko pa rin umasa. Ganun naman kasi talaga diba? Siguro kusa nalang akong susuko pag pagod na pagod na ako.

"Lance.."

"You don't need to answer me now. I just want you to know what I'm feeling." He said.

Humugot ako ng malalim na hininga at hinawakan ko ang kamay niya. Naalala ko ang pinagusapan namin nila Hannah nung nakaraan. "Lance.. I can't do this. You know I love you but only as a friend."

Matagal kong pinagisipan kung paano ko sasabihin kay Lance na hindi siya gaano masaktan pero wala akong naisip na way.

It's so hard to reject someone you value the most. I can't bring myself to do it pero alam kong kailangan dahil darating at darating 'yun and I've done it. Nasaktan ko na si Lance.

Ang sama sama ko siguro dahil sinaktan ko ang taong nandyan palagi para sa akin. Sinubukan ko. Believe me I've tried to like him pero hanggang kaibigan lang talaga ang kaya ko dahil hanggang ngayon hindi ko pa rin maalis sa sistema ko si Travis.

Alam kong walang paaran para mabawasan ang sakit. Rejection is rejection and it is all the same, walang level ng intensity dahil pareparehas ang sakit na nadudulot nito.

Tumawa siya at humawak sa dibdib. "Ouch. Friendzoned na agad ako wala pa ngang chance." He tried to make the situation less awkward.

Nakatingin kaming dalawa sa mga studyanteng dumadaan sa harapan namin. Walang gustong magsalita. Just how many of those students had their hearts broken? Sino kaya sa kanila ang nagtatago ng sakit na nararamdaman? Ang hirap siguro nun para sa kanila. No one can feel their pain except themselves. Sarili lang natin ang nakakaintindi sa sakit na nadadama natin. Nilingon ko si Lance, I don't know how much pain I'm causing him right now but I'm really sorry. I hate this!

"I know that look. Don't feel sorry and don't say sorry." Pinangunahan na niya ako.

Tipid lang akong ngumiti sa kanya at tumango.

"Tara na, uwi na tayo?" Tumayo siya at nilahad ang kamay niya.

Inabot ko 'yun at naglakad kami palabas ng campus habang magkahawak. It's really great to have him by my side. Sandali pa lang kami magkakilala but I'm already used to his presence.

Hinatid niya ako sa bahay at nilingon ko pa siya ng isa pang beses bago bumaba ng kotse niya.

Pinanood ko ang sasakyan niya paalis sa harapan ko. I'm really sorry. There is a good guy in front of me but I opted to let him go and chase after the bad guy. Why do I constantly want the bad guy.

Nakatanggap ako ng mensahe galing kay Lance.

Lance:
I'm home. You really don't have to worry. I understand.

Brielle:
I know you don't want me to say this but I'm sorry. I really do.

Lance:
Tigas talaga ng ulo mo! So we're good?

Brielle:
Yeah, we're good.

That night nakatulog ako ng mahimbing. At last hindi ko na iisipin ang problema ko kay Lance. Lance is a guy that is true to his words and when he said that we're good. Ibig sabihin okay talaga kami.

The Only Rose (Completed)Where stories live. Discover now