Chapter 26 - Cucumber and Kisses

1.7K 51 0
                                    

Travis has some chores to do kaya sa bahay lang ako ngayon. It's okay with me dahil baka magsawa ako sa pagmumukha niya. Nope, kidding. It's only been a week since we became a couple.

Yup, sinagot ko na siya when he asked me. Bakit ko pa papatagalin e nandyan na. Sino ba naman ako para maginarte sa isang Travis?

Nakaupo ako habang nagbabasa ng libro when he texted.

Travis:
Are you busy?

Me:
Nope, just reading.

Travis:
I'm outside your house. Open the door?

Napatayo ako sa kama at sinilip ang window and indeed nandoon ang kotse niya. Si Travis 'yung tipong bigla nalang susulpot at hindi 'yung magtatanong muna kung pwede ba siya pumunta. Dapat masanay na ako dun. But what is he doing here akala ko may gagawin siya.

"What brings you here?" Tanong ko nang buksan ko ang pinto pero nakasimangot na mukha niya ang sumalubong sa akin. "What's wrong?"

"Just my mom." Sabi niya at dumiretso sa hagdan. "Come here."

Lumapit ako sa kanya at niyakap niya ako. "Just a minute." Bulong niya. Napapangiti ako sa kanya. I find it sweet that niyayakap niya ako sa tuwing problemado siya. Sabi niya kasi nakakabawas daw ng problema.

Humiwalay siya at hinila ako sa kwarto. Umupo ako and humiga siya sa lap ko.

"Tough day huh?"

"Yeah. You know her, when she wants something makulit talaga 'yon."

"I know." Natatawa kong sabi. 

Kakaiba ang kakulitan ni Auntie at nakakapressure talaga. Naalala ko one time pinipilit niya akong sabihin kung sino ang nagugustuhan ni Travis dahil may kakaibang aura daw si Travis. Who would have known na ako pala 'yon! Pero sympre at that time hindi ko pa alam kaya sinabi ko ang totoo. Guess what, hindi niya ako pinaniwalaan saying things like mas pinipili ko na si Travis kaysa sa kanya. Once na sinimulan na niya magtampo, nako wala na. 'Yung pakiramdam na ikaw pa talaga 'yung makokonsensya kahit wala ka namang ginawang mali kaya alam na alam ko ang pakiramdam ni Travis ngayon.

Napapikit siya nang suklayin ko ang buhok niya. Hindi ko alam kung maaawa ako o matatawa sa kanya kasi all this time hindi pa rin siya sanay kay Auntie. I want to ask him kung about saan pero ayaw kong maalala niya ulit kaya tumahimik nalang ako.

"Ah!" I suddenly thought of something at napadilat siya sandali pero pumikit rin ulit. "Stress ka pa rin ba?"

Tumango lang siya habang nakapikit.

Napapangiti ako. "Wait there. Don't move!"

Mabilis akong bumaba sa kitchen at kumuha ng ilang cucumber sa tupperware tapos nilagay ko sa plato. Buti nalang may natira pa.

Pag stress kasi ako I always put cucumber on my face. Ewan ko lang nakakarelax ng feeling.

Pagkakita niya sa dala ko ay agad siyang ngumiwi. "You know I don't eat cucumber, Brielle. Kahit na anong gawin mo hindi ko kakainin 'yan."

"Kahit na break na tayo pag hindi ka kumain?" I joked.

"Ibang usapan na 'yan. Wala naman ganyanan." Reklamo niya. Nakikita kong ayaw niya talaga ng cucumber.

Tumawa ako. "Silly, alam ko! I will not force you to eat this."

Bumalik ako sa pagkakaupo ko sa kama at sumandal sa headboard. I patted my lap and let him lay there.

"I will use this as face mask. I always do this. Trust me." I wiggled my eyebrows and he hesitantly obliged. Well, wala rin naman siyang choice dahil ipipilit ko pa rin ang gusto ko.

The Only Rose (Completed)Where stories live. Discover now