Chapter 22 - Walkout

1.7K 53 0
                                    

It's annoying how we became the worst enemy of each other again. I was offended by him kaya hindi pwedeng ganun ganun na lang 'yun.

I pretended that he doesn't exist in my world and I guess ganon rin ang ginawa niya. Bumalik kami sa dati. And when I say dati, it involves him flirting with girls again and I freaking hate it! Parang nang aasar pa kasi siya. I clearly told him not to play with girls pero lalo siyang nananadya.

Napairap ako nang narinig ko na nakuha niya ang number ng isang 3rd year.

"Yabang." Bulong ko but I think Alex heard me.

"Because I can." Travis turned to me.

"Guys, magbati na nga kayo! Just say sorry man!" Sabi ni Josh

That's the problem! He doesn't want to say sorry and I don't want either dahil wala naman akong mali. Siya 'tong pupunta punta ng bahay tapos yayayain akong makipagdate. Tapos ngayon iba iba ang dinedate niya?

Remind me again kung bakit ko ba siya nagustuhan. Playboys are not my type and there isn't always an exemption.

"I did nothing wrong." He said.

And I didn't like the tone he use there. "Wow really? Did you hit your head hard that you forgot? You fucking insul-"

Lalong nag init ang ulo ko nang bigla siyang tumayo and walked out on me while I'm still talking!

Napapikit ako sa sobrang inis ko. Gusto ko nang iuntog ang ulo niya para maalala niya ang ginawa niya kung hindi lang ako pinigilan ni Alex.

"How can I chill? Nakita mo ba 'yung ginawa niya? Sabihin mo sa akin paano." Humarap ako sa kanila. "Pagsabihan niyo 'yang kaibigan niyo ah!"

"So he's not your friend anymore?" Taas kilay ni Charles.

"Ganyan talaga pag may LQ." Sagot ni Greg.

Napatingin ako sa kanya. "Tigil tigilan mo ako Greg. Napipikon na rin ako sayo."

"Ang sungit mo naman. Sige na, hindi na." Aniya tapos tumayo rin siya. "Sundan ko lang 'yung isa pang masungit."

Magsosorry lang hindi pa magawa. Gaano ba kahirap magsorry para sa kanya and am I not important or kahit 'yung friendship nalang namin hindi na ako. Is it okay for him to lose our friendship because of his pride?

"Ano ba kasing nangyari?" Charles inquired.

Sumagot naman ang isa pang epal.

"Hinalikan ka niya at nagalit ka kaya sinampal mo? O baka hindi ka hinalikan kaya sinampal mo?" Nagact pa si Josh na gulat na gulat.

"Isa ka pa, wag mo kong simulan." I warned. Tumahimik nalang siya at tinanong ulit kung ano ang nangyari kaya kinwento ko but I leave the part where I texted him first.

"'Yun lang?" Gulat na gulat na tanong nung tatlo.

"Anong 'yun lang? I was offended okay. Anong akala niya walang magdidate sakin kaya niyaya niya ako dahil alam niyang papayag ako because I like him. Hello, ano pala tingin niya sa akin?" Nagrant ako.

Siguro iniisip nila na mababaw lang ang dahilan ko magalit pero kasi hindi nila naiintindihan since lalaki rin sila but anyway.

Nalaglag ang panga ni Josh at ni Charles. "What the fuck, you like him?"

Oh shit. Hindi pala nila alam. I bet Greg will be so happy pag narinig niya 'to at pag nagkataon lalo niya ako hindi titigilan sa pangaasar.

"That's not the point!"

Halos hindi sila makapaniwala and couldn't find the right words to say.

"Brielle, he didn't mean it like that. Pinakinggan mo ba siya? Hindi noh? Let him explain his side." Alex said. He's the most understanding kaya normal lang sa kanya ang ganyang comment.

"Oo nga. Niyaya ka nun makipagdate kasi-"

"Josh." Alex called out at napatahimik nalang si Josh.

Napabuntong hininga nalang ako. I can let him explain but he need to say sorry to me first. Actually I can go with one sorry.

Tumayo na rin ako at iniwan sila doon na naguusap. I want to go home at doon magmukmok buong magdamag.

Malapit na ako sa bahay nang mahagip ng mata ko ang pamilyar na kotse sa tapat at ang lalaking nakahalukipkip na nakasandal sa pintuan. What is he doing here?

Maayos kong pinark ang kotse ko at nag isip kung lalapitan ko ba siya o didiretso sa loob.

The first option won though. I believe may sasabihin siya that's why he's here. Maybe Alex was right, I should listen to him.

Napaayos siya ng tayo paglapit ko.

"Anong ginagawa mo dito? Kung nandito ka para manginis then you can leave, Travis."

"I need to talk to you. But can you do me a favor?"

Tumaas ang kilay ko. What?

"Can you listen to me first before you react? Okay, sorry. I'm saying sorry not because of what I said but because you're offended. I didn't mean it that way kaya hindi ko alam kung bakit ganon ang dating sayo. I just wanted to take you out on a date, Brielle. No other motives. You know we've been really close to each other and I wouldn't do that to you. I just wanted to spend time with you. That's it."

What? I was a bit lost there. Ibig sabihin nagagalit ako sa kanya ng ilang araw dahil sa maling akala ko. Oh shit.

"Like a friendly date?" I asked hesitantly.

He shrugged, "You can put it like that."

Oh. I must admit I was disappointed upon hearing it was a friendly date. So after all friends pa rin kami.

"What about walking out on me, Guerrero?"

"That, I was sorry too. Ayaw ko lang makipagaway sayo so I better leave."

"So why now? Bakit hindi mo ko tinetext o tinatawagan. You should've explained yourself that night but you never did until now."

"I needed more time to think. Iniisip ko kung bakit ganon ang naisip mo. At alam kong sisigawan mo lang ako pag sinundan kita, and you'd be annoyed by my messages to the point na iblock mo pa ako. I bet you won't even answer my calls." Natatawa niyang sabi. "Besides isn't it more sincere now that I'm here?"

Ngiti ngiti pa siya. Nako don't use your charm smile on me, Guerrero.

"Whatever. Umalis ka na nga naiirita ako sa mukha mo!"

Ngumiti siya sabay akbay sa akin. "Bakit nakangiti ka?"

Bakit nga ba ako nangingiti? I immediately composed myself. Pag si Travis talaga ang pinaguusapan nahihirapan akong icontrol ang emotions ko. I should work on that.

"Bakit nakaakbay ka? Bati na ba tayo? Hindi ko pa tinatanggap sorry mo noh."

"Uy pinipigilan. Sige na, aalis na ako. Wag mo ko mamiss masyado." Sabi niya bago pumasok sa kotse.

Pinanood ko siyang pumasok at bago siya umalis ay binaba niya 'yung bintana sa passengers seat.

"Remember, no dates allowed on 14."

The Only Rose (Completed)Where stories live. Discover now