NB : 1

2.7K 255 59
                                    

JAY

"Look!"

Napatingin ako kay Theo nang may ituro ito mula sa labas ng helicopter.

Kumunot ang aking noo nang mapansin ang isang building na maayos pa rin. Ito lamang ang bukod tanging naiiba sa lahat ng building na halos matumba at lamunin na ng mga ugat ng puno.

"Wala 'yan dati," saad ko sa mahinang boses.

Kahit bata pa ako noon, alam kong wala ang building na 'yon. Hindi ko na maalala ang ibang pangyayari pero sigurado ako na wala ang building na nakita namin. Idagdag mo pa na bagong-bago ang itsura nito at halos one way mirror ang lahat ng wall.

"What do you mean? Someone build that and live there?" tanong ni Raphael na siyang nagpapalipad ng helicopter.

"We'll know soon," ani ko at ipinikit ang mata.

Pilit inalala kung sino sa pamilya ko ang naging zombie sa Clark Airbase dahil doon kami didiretso. Ang lugar na iyon ang siyang malinaw sa alaala ko, dahil siguro ay roon kami nailigtas.

Naaalala ko rin ang grocery store ni Momma Jelly, ngunit hindi ko alam kung saang lugar iyon.

Nagbuga ako ng hininga nang hindi ko maalala kung saang lugar naging zombie ang pamilya ko. Habang nakapikit ang mata ay tila bumalik ako sa nakaraan kung saan nakikita ko ang sarili ko na buhat-buhat ni Agatha habang tumatakbo. I saw Mommy Queen and Mama Zia shooting all the zombies near them.

"Are you sure we're going to save them?"

Nagmulat ako ng mata at binalingan si Theo.

"I'll do everything to save them," sagot ko at hinilot ang sentido.

"We're here," Raphael said.

Nagpaikot-ikot pa sa ere ang helicopter dahil hindi pa kami pwedeng mag-land dahil sa mga zombie.

"Damn you, Bro!" mura ni Theo kay Raphael habang nakatakip ang bibig.

"It's 9 am, we still have many hours to prepare our selves," ani ni Raphael habang pinagmamasdan ang mga zombie na naipon sa ilalim ng helicopter.

"No need for that," saad ko at naagaw ang atensyon ng dalawa.

Mula sa travelling bag na dala ko ay inilabas ko  ang isang silver na lalagyan. It actually looks like a metal tumbler but once I drop it, it will realease a sleeping gas.

I made it especially for zombie since they have different cells from us, human. It'll last for two hours at sapat na iyon para maturukan at madala sa ligtas na lugar ang pamilya ko.

I tap Raphael's shoulder as a sign that he can land already.

Huminto ang helicopter sa runway ng Clark Airbase at dahil sa ingay na nilikha ng makina nito ay naagaw rin namin ang atensyon ng mga zombie na nagtatago sa pinakaloob ng airbase.

Binuksan ko ang pinto ng helicopter at agad na bumaba nang makita ang mga naglalabasan na zombie at tumatakbo papunta sa amin.

They are all looking at me like a predator.

I gritted my teeth and give all my force to throw the sleeping gas towards the zombies.

When the smoke spread in the air. Raphael and Theo ran towards the big glass door.

"Faster!" Raphael shouted while looking at Theo. They are both running to close the glass door.

I smiled when they closed the big door na siyang naghahati sa runaway at sa loob ng airbase. Nahinto no'n ang mga zombie na paparating pa lang.

NEW BORN: FFYL 2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now