Chapter 58 - Fake

1.5K 36 1
                                    

Alyssa:
I think we need to talk.

Nagiisip ako kung anong irereply ko. That was the most serious message she had ever sent me. Bigla akong kinabahan na baka nalaman na niya 'yung nangyari nung naiwan kami ni Travis sa school grounds. Or did Travis tell her everything that she needs to know?

Brielle:
Yeah, let's talk.

I have decided that I need to clear things with her. Hindi pwedeng ganito. Ayaw ko ng may tinatago. I don't want any secrets that involves Travis. At least not a secret from his girlfriend. Kung hindi sasabihin ni Travis sa kanya ay ako na mismo ang magsasabi. That girl deserves to know the truth, alam ko dahil babae rin ako.

Pagdating ko ay nakita ko na agad siya sa bandang dulo at kumaway pa siya sa akin. She looked happy to see me. Weird. Her text was really serious then now she has the smiling face she always wear.

"Sorry, kanina ka pa ba?" Umupo ako sa tapat niya.

"No it's okay. Do you want to order first?"

Umiling ako. I need to do this fast. "Why do you want to talk to me?"

"Ahh.. about that. Actually it's about Travis.." She trailed at napakagat siya sa labi niya. "Girl, hindi ko na talaga kaya! I had enough of you two!" Frustrated niyang sabi at hinawakan ang ulo niya. "Sumasakit na ang ulo ko sainyo!"

So she knew? Looks like wala na akong dapat sabihin pa.

"Mga tinginan niyo pa lang halata na! I don't know kung bakit hindi niya 'yun nahahalata!"

Meron pala akong dapat sabihin. Kailangan kong magsorry sa kanya sa lahat lahat. Sa umpisa pa lang ay dapat inamin na ito sa kanya ni Travis! Loko lokong lalaki 'yun! "Sorry I didn't tell you. I just don't want things to get complicated. Well, I guess it is now. Pero sorry talaga. You have been so nice to me tapos ganito. Hindi ko na siya kakausapin pa. I mean it." Pinakita kong desidido ako na layuan si Travis.

She looked at me confused with what I just said. "What are you talking about?"

"Travis is my ex-boyfriend. I'm sorry that I kept this from you and," Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari sa school. "With what happened at school. I swear nilayuan ko talaga siya, sinubukan ko. Promise, I avoided him at all cost pero lumalapit pa rin siya. I just--"

Tumawa siya bigla then she leaned on the table. "I only have one question for you.." Kumunot ang noo ko at nagpatuloy siya. "Do you still love him?"

Lalong kumunot ang noo ko.

"Mahal mo pa ba?" She reiterated.

Tumungo ako at napakagat sa ibabang labi ko. Shit sasampalin ba niya ako pag sinabi kong oo? Should I be honest or not? Pero mukha naman hindi siya galit sa akin. Pero pinakanakakatakot ang tao pag nakangiti.

I looked at anywhere else but her and she got my answer from there.

Hinampas niya ang mesa at napatalon ako sa pwesto ko. Oh shit, oh shit! "Edi inamin mo rin? I knew it! Oh my God! Alam mo kayong dalawa..nako, ewan ko sainyo! Pinapagulo niyo lang ang buhay pagibig niyo. Sa totoo lang ako ang naiistress sa pinaggagawa niyo." Hinawi pa niya ang imaginary bangs niya.

"Uh, Alyssa..I don't get it."

Hindi ba dapat nagagalit na siya sa akin ngayon? She should be shouting at me and calling me names. Nababaliw na ba siya kasi akala niya inaagaw ko sa kanya si Travis? Nakakatakot 'yung ngiti niya! Baka sabunutan niya ako.

"Oh girl! Tama nga siya. Dense ka nga!" Aba naman! Tumaas ang kilay ko pero nagpatuloy siya. "Alam mo naman na mahal ka pa nung gago mong ex! At sabi mo mahal mo pa siya. Wait, hindi mo pala sinabi. Ah, basta!"

The Only Rose (Completed)Where stories live. Discover now