Chapter 43 - Better

1.4K 45 0
                                    

Habang papalapit sila ay naririnig ko ang usapan nila. Nauuna sila Josh at Travis habang nakahawak siya sa beywang ni Alyssa. Nagpalinga linga naman si Alyssa na parang may hinahanap. Kasunod ay si Greg at si Reyna tapos sa tabi ay si Charles at Alex.

"Dapat magaaral ako sa bahay ngayon gabi eh!" Nagkakamot ng ulo si Josh.

"Sinong niloko mo? Ikaw magaaral? Patawa ka!" Binara siya agad ni Travis.

"Bro, nagaaral na ako noh. People change!" Proud niyang sabi.

Nanahimik bigla si Travis dahil sa sinabi ni Josh. Yeah, people change so do you.

"There you are!" Masayang sabi sa akin ni Alyssa na kinagulat ko. Kahit sila Hannah ay nagulat sa inasta niya. Maarte siyang umirap sa ere. God, she still looked so beautiful with her silver top and black skirt. "Thank God you're here. The boys bored me to death!" Kakameet lang namin kagabi pero hinahanap na niya agad ako. What is this girl up to?

Pero hindi ko mapigilan hindi matawa sakanya. They tend to be boring sometimes. Kung hindi girls ang pinaguusapan ay sports!

Umupo siya sa tabi ko. Before things get awkward pinakilala ko na siya sa mga kasama ko.

"Yna, Hannah and Lance." Tinuro ko sila. "She's Alyssa."

Ngumiti lang siya sa kanila pero naglinger ang tingin niya kay Lance tapos ngumiti ng makahulugan sa akin. "I thought wala kang boyfriend?"

"Oh no, no. He's just a friend." Mabilis kong sagot.

"Soon to be boyfriend!"

Pinanlakihan ko ng mata si Yna. What is she saying in front of Lance!

"Ohh.."

Tatanggi pa sana ako pero nang tumabi rin sa kanya si Travis ay hindi na ako nakaiimik. Siya na ang nagpakilala sa mga kaibigan ko at nagiba ang tono niya nang ipakilala niya si Lance as friend ko.

Kahit ngayon lang nagkita ay ginawa ng mga boys at ni Lance ang fist bump na ginagawa ng mga lalaki. I guess that's their thing.

"Nililigawan mo ba 'tong kaibigan namin?" Agad na tanong ni Alex.

"Mahirap ligawan 'yan." Singit ni Greg at kunyaring may binulong kay Lance. "Masungit!"

"Ay totoo 'yan!" Reyna agreed immediately. Palibhasa si Greg ang nagsabi.

Oh God, shouldn't have brought him here!

"Hayaan mo na nga yan sila! Tara!" At hinila ko siya paalis sa table bago pa sila makapagtanong ng iba pa.

"Sorry, ganyan talaga sila." Nahihiya kong sabi.

"I'm okay. Sasagutin ko sana sila kaya lang hinila mo na ako paalis." Ngiti niya. Tumigil kami nang medyo nakalayo na kami sa kanila.

"Ano naman sasabihin mo?"

"Na liligawan kita hanggang sa mapasagot kita." Aniya sa isang pilyong boses.

Pabiro ko siyang hinampas. "Baliw 'to! Tara nga, let's get something to drink."

"Alam mo you should stop being masungit sa mga babae sa room." Sabi ko habang nasa stool kaming dalawa. Pinili ko na malayo muna sa maiingay kong kaibigan.

"I don't like them." Kibit balikat niya. Si Lance lang ang kilala kong varsity na masungit. Nung unang beses ko siya nakausap ay si Travis na agad ang naalala ko sa kanya sa pagiging masungit.

"See that's what I'm saying. Nagsusungit ka nanaman! Look, kanina pa may tumitingin sayo oh." Pasimple kong tinuro ang babae sa may likuran niya.

"Let's not talk about that. How about you, never akong may nabalita na may nanligaw sayo ah. Ikaw nga 'yung masungit dyan!" Pumangalumbaba siya na parang sinusuri ako.

The Only Rose (Completed)Where stories live. Discover now