Chapter 55 - Cry

1.6K 41 0
                                    

Nagovernight kaming tatlo sa bahay ni Reyna so Greg has to go at hindi sila makapagmoment dahil kay Yna na panay ang irap sa tuwing sweet silang dalawa. Natatawa nalang ako sa itsura ni Greg na hindi alam ang gagawin.

Kinabukasan ay maaga akong nagising and they are all up already. Reyna is already on the phone with Greg and the other two are chatting. Nakatanggap ako ng text galing kay Josh saying may party mamaya ang org nila dahil magcecelebrate sila ng Halloween. The boys probably got it too.

"Uy! May party daw mamaya?" Biglang sabi ni Reyna.

"You got the message too?"

"Nope, sinabi lang ni Greg." Nahihiya niyang sabi.

Ngumisi ako sa kanya bago ko nilingon sila Yna "Punta tayo?"

"We're talking about party here! Sympre. Anong party ba 'yan?"

Oo nga pala, party animals mga kaibigan ko. Bakit pa ako nagtanong! And of course it's October and if there's one thing that we love about this month its Halloween party and sembreak of course.

"We need costumes! Oh my God I'm getting excited!" Pumalakpak sila.

Nagisip ako ng pwede kong isuot dahil last year ay nagpoison ivy ako. What will I be this year?

Pumunta kami sa kakilala ni Hannah na nagpaparent ng costumes at agad silang pumili ng kanya kanya nilang costumes habang wala pa rin akong idea kung ano ang isusuot ko.

"Did you find anything you like?"

Umiling ako kay Reyna. Nakaupo lang ako at pinagmamasdan silang mamili ng mga damit. Nagiisip pa kasi ako kung anong gusto ko. Tinignan niya ang hawak niyang costume at napatingin rin ako doon. "Catwoman?"

"Yeah. I think this suits you. Uy ha muntik pa namin pagawayan 'to ni Yna so you really should wear this!"

"Thanks Rey!" Nginitian ko lang siya.

It's funny because earlier I'm just thinking about being Catwoman kung wala pa rin akong maisip. Yna wanted to be Catwoman but she ended up to be a white swan at Wonder woman naman si Reyna habang unicorn naman si Hannah.

Sa isang open place ginanap ang party kaya sa labas palang ay maririnig na ang malakas na tugtog at iba't ibang kulay ng lights and some halloween stuff. Pinakita namin sa bouncer na nakacostume rin ang pass na sinend ni Josh sa amin bago kami nakapasok.

"Welcome to my party!" Biglang akbay sa akin ni Greg. Kinunutan ko siya ng noo. "What are you? Wait wag mong sabihing boy next door ka ulit? Think of something new, Greg!"

Walang ginawa 'tong si Greg kung hindi puro papogi. He always wears suit or polo during Halloween. Nawawala tuloy ang spirit ng halloween dahil sa kanya!

"This is new!" Then he cleared his throat, "I'm Gatsby. Ikaw nga dyan hindi nagbabago itsura mo!"

"Hoy wag ka nga! I'm catwoman and Reyna chose this for me. Ano, may sasabihin ka pa?"

Tumingin siya kay Reyna and he gave this kilig mysterious smile that he only shows when Reyna's around.

"Ugh not again!" I groaned then pulled Hannah and Yna.

"Nakakakilig talaga sila noh? Ako kaya kailan ko mahahanap ang prince charming ko?" Ani Yna na kinakausap ang sarili.

Dumiretso kami sa mobile na nagseserve ng iba't ibang cocktails at doon nakita namin sila Alex na nagtatawanan habang kumukuha ng shots. Atleast upgraded and costumes nila at hindi katulad ni Greg na puro papogi lang pero papogi pa rin sila when they decided that they will be Avengers. Alex as Iron man, Travis as Captain America, Josh as Thor and Charles as Hawkeye.

The Only Rose (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon