Chapter 10 - Eat

2K 63 2
                                    

My heart almost jumped out of my chest when I heard faint noises downstairs.

I tiptoed my way downstairs at nasa hagdan palang ako ay nakarinig na ako ng pamilyar na boses. Tumuloy ako pababa at nakahinga lang ako pagkakita ko kung sino sino ang nasa sala. Sometimes being alone in the house is really not okay. I mean it's scary.

“Anong ginagawa niyo dito?” Sigaw ko sa mga kaibigan ko.

Nagulat silang lima at napahawak sa dibdib si Josh. “Bakit ka ba nanggugulat?”

“Wow ha, kayo pa talaga ang nagulat. Anong meron, magouting kayo?” Tanong ko. Ang laki kasi ng backpack na dala nila.

“Anong kayo? Kasama ka!” Ani Alex.

Napakunot ang noo ko. Nakalimutan ko ba or I wasn’t informed na may outing pala kami tsaka Friday pa lang bukas. We have classes! Actually I was doing my homework upstairs when I heard them.

“Bakit gulat na gulat ka? Sympre joke lang ‘yun. We’re sleeping here.” Masayang sabi ni Charles while I wasn’t very happy to hear that.

“Sleepover!” Josh said in a cheerful way and was about to hug me when Alex pulled him back.

“Tingin niyo masaya ako? Magkakalat lang kayo dito, e!”

“At hindi lang ‘yun,” Charles continued. “We’re sleeping here for 3 nights!”

What? Seryoso ba ‘to? "Anong kalokohan 'to?

“Too bad, this time it isn't a joke. So why don’t you join us here?” Greg added.

Oh my God! Kill me now. I’m going to stay with them for 3 days? Paano na ako makakaaral niyan—Oh right, homework! See, ngayon palang nadistract na ako!

I ignored them at bumalik ng kwarto para tapusin ang homework. Trigonometry is my end! ‘Yung totoo, magagamit ko ba ‘to hanggang sa pagtanda ko? I don’t even use this on daily basis.

I heard a knock on my door. It was Travis.

“Busy ka?” Umupo siya sa kama.

“Medyo. Trigo shit.”

He chuckled at my response at tumayo mula sa kama at naglakad papunta sa akin tapos sinilip ‘yung worksheet ko. “Hindi ka pa tapos dyan? You want me to help you?”

I smiled. I remembered classmates pala kami so sigurado akong gumawa rin siya nito and I really need help pero ayaw kong magask ng help but since he offered why not.

“Wow brainy! Nasisira ang bad boy image mo.” Pangaasar ko. Ang bilis kasi niyang natapos sagutan ang 15 equations. At natapos na niya ang kanya the moment the teacher said that ‘yun ang assignment namin.

“Don’t like brainy Travis?” Ngisi niya.

“Edi ikaw na matalino!”

Tumawa lang siya at binaba ang ballpen. “Let’s go. We're going to watch a movie.”

Kanina ko pa iniisip kung anong nakalimutan ko pero hindi ko maisip. Naligo naman ako, nagaral na rin ako at natapos ko na ang Trigo homework ko. Pero parang may hindi pa ako nagawa.

Napatingin ako sa gawi ni Josh na ngumunguya ng chichirya habang nanunuod ng cartoons.

Akala ko ba movie?

Seriously, ang hilig talagang manood ng cartoons ni Josh! Then it hit me.

“Ah!”

Napatalon silang lima sa sigaw ko at nabitawan ni Josh ang hawak niyang chichirya kaya kumalat ito.

“What the? Bakit ka sumigaw?” Iritado niyang sabi habang pinupulot ang nagkalat na chips sa sofa at sa damit niya.

“Naalala ko na!”

“Naalala ang alin?”

“I forgot to eat.” I frowned. Of all things bakit pagkain pa ang nakalimutan ko but I don't feel hungry at all. This is so unusual of me.

“Patawa ka ba?”

“Bro bro,” Natatawang sabi ni Greg kay Travis. “More like she forgot she ate.”

And then the both of them started laughing out loud at maiyak iyak pa si Greg sa sarili niyang sinabi. Sinamaan ko sila ng tingin pero tawa pa rin sila ng tawa at tumawa na rin ang iba habang naghahigh five sila.

Hinampas ko ng throw pillow ang pinakamalapit sa akin. Umaray si Josh at umiwas.

“I’m serious! I haven’t had my dinner yet!”

I’m really serious pero tawa sila ng tawa. Wala talagang concern sa akin mga kaibigan ko as long as sila kumain na. Tapos ang kapal pa ng mukha nilang tumambay dito sa bahay ko at kainin ang mga stock ko dito!

“Are you joking? Improving ang sense of humor mo ah.” Ani Charles habang nakahawak sa tiyan niya.

Tinaasan ko siya ng kilay para malaman niyang seryoso talaga ako at mukhang nagets niya ‘yun dahil tumigil siya sa kakatawa at siniko niya si Greg sa tabi niya at may binulong tapos tumigil rin si Greg sa tawa niya.

“You’re not serious, right?” Greg asked again.

“No offense, pero may short term memory ka ba?” Charles asked at nagtago sa likod ni Travis.

Lalong tumaas ang kilay ko sa tanong niya and it's Travis turn to look at me with his amused face. “No shit? What about spareribs? Remember? Buffalo wings—”

Kumunot ang noo ko. What spareribs— Oh wait, I did remember something like spareribs. Oh. I had spareribs for dinner with the guys. Kumain pala kami pagbaba namin ni Travis. How could I forget that.

I smiled sheepishly at them and that’s their cue to start laughing again. Bakit ko ba palaging pinapahiya ang sarili ko sa mga lalaking ‘to?

“Yeah, I forgot I ate.”

“And that you ate it all too.” Alex added to my embarrassment.

“Sige tawa pa.” Tumayo ako at isa isa ko silang pinagpapalo sa braso. “Nakakatawa? Ano, nakakatawa ha? Sige tawa lang kayo.”

But of course sino ba naman ang masasaktan sa hampas ko. They ended up laughing more at halos maiyak na sila sa kakatawa sa akin habang inaasar pa rin ako.

“I’m hungry.” Ginaya ni Charles ang boses ko.

“Oh I forgot to eat.”

“Greg, you forgot you ate!” Travis corrected.

“Oh I ate it all too.” Alex continued and I swear sasabog na ako sa sobrang hiya.

“One more laugh from you and I swear I’ll forget that you’re my friends!”

I thought they would stop laughing because they did stop for like 10 seconds at nagtinginan but when they met each other’s eyes lalo lang silang natawa.

In the end I gave up. I stormed to my room and left them at the living room still laughing.

Sumakit sana mga tyan non bukas!

The Only Rose (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon