NB : 47

1.7K 178 28
                                    

ZIA



Kumalansing ang susi na hawak nito kaya naagaw no'n ang aking atensyon.

Inilahad ko ang aking palad sa harap niya.

Nagtatakang tumingin ito sa akin at agad iyong napalitan nang isang malaking ngiti.

"Holding hands?" tanong nito at hinawakan ang aking kamay na nakalahad.

Umirap ako at tinabig ang kanyang kamay.
"Akin na yung susi, ako magdadrive."

Nakita ko ang unti-unting pamumutla ng mukha nito.

"A-Ako na."

Umiling ako at tinapik ang kanyang braso.

Walang nagawang ibinigay nito sa akin ang susi.

Ngumiti ako at ininguso ang passenger seat, "Sakay ka na."

Patalon-talon na umikot ako patungo sa driver seat.

Tagal ko na ring hindi nakakapagdrive.

"Bawal ka mag-over speed, mahuhuli tayo. Parehas tayong walang lisensya."

Nalaglag ang aking balikat sa sinabi ni Rhio.
Wala na nga pala kami sa Pilipinas kaya hindi pwede rito ang kaskasera.

IMINULAT ko ang aking mata matapos mag-usal nang maikling dasal sa harap ni Jelly.

Inalis ko ang kaunting dahon na nalaglag sa lapida ni Jelly.

Napangiti ako nang maamoy ang mabangong amoy ng kandila na sinindihan ko.

Scented candle ang itinitirik naming lahat dito sa tabi ni Jelly, at amoy jelly ace iyon.

"Tara na," aya ko kay Rhio at agad na tumayo.

"Uwi na tayo?" tanong nito.

Saglit akong nag-isip at tumingin sa relong pambisig ko.

Wala pa kaming dalawang oras dito sa puntod ni Jelly. Ang aga pala namin makakabalik sa bahay.

"May malapit na parke rito, pwede tayong tumambay roon," saad ni Rhio. "May mga pagkain din doon."

Nang marinig ang huling tinuran nito ay agad akong nag-angat ng tingin.

"Tara na bilis!" ani ko at nauna pang lumakad.

Narinig ko ang pagpilatik nito sa aking likod  pero hindi ko na lang pinansin.

Agad kong hininto ang kotse sa gilid ng daan nang makarating kami sa parke. Mabilis akong nakalabas at basta na lang hinagis kay Rhio ang susi.

Patakbo kong tinungo ang isang ice cream truck na may tatlong batang nakapila.

Naramdaman ko ang presensya ni Rhio sa aking tabi pero hindi ako nag-abalang tumingin.

"Anong gusto mo? May iba pa roong nagtitinda oh, pili ka lang," bulong nito sa akin kaya agad akong tumango.

"One chocolate ice cream and one choco mint. Please add some chocolate kisses and nips on top," saad ko sa babae na nasa loob ng truck.

"Right away, Ma'am."

Wala pang limang minuto ay hawak na agad namin ni Rhio ang binili naming ice cream.

Muntikan ko pa ngang ibalik ang ice cream namin dahil sa presyo. Ang mahal-mahal masyado.

But on the second thought, hindi naman ako ang nagbayad kaya okay lang.

"Ano pang gusto mo?" tanong nito sa akin.

Inilibot ko ang aking mata ay may nakita akong isang stall. Napansin ko na may tinutusok sa stick ba pabilog ang mga bumibili roon.

"Doon tayo." Turo ko sa stall.

NEW BORN: FFYL 2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now