Chapter 45 - Status

1.4K 41 0
                                    

"Your friends are really protective of you." Sabi niya pagpasok ng kotse.

"I don't know if that's a good thing though." Sagot ko.

Natawa nalang siya sa akin at nagdrive. Maya maya ay sumusulyap siya sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay nang mahuli ko ang tingin niya.

"What?"

"Nothing. Bawal ka bang tignan?" Tawa niya.

Humarap ako sa kanya nang bigla ko naisip ang itatanong ko. "Lance, paano mo nasabi na gusto pa ako ni Travis?"

"I don't know. Maybe because he's too protective. Akala ko nagselos but then all of your friends are like that. So.." Diretso lang ang tingin niya habang sinasabi 'yun.

I mentally scolded myself for thinking that way. Ano ka ba naman Brielle! May girlfriend nga 'yung tao! Of course he cares because I'm his friend and nothing else. Since high school ay ganyan na sila sa akin. Ano bang bago dun?

"Why did you ask?" Nilingon niya ako nang huminto kami dahil pula ang stoplight.

Nagkibit balikat lang ako sa kanya at nginitian siya. "Just drive." Turo ko sa stoplight na green na ngayon.

"Avoiding huh. Sige na nga I'll pretend that I didn't ask you anything." Natatawa niyang sabi.

Malapit na ako sa bahay nang tumawag sa akin si Alex. He was really serious when he said that he'd call. Napapailing nalang ako. Parang tatay ko talaga 'to si Alex. He will be a very strict father to his child later.

Nilingon ko si Lance na nakangiti bago ko sinagot ang phone ko. "Hello Alexander. Malapit na ako sa bahay. Wag ka na magworry." Sabi ko at naririnig ko pa rin ang ingay sa background. "Nandyan pa rin kayo? Wow lakas niyo ah!"

"Yeah. Travis wouldn't let us go home."

"He's still there?" I thought umuwi na siya dahil hindi ko siya nakita kanina.

"Really ming? Kakasabi ko lang. Hinatid niya si Alyssa then he came back."

Oh. Kaya pala siya nawala kanina kasi hinatid niya si Alyssa pero bakit pa siya bumalik? Weird.

"Sige na. Nasa gate na ako. Bye! Goodnight Alexander." Pangaasar ko. Ayaw niya kasi pag tinatawag siya sa buong pangalan niya. Tinatawag ko lang siya sa buo niyang pangalan pag gusto ko siyang asarin.

"Alex is really on time." Tumingin si Lance sa wristwatch niya.

"He is." Tawa ko. "Thank you. So see you tomorrow or you're gonna cut?"

"When did you see me cut class?" Tinaasan niya ako ng kilay.

Well never ko pa naman siya nakitang nagcut. Masyado nga siyang masipag para sa isang college student to think na athlete pa siya.

Nagmake face ako sa kanya at bumaba na. Kumaway ako sa labas. Hindi pa rin siya umaalis kaya kinatok ko ang bintana at binaba naman niya. "Uwi na." I dragged the 'a'.

"Get in first." Ngumuso siya sa bahay.

Umiling ako. "Mauna ka."

"Pagtatalunan pa ba natin 'to? Sige na, pumasok ka na. Baka gusto mo ihatid kita hanggang sa loob?"

Hay. Hindi rin talaga siya papatalo.

"Fine! On the count of three." Sabi ko then I started counting. "1, 2, 3."

Sa huling bilang ay dapat paalis na siya at papasok na ako pero nagkatitigan lang kaming dalawa.

"Ang daya mo!" Reklamo ko.

"Wow ah. Ikaw nga hindi gumalaw dyan!"

Just like that nagtalo kaming dalawa dahil walang may gustong mauna umalis. We both want to see each other go first.

xx

Pilit kong tinatanggal si Travis sa utak ko. Nagbabad ako sa pagaaral since medyo malapit na rin ang midterms namin. Hindi rin naman namin siya pinaguusapan nila Reyna dahil iba ang gusto nilang pagusapan.

Nung una ay sobrang interesado sila kay Travis pero nang nalaman na may girlfriend ay ayaw na nila. Now I know why they lost interest. Dahil nakahanap na sila ng bagong target. And Lance is the new target.

"Single girl. Walang sabit. Gwapo pa! Kung ako yan nako! Ulam na girl aayaw ka pa ba?"

Napatingin ako bigla sa paligid namin. "Huy baka may makarinig sayo!" Saway ko. Marami pa naman ang nakakakilala kay Lance. Baka malaman niya pinaguusapan namin siya nakakahiya.

"Sus nahiya ka pa! Eh ang close niyo kaya. Parang kayo na nga e!" Siko sa akin ni Yna. "Our classmates has been asking me if kayo na ba kasi ang sweet niyo raw sa room."

Naghiyawan silang tatlo bigla. Napairap nalang ako. Here they go again with teasing me.

"Anong sweet? We are just friends!" I put emphasis on the last word. Mabuti nang malinaw sa kanila na kaibigan ko lang talaga siya. Isa pa, kahit na sabihin natin na may something siya sa akin, ayaw ko pa rin because I know deep inside who I really want. And that is not him.

"Dyan naman nagsisimula 'yan, e!" Reyna teased more.

"Really Reyna? So ano na ba talaga status niyo ni Greg?" Ngisi ko. Ayaw niyang nababanggit si Greg dahil natatahimik siya. Tulad nalang ngayon namula nalang siya at nangapa ng salita.

Nalipat naman ang atensyon namin sa kanya. Thank God for Greg.

"Oo nga! Ito ayaw magkwento! Date kayo ng date kaya wag mong sabihin wala."

"Hannah, may something 'yan sure. The question here is, what's the score?"

Alam nilang playboy si Greg and Reyna is not so serious about having a relationship so I can't really grasp what's the deal between the two of them. Sure crush nila isa't isa but it can't be that fast right?

Binaba ni Reyna ang phone niya at hinarap ako. "Sa totoo lang hindi ko rin alam. He never asked and I don't dare to ask. Hindi namin napaguusapan. As in never. Basta for now, we're enjoying each other's company. 'Yun lang."

It might be hard for Reyna kasi babae siya. It's really hard to make the first move.

Nilingon ko ang dalawa para sa opinyon nila. Ako walang masabi dahil kilala ko ang dalawa at alam kong walang unang magtatanong. Greg isn't the type to want commitment.

"Friend ganito kasi 'yan. Sa panahon ngayon hindi na uso ang magpakipot tsaka wala naman masama magtanong. At least alam mo na agad, hindi ka na mageexpect. Kung masaktan ka man, hindi ganun kasakit." Paliwanag ni Hannah.

Tinignan namin siya ni Yna at natatawa siyang hinampas ni Yna. "San mo napulot 'yan? Nagkalovelife ka na ba 'te?"

Hindi sumagot si Hannah at nagkibit balikat lang. Hinampas siya ulit ni Yna dahil dun. "Hoy sumagot ka! May lovelife ka? Weh di nga?"

"Masakit na ha! Hindi naman kasi kailangan magkalovelife bago malaman 'yang mga yan noh! Grabe ka. Tsaka bakit ba sakin napunta ang usapan? Si Reyna diba?"

Tumawa naman si Reyna. "Hindi ako, oy! Si Brielle kaya!" Binalik niya sa akin. Damn, kala ko nakatakas na ako.

"Pakiramdaman mo nalang si Lance. According to Hannah's theory, kung ayaw mo sa kanya edi sabihin mo ng mas maaga para hindi magexpect 'yung tao. Mahirap umasa. Alam mo yan.."

Alam na alam ko ang pakiramdam ng umasa sa wala. Hindi rin naman biro ang two years. Kung sabagay pinaasa ko rin naman si Travis dati na magiging okay. Maybe he finally realized that I'm not worth it kaya naghanap na siya ng iba. 'Yung mas worth it, walang issue at naiintindihan siya.

"I'm not leaning him on, Rey. We're friends." Tumango ako.





The Only Rose (Completed)Where stories live. Discover now