Chapter 11 - Vodka

2K 57 0
                                    

Bakit ba ako pumayag sa sleepover na 'to?

Masaya tumira ng may kasama sa bahay because you will never get bored and there is always someone whom you can talk to pero mahirap kapag puro lalaki ang kasama mo and you’re the only girl. Bahay ko na ‘to ha pero ako pa ang nahirapan at nagadjust para sa kanila.

First night

Pumasok ako sa kwarto after that embarrassing situation. Hindi nagtagal ay kinatok nila ako para maglaro ng baraha. Ang pinakamaraming talo magiging utusan sa gabing iyon.

“Kunin mo nga ‘yun.” Turo ni Alex sa cellphone na nasa tabi lang niya.

“Wala ka bang kamay?” Travis retorted at inutos kay Josh na wala nang nagawa.

Charles groaned and stretched his arms. “Nangangawit na ako magbalasa tsaka parang nauuhaw ako.” Parinig niya.

Natatawa na kami kay Josh dahil sinusunod naman niya lahat ng inuutos sa kanya ni Travis na dapat ay si Travis ang gagawa. Madaya talaga 'tong si Travis kahit kailan.

“Ang sakit ng katawan ko. Wala bang masahe dyan?”

“Ano? Suntukan nalang, ano?”

“Nagdadayaan nalang tayo dito ah?” Reklamo ni Josh dahil puro siya ang gumagawa na parang siya na rin ang natalo.

“Nagrereklamo ka ba? Kung utusan niyo akong halikan si Brielle pwede pa pero masahe? No fucking way.” Sinabi ni Travis. Hindi rin naman 'yon pinansin nila Charles.

Napatingin ako sa kanya pero may isa akong hindi nililingon, ang mga tingin ni Alex.

“Ayaw ko na maglaro. Tsaka kawawa na si Josh.” Pagiiba ko sa usapan. I need to get out of here at baka kung ano pa ang lumabas sa bibig ni Travis.

Josh sighed dramatically. “Hay salamat naman! Buti pa si Brielle naaawa sa akin.”

Second night

Hinayaan ko silang mag inuman sa living room. Ganyan talaga sila kaya hindi ko na sila pinigilan basta ba ililigpit nila ang mga kalat at walang susuka. They assured me na walang susuka sa kanila dahil ang purpose lang naman nila ay magchill.

Thank God walang sumuka sa kanila pero parang hindi naman chill ang ginawa nila dahil naririnig ko silang nagsisigawan sa baba. Hindi ko alam kung hindi pa ako ireport ng kapitbahay nito.

Nananahimik ako sa kwarto habang nanonood ng series nang may sumisigaw sa labas ng kwarto ko.

“Open sesame!” As far as I know its Josh’s voice.

“Josh! Josh! Isa pa.” Tawa naman nung isa then may nagchachant nanaman ng open sesame sa labas ng kwarto ko like it will open if he continue what he’s doing.

My boys are so silly. And cute.

“Tabi dyan! Let me try.” Another voice said. “Open sesame!”

They are all laughing and I can only guess they're drunk. Anong klaseng chill ba ang pinaggagawa nitong mga ‘to? Pinakamalakas na tawa ay ‘yung kay Greg na sobra makatawa akala mo wala nang bukas.

I closed my laptop and sighed as I made my way to the door they are still trying to open by a password.

“Open sesa—“

Travis was cut off by me when I opened the door. He proudly faced the others and said, “And the door is opened by the great Travis. Clap your hands!”

Lahat sila nakangiti ng nakakaloko sa akin at parang tuwang tuwa sila sa pinaggagawa nila. Isa isa ko silang binatukan pero hindi pa rin nawala ang ngiti sa labi nila. They are not just drunk but they are also crazy!

The Only Rose (Completed)Where stories live. Discover now