Chapter 8 - The Bet

2.4K 60 0
                                    

Naging obsessed ang mga kaibigan namin sa closeness namin ni Travis na bawat galaw namin ay papansinin nila. Siguro takot na rin mapagtripan namin kaya todo bantay sa amin. Isa pa 'tong si Travis. Minsan bigla bigla nalang babanat ng mga corny lines niya. Though it never occurs to me na seryoso siya sa mga sinasabi niya. If I know nagpapractice lang 'yun para sa mga lines na sasabihin niya sa babae niya at kung anong reaksyon ang makukuha niya.

"Can I take your picture to prove to all my friends there that angels do exist?" Then Travis pointed at the table where our friends are. 

I scowled at him. 'Yung babae naman ay kinilig.

Sinabi rin niya yan sa akin before. Sinasabi ko na nga ba na malandi lang 'tong gagong 'to. Gamitin daw ba ang line na ginamit niya sa akin sa babae niya. Tama lang talaga na hindi ako nagpapaniwala sa mga sinasabi niya.

Nilingon niya ako sa may tabi niya and winked at me while the girl posed for picture. At binigay pa niya ang number niya kay Travis pagkatapos without him asking.

Pinuntahan niya ako sa pwesto ko at winagayway ang phone sa harapan ko.

"That is so unfair. Pinili mo kasi 'yung alam mong lalandiin ka pabalik." Reklamo ko.

Nagpupustahan kasi kaming dalawa. Paramihan ng macharm ngayong gabi. Sigurado siyang matatalo ako dahil wala akong kasexy sexy sa katawan ko at violent pa daw ako.

While our friends are just watching us from our table. Pinagpustahan rin nila kami, Alex is on my side and Greg is on Travis' side at 'yung dalawa? Ayun walang pakialam at tawa ng tawa sa tuwing masasampal si Travis dahil sa mga pick up lines niyang bulok.

Tinawanan niya lang ako. "Tignan nga natin yang charms na pinagmamalaki mo."

I smiled. You'll see.

I straighten my dress and ran my fingers through my hair as I search for my target. Buti nalang at napagdesisyunan kong magdress ngayon kung hindi ay matatalo ako. I smiled as I found my target.

Mas mahirap pa nga ang pinapagawa niya sa akin kumpara sa kanya. He asked me to get the person to ask for my number habang siya 'yung nanghihingi. How unfair is that right? But of course with my charm mabilis ko itong nagawa.

Ayaw ko naman sanang makipagpustahan in the first place dahil unang una hindi ko gawain manlandi ng tao at pangalawa wala naman akong mapapala dito. And to quote him, "Sus, papalusot pa. Just admit it, you don't know how to charm people kaya ayaw mo."

In the end? Walang nanalo at walang natalo.

"Uy dalaga na siya." Pangaasar ni Greg nang makabalik kami sa table.

Inirapan ko lang siya at kumuha ng beer.

"Ano na? Who won? Paano na 'yung pustahan?"

Then I saw Travis smirked beside me at alam kong may binabalak nanaman siya. "I know what you're thinking kaya itigil mo na 'yan."

"Wow, you're a mind reader now?" Tawa niya.

Hinampas ko siya pero parang ako ang nasaktan. He's still an ass at wala pa rin siyang sense kausap minsan.

"How about we do it like this, let's have a bet. You get to ask me to do anything when I lose."

"Anything?" I asked tapos biglang nagbago ang isip ko. "Never mind. Ayaw ko makipagpustahan sayo, madaya ka naman kasi."

"Anything." He continued na parang hindi narinig na ayaw ko. "All you need to do is chug that beer in 10 seconds or else you'll be my slave for my 2 weeks. Think about it."

"Madaya talaga 'to. Bakit hindi ikaw?"

Palagi nalang kasi ako 'yung gagawa tapos pag hindi ko nagawa ako rin ang haharap sa consequences.

The Only Rose (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora