NB : 28

2.1K 235 92
                                    

ZIA





"Tao ka na rin? Bakit mukha ka pa ring zombie, Avery."

Nakita ko kung paano umangat ang isang kilay ni Avery dahil sa sinabi ko. Walang nabanggit si Jelly o kung sino man na tao na rin pala ang gagang ito.

Sa totoo lang nangangati na ang kamay kong kalbuhin ang babaeng ito. Akala yata nito ay makalilimutan namin ang ginawa niya kay Beans.

"I'm not here to have a chit chat with you," saad nito at lumingon sa kanan.

Napaawang ang aking labi at narinig ko rin ang pagsinghap ni Queen nang pumasok sa tinutuluyan namin ang limang lalaki na may mga hawak na baril.

"Hindi namin hahayaan na makialam kayo sa plano ni Tito," dagdag pa ni Avery at ngumisi.

Tito? Sinong Tito ang sinasabi ng baliw na ito?

"Shit! Atras, Zia!" biglang sigaw ni Queen at itinulak ako pabalik sa loob ng kusina. Napahiga ako habang si Queen ay nakadapa.

Sunod-sunod na putok ng baril ang narinig ko at ipinikit ko ang aking mata nang halos lamunin ng alikabok ang pintuan ng kusina.

"What's happening?" naghuhurementadong tanong ni Jay at inalalayan kaming tumayo ni Queen.

"The heck," si Raphael at ikinasa ang baril na hawak.

"Archer didn't say anything about this," bulong nito na alam kong hindi nakaligtas sa tenga ni Queen at Jay.

"Anong ibig mong sabihin? Bakit nasali rito si Kuya Archer?"

"Later, Bro," matipid na sagot ni Raphael.

Sumilip ito at halos mapatili kami nang muli ay magpaputok ang mga kasama ni Avery. Punyetang babae 'yan, sinusubukan talaga ang pasensya ko.

"Anong nangyayari?" tanong ni Maze na nasa ilalim ng lamesa.

"May babaeng mangkukulam sa labas," sagot ko at aksidenteng nagawi ang tingin ko kay Rhio na kalmadong kumakain.

"Hoy!" tawag ko rito. "Tangina ka, nagkakaputukan na rito lumalamon ka pa ring bwiset ka," saad ko. Hindi ako naiinis dahil kalmado siya, naiinis ako dahil bakit siya may kinakain pa tapos ako wala, ang unfair ng buhay.

"What are you doing here? Archer!"

Naagaw ng sigaw ni Avery ang aking atensyon. Pagapang na lumapit ako kay Raphael at nakisilip.

Nakita ko si Archer na nasa tabi ni Avery at may hawak-hawak na baril. Kahit alam ko ang totoo ay hindi ko maiwasang kabahan dahil baka bigla ay kami ang barilin ni Archer.

Napaawang ang aking labi nang sunod-sunod na barilin ni Archer ang mga lalaking kasama ni Avery. Kita rin ang gulat sa mukha ni Avery dahil sa ginawa ni Archer.

Kumunot ang aking noo nang umagos ang mga dugo ng lalaki sa sahig. "Potek, sinong maglilinis niyan?" bulong ko at tumingin nang masama kay Archer.

"Anong ginawa mo? Isusumbong kita kay Tito!" sigaw ni Avery ngunit si Archer ay parang walang pakialam sa sinabi nito.

"I'm sorry," bulong ni Archer at malakas na ipinalo sa batok ni Avery ang baril na hawak.

Muntikan na akong mapabunghalit ng tawa nang mauna ang mukha ni Avery sa sahig. Serves you right, witch!

"Ikuha niyo ako ng tali, bilis!!" utos ko kina Meteor. May inabot sa akin na lubid si Cassy kaya agad ko iyiong kinuha at walang pagdadalawang isip na lumapit kay Avery na nakabulagta.

"Zia!!" nag-aalalang tawag sa akin ni Queen. Nakatingin ito kay Archer nang masama, tila nagdududa.

Hindi ako kumibo, bagkus ay sinimulan kong itali si Avery at halos mamutla na ang balat nito dahil sa higpit nang pagkakatali ko. Wala akong pake kung hindi na dumaloy ang dugo sa katawan niya.

Nang tumayo ako ay nagsalubong ang mata namin ni Archer.

"It's nice to see you all again," saad nito at tumingin din kay Queen.

"Talaga?" Nakangising ani ko.

Nang tumango ito ay walang pagdadalawang isip na sinuntok ko ang mukha niya.

"Shit," bulong ni Rhio, nakangiwi ito na tila ba siya ang nasaktan sa ginawa kong pagsuntok sa mukha ni Archer.

"What was that for?" tanong nito habang sapo-sapo ang pisngi.

Tinaasan ko siya ng kilay at pinameywangan, "Para 'yan sa hindi mo pagliligtas kay Jelly! Damuho ka," nanggagalaiting ani ko at muling umamba ng suntok sa kanya ngunit nabitin sa ere ang kamay ko nang magbago ang ekspresyon ng mukha nito.

"Where is she? Where's Jelly?" tanong nito. Nakakunot ang noong inilibot nito ang mata at tinignan isa-isa ang mga kasama namin.

Bubuka na sana ang aking bibig para sumagot nang maunahan ako ni Queen.

"She died."

"She's dead."

Sabay na saad ni Queen at Jay na nagpatahimik sa aming lahat. Sobrang dilim ng aura ni Jay at alam kong hindi nito gusto ang nakikita.

Hindi ko alam kung bakit walang umalma sa sinabi ni Queen at Jay, pero mas mabuti na rin siguro na iyon ang alam ni Archer.

"Nasaan si Niall?" tanong ko na siya namang pagpasok ni Niall.

Nakita ko ang gulat sa mukha ni Queen at bahagya pa itong napaatras.

"Hi," awkward na bati ni Niall aky Queen.

"D-Doc Niall," tawag ni Queen dito. Pigil ko ang pagtawa dahil sa itinawag nito kay Niall.

"Wala siyang naaalala about zombies noon," saad ko para malaman ni Niall na ang naaalala lang ni Queen ay ang pagiging magkatrabaho nila.

Hindi nakaligtas sa mata ko ang saglit na paglungkot ng mukha ni Niall.

"So, sinong maglilinis niyan?" singit ni Meteor na nakaturo sa mga katawang nakahandusay sa sahig. Kalat na ang dugo at oras na matuyo iyon ay mahihirapan na kaming maglinis.

Walang gustong magpresinta pero ilang segundo lang ay narinig namin ang boses ni Jay.

"Th--"

Hindi natapos ang sinasabi ni Jay nang biglang magsalita si Theo.

"Yeah! Yeah! I'll clean this mess right away!" pasigaw na saad ni Theo at walang pagdadalawang isip na binuhat ang mga katawan.

Umalis si Mori at pagbalik nito ay may bitbit na itong balde na may tubig at ilang basahan.

"Nasaan si Jelly?" si Niall.

"S-She's dead," si Archer ang sumagot. Nakayuko ang ulo nito at nakakuyom ang kamao.

"Darn it," mahinang mura nito at walang paalam na lumabas.

Napatingin ako kay Jay ngunit tila wala itong pakialam at ganoon din si Queen. Alam naming lahat na nanganganib lang ang buhay ni Jelly pero buhay pa rin ito.

Kung ano man ang gustong mangyari ni Queen at Jay at rerespetuhin ko iyon.

"Wala bang gustong magpaliwanag sa inyo?" si Queen na naniningkit ang mata.

"Anong ginagawa nila rito? Kung hindi ako nagkakamali, si Tito Niall ang bumaril kay Rhio noong makita natin siya, at si Kuya Archer ang bumaril kay Raphael...at alam ng lahat na nandoon siya noong may ginagawa sila kay Momma Jelly."

Binalot muli ng katahimikan ang paligid at walang gustong sumagot.

Tumikhim si Niall at nag-iwas ng tingin. "I'm sorry, we're sorry," saad nito. "We will explain everything 'pag balik ni Archer," dagdag pa nito.

Tumalikod na si Jay pero kitang-kita ko ang mahigpit na pagkakakuyom ng kamao nito. Naiintindihan ko naman ang nararamdaman ni Jay. Siya at si Queen na lang ang walang alam sa mga nangyayari. Kahit ako rin naman ay nagulat sa nalaman mula kay Agatha, kaya nga sinuntok ko si Archer kanina para kahit papaano ay makaganti ako rito dahil sa ginawa nitong pagpapabaya kay Jelly.





~~

Uwuuu, ayannn naaa.  Thank you for waiting!! Don't foget to voteee okieee. lovelots!

NEW BORN: FFYL 2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now