Chapter 25 - Almost

1.8K 52 0
                                    

"Finally! Akala ko tatandang dalaga nalang 'tong kaibigan natin." Kumento ni Charles when he showed up.

Napairap nalang ako. If I will be single, aba kasalanan nila 'yun for being too protective. Now gets ko na ang lahat. The secret talks pag wala ako. Tama naman pala talaga ako, ako 'yung pinaguusapan nila.

"Sinabi ko naman kasi na may something sainyo, e! Ayaw mo kong paniwalaan ayan tuloy. Pero nakakatuwa 'yung shocked face mo, Brielle." Tawa pa ni Greg.

Nanliit ang mata ko sa kanila. So they heard. Nakakainis naman 'tong mga 'to I thought solo lang namin dito. Oo na, gusto ko na siyang masolo pero hindi ko 'yun sasabihin sa kanya. Never dahil aasarin lang niya ako.

"Bakit ba kasi kayo nandito?"

"Kaya ba ni Travis 'to pag wala kami?" That was not a question though. Sinuntok siya ni Travis at nagkantyawan na sila.

"Grabe 'to, Lex! Nagkaboyfriend lang ayaw na sa atin." Pagkukunyaring drama ni Josh. Binatukan ko rin siya.

"Family dinner pala ha."

I knew it! Fishy ang family dinner niya awhile ago. Josh never had a family dinner on Valentine's dahil wala sila Auntie sa bahay. Nakakainggit dahil ang sweet pa rin nila. Una kong naisip ay baka nga may tinatago na siyang girlfriend sa amin.

Wait—Napaisip ako sa sinabi ni Josh kanina. Kami na nga ba si Travis? I don't know. I mean he didn't ask the question. That idiot! Ayaw ko naman i-open dahil nakakahiya.

"What, gumana naman diba?" He wiggled his eyebrows at me.

That was the worst palusot na narinig ko ever. To know that I know him so well. Minsan talaga ang cute lang ni Josh.

"But seriously, I hate you all." I said.

"Oh I know you love me, Ming." Ngisi ni Alex at inakbayan ako.

Inalis ko ang kamay niya sa balikat ko. "Wag mo kong daanin sa akbay akbay hoy. I hate you the most."

They knew it all along! Alex knew! Pinagmukha niya akong tanga kakadrama at kakarant sa mga bagay bagay. Kaya naman pala chill lang siya sa mga nangyayari. They planned this out!

"The more you hate the more you love." Ayan nanaman ang line na 'yan. Never gets old.

Biglang sumulpot si Travis at tumayo sa tabi ko sabay hinawakan ang kamay ko at tinignan si Alex. Napatawa nalang si Alex habang umiiling.

"Whoa whoa," Alex raised his arms. "Really, now? You have one jealous boyfriend, Brielle."

Napangiti ako. Yeah, napakaseloso ng isang 'to talaga at masungit. Oh and he's not only my jealous boyfriend but he is my jealous handsome boyfriend.

Tinampal ni Greg ang dibdib niya habang natatawa. "Chill dude. Si Alex lang 'yan. We're the F5! Magkakaselosan pa ba tayo?"

It's embarrassing every time Greg mention that F5. Dati pa kasi 'yun nung uso pa ang F4 tapos naisip niya na gayahin dahil gusto raw 'yun ng mga babae.

"What, lalaki pa rin kayo." He argued. Nagkatinginan nalang kami ni Charles at sabay umiling. Ahh, he's just too cute.

"And we'll always be Brielle's boys." Malokong sabi ni Josh kaya ayan nasapak ni Travis.

"Saan tayo magcecelebrate?"

Napagusapan nilang magcelebrate sa isang bar. Si Greg lang ata ang may gusto dun. Isa pa 'tong si Travis mukhang gustong gusto rin. Malalagot 'to sakin pag nagloko 'to.

Nasa iisang kotse lang kami ni Travis at na kay Josh ang kotse ko. Tinignan ko ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko habang ang isa ay busy sa pagmamaneho.

The Only Rose (Completed)Where stories live. Discover now