NB : 27

2K 196 37
                                    

QUEEN





Dalawang araw na ang lumilipas nang hayaan namin si Jelly na dalhin sa Canada kasama ang mga katrabaho ni Raphael at nung Agatha para mapagaling ito. ANg hindi lang namin alam ay kung okay na ba ito. Wala ring sinasabi na balita si Raphael sa amin kaya clueless talaga kami sa sitwasyon ni Jelly ngayon.

"Ate Queen."

Napaangat ako ng tingin nang tawagin ako ni Mori.

"Kakain na raw po," saad nito at ngumiti sa akin. Tumango ako kaya pumasok na rin ito agad ng grocery store.

Tumingala ako sa kalangitan at nagbuntong hininga. Nitong mga nakaraang araw ay nababahala ako, marami akong napapanaginipan na mukhang totoo at kasama ko sina Jelly at Zia sa panaginip na iyon. Tingin ko ay mga ala-ala ko iyon noon, kaunti na lang at mapagtutugma ko rin lahat-lahat, at kapag nangyari iyon ay baka hindi na ako mangapa masyado kung paano makikitungo sa kanila.

"QUEEN!!!"

Ipinaikot ko ang aking mata nang marinig ang matinis na boses ni Zia mula sa loob.

"Papasok na," sagot ko sa mahinang tono na hindi naman nito maririnig.

"Akala ko hindi ka kakain eh, uubusan na sana kita ng ulam," saad ni Zia nang maupo ako sa kanyang tabi.

"Ang takaw mo talaga," ani ko at nagsandok na ng kanin. Magana silang kumakain, si Maze, Meteor, Bell, Melissa, Mori at Cassy. Habang si Raphael at Jay ay tahimik, at tanging si Zia at Theo ang maingay ang kutsara't-tinidor pati na rin ang bibig.

Nagtitinginan ang dalawa at tila nagkakarerahan.

"Dahan-dahan naman," si Rhio na galing sa likod ni Zia at may bitbit na pitsel at mga baso.

"Pake mo ba! Sa gutom ang tao eh," singhal ni Zia. May tumalsik na kanin at bumagsak iyon sa kanyang braso. Inilapit nito ang braso sa bibig at dinilaan ang kanin na naroon.

Napailing na lamang ako at binigyang pansin ang pagkaing nasa harap ko.

Binitawan ko ang kutsara at balak magsalin ng tubig sa aking baso nang biglang mahulog sa sahig ang kutsara at tinidor ko.

Pumiksi ako dahil sa inis at agad na yumuko upang damputin ang kubyertos.

"Magkakabisita pa yata," saad ni Meteor na nagpatahimik sa aming lahat. Kahit ang tunog ng plato at kubyertos ay nawala.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Jay na nakakunot ang noo.

Inosenteng nag-angat ng tingin si Meteor at tinignan kami isa-isa. "Hindi niyo ba 'yon alam? Sabi kapag daw may nahulog na kubyertos may dadating na bisita," paliwanag nito na nagpataas ng kanang kilay ko.

"Si Jelly?" si Zia na natigil din sa pagkain.

Tumango ako bilang pagsang-ayon, dahil kung totoo man ang sinabi ni Meteor, si Jelly lang ang posibleng bisita na dadating.

"Hindi naman 'yon totoo," ani ni Mori at sumimangot. "Huwag po kayong maniniwala sa mga ganoon," dagdag nito kaya nagkibit balikat na lamang ako.

"Mommy Queen," agaw ni Jay sa aking atensyon. Inabutan ako nito nang bagong kubyertos kaya ngumiti ako at nagpasalamat.





KUMUNOT ang aking noo nang bigla ay sumulpot si Zia mula sa ilalim ng truck.

"Anong ginagawa mo riyan? Nakakagulo ka lang eh," saad ko at hinila ang braso nito para tuluyan itong makaalis sa ilalim ng truck.

Nasa ilalim din ng truck si Jay dahil chinecheck nito kung may sira ang mga parte ng truck at kung may kailangan bang ayusin.

"Tumutulong ako!" Sumimangot ito kaya kinurot ko nang pino ang kanyang tagiliran.

NEW BORN: FFYL 2 (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن