Chapter 12 - Impossible

2.2K 59 0
                                    

I have this weird feeling when I see Travis na ngayon ko lang naramdaman when he’s around. I used to feel annoyed by him pero ngayon parang ang saya saya ko pag nakikita ko siya.

Epekto ba 'to ng nangyari kanina? He’s like my happy pill, my chill pill, basically my everyday pill. Hindi kakaiba ang pakiramdam na ganito sa akin dahil naramdaman ko na rin ‘to before pero ang maramdaman ‘tong ganitong feeling para kay Trav ay kakaiba.

Isa lang ang kailangan kong gawin ngayon. I need to avoid him as much as I can. Hindi biro ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw.

I mean we got really close when they slept here for 3 days. All those kulitan, kwentuhan and drunk moments. Sanay na ako dun sa apat pero iba talaga pagdating kay Travis.

“Can we stay here for one more week?” Greg whined.

“Hindi pwede! Alam mo ba na tinawagan pa ako ni Auntie kasi baka kung sino sinong babae nanaman ang kasama mo.”

“Ayaw ko pa umuwi. Paglilinisin lang ako ng kwarto pag uwi.” Humiga si Greg sa sofa. Aba, ayaw talagang umuwi nito ha!

“Greg!” Hila ko sa kanya. “You need to go home. Hina—“

“Ako, can I stay for few more days?” Singit ni Travis.

Oh no, lalo na ikaw.

“No so get your ass out of my house now.” I pushed their back toward the front door pero ayaw magpatulak ni Travis at natatawa pa siya.

Nasa labas na si Alex at nakikipagharutan pa rin siya sa akin kasi ayaw niyang lumabas. Malapit na niya ako maconvince na dito siya mag stay pero tinawag siya ni Alex.

“Travis, stop playing. Let’s go.” Seryoso niyang sabi at nagpout naman si Travis.

“KJ.” Bulong bulong niya na ako lang ang nakarinig.

Sinita ko siya dahil baka marinig siya ni Alex. Alam ko kung kailan seryoso si Alex at seryoso siya ngayon.

Pagkaalis nila ay bigla ako nakaramdam ng emptiness sa bahay. Nakakamiss rin pala ang pagiging maingay nila dito sa bahay. Pero okay lang kasi makikita ko naman sila bukas sa school.

Sumalampak ako sa sofa at biglang nagbago ang isip ko nang nakita ko ang mga kalat sa mesa. Maybe I don’t miss them that much.

Tumunog ang phone ko at nang tignan ko kung sino ‘yun ay kumalabog nanaman ang puso ko. Kalma lang, heart. Si Travis lang naman ‘yung nagtext.

Travis:
Just got home. What are you doing?

Me:
Cleaning up the mess you’ve made.

Travis:
Want me to help?

I can almost see him smirking at me.

Me:
In the first place, you shouldn’t have made a mess.

Nataranta ako nang nagring ang phone ko. He’s calling!

“Ang sungit mo naman. Di bale, next time let’s sleep at my house para hindi ka na magreklamo dyan.” Bungad niya sa akin.

Matutulog sa bahay niya? No.

“Ano? Ayoko nga! Bakit ako matutulog sa bahay mo?”

At bakit bumabalik sa utak ko ang scene na katabi ko siya matulog sa sofa at ‘yung nakapatong ako sa kanya.

Tumawa siya. “What are you thinking? Of course with the guys. Sabi ko na nga ba gusto mo ako masolo."

Nag init ang mukha ko sa sinabi niya, “Ang kapal ng mukha mo! I wasn’t thinking of that. Bye na nga. Magaayos pa ako.” I put emphasis on the last phrase.

The Only Rose (Completed)Where stories live. Discover now