SC : 5

798 51 14
                                    

"Jelly!"

Binalingan ko si Zia dahil sa paraan ng pagtawag nito sa akin. Itinigil ko ang paghuhugas ng pinggan.

"Hmm?"

"Nakita mo ba ang headphone ko?"

Mukhang aligaga ito dahil sa headphone na hinahanap nito.

"White?" tanong ko na ang tinutukoy ay ang kulay ng headphone na suot ni Rhio kanina.

Bago kasi umalis ng bahay si Rhio ay nagpunta muna ito sa kwarto ni Zia at paglabas nga ay may suot ng headphone.

"Oo, tapos may touch of red siya!" sagot nito at pumitik pa sa hangin.

Bahagya akong tumawa, "Kinuha ni Rhio."

Nagmura si Zia at mariin na pumikit, "Punyeta talaga 'yang lalaki na 'yan. Hindi na naman nagpaalam! Magtetetris ako! Tapos kukunin niya ang headphone ko? Bobo ba siya!"

Mahabang lintanya ni Zia habang pabalik sa kanyang kwarto.

"PUTANGINA MO, RHIO!!" sigaw pa nito bago isara nang malakas ang pinto, kung makasigaw ito akala mo ay kaharap lang nito ang nobyo na minumura niya.

Tumingin ako sa tatay ni Archer na nasa hapagkainan. Pinapakain ko ito ng cereal dahil hindi na nito kayang kumain ng mga solid food.

"Ingay?" nakangiting tanong ko rito, humagikhik ang matanda.

"I—ngay," gaya nito sa sinabi ko. Ang tatay ni Archer ay parang dalawang taong gulang na bata. Alagain at bantayin.

Lumapit ako sa lalaki at pinunasan ang laway nitong umaagos papunta sa baba nito. Lagi itong nakanganga kaya ang laway ay panay ang tulo.

If I explain our life now, after all those years with zombies and years that I am not with them. I can say that it's all worth it. Minsan ay tinatawanan na lang namin ang mga nangyari sa nakaraan. May iba naman na ibinaon namin sa limot.

Queen is still working as a general surgeon sa isang hospital dito sa Pilipinas. And yes, maayos na ulit ang Pilipinas. Niall is with him. Actually, nakabukod na ng bahay ang dalawa. Hindi pa sila kasal pero pinili nilang magsama muna hanggang sa mapagdesisyunan nila kung kailan nila gustong magpakasal. Sigurista kasi ang dalawa, they are testing out if they are compatible with each other, for the reason that, mahirap daw na kapag kinasal na, eh doon malalaman na hindi pala sila magkakasundo kapag nasa iisang bahay na.

May point naman sila, pero after what happened, like they are together during the apocalypse, happiness and sadness diba? Specially, hardships.

Pero sila naman iyon, iba-iba naman kami ng pananaw sa buhay regarding sa pagpapakasal. Kung ako lang ang tatanungin, wala nang propose propose kasal na agad. Kung wala lang natitirang pagka-dalagang Pilipina sa katawan ko, baka hinila ko na si Archer papuntang simbahan at magbigay na agad ng vow.

Kaso ang lalaking iyon ay mukhang nagdadalawang isip pa sa akin.

Si Zia naman, balik sa pagkaadik sa computer. Naglalive stream siya ng laro niya sa tetris. Habang si Rhio naman nasa isang techonological company pa rin. They are both stable, financially. Dahil si Zia ay nagtatrabaho sa isang Networking Company. Tumatanda na rin ang dalawa pero parang sila talaga ang walang balak magpakasal. Ah no, si Zia. Si Zia ang walang balak, sa tuwing binibiro kasi ito ni Rhio na magpakasal na sila ay umaasim ang mukha nito at mumurahin ang nobyo. Hindi ko na rin malaman sa babaeng iyon, pero ang kutob ko ay ang gusto nito siya ang magpopropose kay Rhio. Kumbaga eh, si Rhio dapat ang kikiligin at hindi siya.

"Momma."

Natigil ang paglipad ng imahinasyon ko nang dampian ni Jay ng halik ang aking noo.

"Morning," nakangiting bati ko rito.

NEW BORN: FFYL 2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now