Chapter 42 - Lance

1.4K 37 0
                                    

My favorite part in college would be the free cut. Bur during instances like this sana pala ay hindi nalang ako pumasok. After ng subject kanina ay wala naman prof ngayon. Pinaglalaruan ata talaga ako ng tadhana. Like now free cut namin at maya maya ay isang subject nanaman. My last subject for today although kakapasok ko lang. The 4 of us gathered in the corner near the teachers table habang iniintriga nila ako.

"Bakit ba ayaw mo kay Lance the volleyball player?" Hampas sa akin ni Reyna nang maalala na classmate namin siya mamaya.

"Oo nga!" Hinampas rin ako ni Yna sa kabilang braso. "Diba matagal na 'yun may gusto sayo? Sagutin mo na kasi!"

Tinignan ko silang dalawa. "Makahampas kayo, masakit ha! Tsaka pwede ba friends lang kami!"

Irregular student si Lance dahil varsity player siya tapos naging close siya kasi magkagrupo kami sa isang subject. Ayun minsan nagkakatext kami. Hindi naman kasi siya mahirap pakisamahan. He's actually fun to be with. Lalo ko tuloy namimiss sila Greg dahil sa kanya kasi magkasing kulit sila.

"Masasaktan si Hannah pag ginawa ko 'yun." Pangaasar ko kay Hannah na nananahimik sa isang tabi. Matagal na kasi siya may crush kay Lance pero may pahiya hiya pa kasi siya ayan tuloy hindi sila nagkakausap. Kinakausap siya ni Lance pero dahil sa sobrang mahiyain niya hindi siya nakakasagot ng maayos.

"Okay lang sige sayo na siya. May Josh na ako noh!"

"Pero may chance nga ba siya?" Tanong ni Yna kay Hannah at nagkibit balikat lang si Hannah sabay tumingin sa akin.

"Magkaibigan nga lang talaga kami." Tawa ko. "Palagi niyo nalang ako iniissue!"

Dati niloloko rin nila ako sa pinsan ni Yna buti naman tumigil rin sila eventually nung nagkagirlfriend na siya.

"You said nakabalik na 'yung ex mo. So..ano na?" Tanong ni Yna.

Naikwento ko na rin sa kanila si Travis at 'yung dinner namin kagabi. Hindi ko inexpect ang reaction na nakuha ko. Sinabi nilang tanga ako for letting him go pero binawi rin nila nang nalaman ang issues ko sa kanya.

"He already have a girlfriend kaya walang ano."

"What?" Napalakas ang sigaw ni Reyna at napatingin sa amin ang iba namin kaklase. "I mean inantay mo siya, nagantay ka sa wala."

"Kasalanan ko rin naman. Besides that was two years ago." I shrugged pero deep inside I'm still in pain.

I know I shouldn't wait for him pero deep inside gusto ko pa rin siyang hintayin. 'Yung taong hinintay ko kasi hindi na pala nakapaghintay. Oh well, ganun ata talaga ang buhay. May aalis, may darating.

Sa loob ng dalawang taon I waited, I waited for him pero ngayon na bumalik na siya, wala naman pala akong inaantay.

"I'm really curious about him. Never mo siyang pinakita samin. Pero siguro gwapo kaya ganyan ka naman kamartyr!" Niloloko pa ako ni Hannah.

Pabiro siyang hinampas ni Yna. "Obvious na 'yun friend! Nakakainggit 'to lahat ng lumalapit sa kanya gwapo." Ngumuso siya sa akin.

"Hay nako sinabi mo pa! Even Lance 'yung masungit na 'yun! Ikaw na girl!" Ako naman ang hinampas ni Hannah.

"How about let's party tonight para naman makalimutan mo na yang ex mo. And invite Lance." Nagtaas baba ang kilay ni Reyna habang may nakakalokong ngiti.

"I like that!" Nagapir ang dalawa.

"After class ah." Tinuro ako ni Reyna. "No indian."

"Oo na. Kailan ko ba kayo hindi sinipot?" Natatawa kong tanong.

"Just saying."

Pumayag na ako since today is Friday. And I want to just enjoy and not think about things. Masyadong maraming bagay ang gumugulo sa utak ko ngayon.

Bumalik na ako sa pwesto ko habang naghihintay na susunod na prof. Pumasok si Lance sa room at dumiretso siya sa likod ko. Doon siya palagi umuupo dahil ako lang naman ang palagi niya kinakausap.

"Hey," kinalabit niya ako. "May homework ba tayo?"

Nilingon ko siya. "Nope." Napatingin ako sa bag niya. "Got practice later?"

Ngumiti siya sa akin. I can't deny that he's really cute. "Tapos na. Bakit, yayain mo ko makipagdate?"

Baliw talaga 'to. Pasalamat ako at medyo immune na ako at medyo umiiwas muna ako sa mga ganyan kung hindi nako talaga!

"Sana. Payag ka ba?" I asked him playfully. Ito ang natutunan ko sa mga boys. Their flirting skills.

Nanlaki ang mata niya halatang gulat na nakisakay ako sa biro niya. Madalas kasi ay hindi ko siya papansinin sa tuwing babanat siya ng ganyan.

"Hm I'll have to check my schedule, Miss." Pilyo talaga 'to. Kaya maraming nagkakagusto. Idagdag pa na varsity siya ng volleyball sa university.

Sasagot pa sana ako nang dumating na 'yung prof namin.

Yayain ko na rin si Lance at si Alex para naman mapakilala ko siya sa kanila. At sigurado ako na kahit hindi ko sila yayain ay ginawa na ni Reyna ang pagaya kay Greg.

Ewan ko ba sa dalawang 'yun! Pashowbiz. Pagtinatanong ko kung anong ganap nila ayaw sumagot.

xx

"Didn't know you like to party." Sabi ni Lance malapit sa tenga ko.

Natawa lang ako. Ako kasi 'yung tipong tahimik lang sa room at hindi masyado nagsasalita unless you talk to me. Pag nalalaman ng ibang tao na pumaparty at umiinom ako ay nagugulat sila.

"Now you know."

"Hindi lang 'yun! She also likes to drink. Lakas kaya uminom niyan!" Malakas na sabi ni Yna at marahan akong tinulak. "Alam mo ba, last time halos halikan na niya ang sahig sa sobrang kalasingan niya. Oh and kissed a guy too!"

Namula ako bigla at pinanlakihan ko siya ng mata pero hindi siya tumigil. Balak ba niya akong pahiyain ngayon? Oh God not with Lance please.

Umiling agad ako kay Lance.

"Wow wild. I'd pay to see that." Ngisi niya sa akin.

"Hoy grabe! OA lang kasi yan si Yna. Don't listen to her." At hinarap ko si Yna.

"It's okay, we all have that side. Trust me, I've done worse." He said.

"Wag nga kayong sweet naiinggit si Hannah." Si Hannah naman ang niloko ni Yna.

Pag wala si Reyna si Yna ang nagiingay. Sabay pupunta si Reyna at si Greg pero hanggang ngayon wala pa rin. Baka nagdate na 'yung dalawang 'yun.

"Wag ako, okay!" Irap ni Hannah at tumingin sa kung saan para hanapin si Reyna.

Napasinghap siya bigla, "Cute guy alert. Nakapolo na black."

Napatingin naman kaming dalawa ni Yna sa cute guy na sinasabi niya.

"May girlfriend naman friend!" Agad na umirap si Yna pero ako hindi ko pa rin nakikita kung nasaan.

"Ano ka ba! Malay mo fling lang!"

That's the time na umalis ang nakaharang sa paningin ko and I saw a tall guy, laughing while holding the hand of his girlfriend and he is wearing a black polo!

"Travis."

"You know him? Ikaw na!" Tinulak ako ni Yna.

"Yeah," Halos walang boses na lumabas sa bibig ko. "He's Travis and that's his girlfriend."

Nanlaki ang mata nilang dalawa at nagpabalik balik ang tingin sa akin at kay Travis. "No way. Oh my God!"

Yes way. At palakad na sila ngayon patungo sa table namin. I have to do something!

The Only Rose (Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن