Chapter 52 - Never Stop Fighting

1.5K 37 1
                                    

Just when I thought everything was going okay, he's at it again. Hindi na niya ako masyado kinukulit at pinapansin it's only when we're all together at naguusap usap tsaka lang kami nagkakaroon ng interaction but aside from that? Wala na. It's a good thing though until now.

Umagang umaga ay maraming nagbubulungan sa loob ng classroom. Hindi ko ito pinansin dahil busy ako sa librong binabasa ko. Marami talaga akong mga kaklaseng chismosa! As usual, kasama doon si Yna. Biglang lumapit sa tabi ko si Yna at kinalabit niya ako.

"I think he's here for you."

"Sino?"

"Sino pa ba? Edi 'yung ex mo! Kanina pa kaya siya nasa labas, ayun pinagkakaguluhan na ng mga babae. Ikaw ata ang hinahanap since ikaw lang naman ang pwede niyang puntahan dito?" Ngumuso siya sa may pinto at doon nakita ko si Travis.

Nasapo ko ang noo ko. Kaya naman pala panay ang bulungan ng mga classmates ko. May gwapong nasa labas ng classroom! The one and only cause of the commotion is no other than Travis Guerrero. But wait, Wednesday ngayon.. ang alam ko may klase siya ng ganitong oras ah? Yup, alam ko nga kasi ang schedule diba!

Dinampot ko ang phone ko at tinext ko siya bago pa dumating ang prof namin.

Ako:
What are you doing there?

Travis:
I want to talk to you. Can I go in?

Nanlaki ang mata ko at mabilis na nagreply.

Ako:
No! We'll talk later after my class. Go back to your class.

Reply ko kahit na wala naman kaming dapat pagusapan dahil alam kong hindi siya aalis pag hindi ko 'yun sinabi. Truly, pagsilip ko sa labas ay wala na siya. Siniko naman ako ni Reyna.

"O, pinaalis mo? Anong kailangan nun sayo? Ang kulit rin nung ex mo na 'yun noh? Pero infairness ha, A for determination!"

Tumango ako. "Ewan, makikipagusap daw."

"Dapat sinabi mong wala na kayong dapat pang pagusapan!" Singit ni Hannah.

Nagkibit balikat ako, "Well, A for being persistent?" Binalingan ko ulit ang pinto at saktong pumasok ang prof namin.

On time si Travis dahil naabutan ko siyang naghihintay sa labas ng classroom ko. So alam rin niya ang schedule ko. Tinanguan lang ako nila Reyna tsaka sila umalis. Naglakad ako papunta sa may dulo kung saan wala masyadong estudyante habang nakasunod siya.

"Are we gonna talk or what?" Iritado na ako dahil ilang minuto na rin kaming nakatayo pero hindi siya nagsasalita.

"Can we talk somewhere else?"

Umiling ako. "We'll talk here. Kung ayaw mo edi wag." Sinadya ko talaga 'to dahil wala rin naman kaming dapat pagusapan. Mas okay rin kung hindi na kami maguusap. I don't get the sense in talking kung paulit ulit lang rin naman ang pinaguusapan namin at wala kaming nararating na conclusion.

He let out a breathless sigh, "Alright. Galit ka ba sa akin?"

Kumunot ang noo ko sa kanya. "No. Bakit may ginawa ka bang ikagagalit ko?"

Tumango siya, "Then why are you avoiding me?"

Years ago, sinabi niyang dense ako kaya ngayon ibabalik ko naman 'yun sa kanya. Obviously I'm avoiding him because he kept on bugging me and asking for a chance if possible! Pinagusapan na namin ito dati pero ayaw pa rin niya tumigil.

"Travis you know why. Don't act stupid!" I'm getting irritated little by little. Akala ko after nung nangyari sa bahay ni Greg magiging okay na pero hindi pa rin. The first week was okay but after that inuumpisahan nanaman niya kaya napilitan akong iwasan siya ulit.

The Only Rose (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon