NB : 6

2.3K 245 112
                                    

JAY

"Mama Z-Zia," usal ko nang makilala ang babaeng nakaupo at may hawak-hawak na delata.

Mariin kong ipinikit ang aking mata at baka sakaling namamalik mata lamang ako. Pero nang muli akong magmulat ay naroon pa rin ito at kasalukuyang kumakain.

"Ma!" masayang turan ko at pinutol ang distansya namin.

Dinamba ko siya ng yakap at naramdaman ko ang pagkaipit ng kanyang dalawang damay na may hawak na delata sa pagitan ng dibdib naming dalawa.

"Aray ko! Punyeta naman, kumakain yung tao 'di ba?" singhal nito sa aking tenga. Naramdaman ko pa ang pagtalsik ng kanyang laway sa aking leeg.

"G-Gising ka na," bulong ko at mas lalong hinigpitan ang pag-yakap dito.

Might as well take this chance to hug her for a minute since I can't do this to Mommy Queen.

"Teka nga! Bitawan mo akong tukmol ka."

Pilit ako nitong tinutulak ngunit isang mahigpit na yakap pa at kusa na akong lumayo.

Kahit madilim ay kita ko ang pispis ng cornbeef sa gilid ng kanyang labi.

"Natutuwa ako sa pagkain dito kasi gutom na gutom ako, tapos susugod ka ng yakap? Panget mo naman kabonding, tukmol."

Ibig kong matawa sa kanyang sinabi ngunit idinaan ko na lamang iyon sa isang malaking ngiti.

Kinamay nito ang loob ng lata at agad na sinubo ang nakuhang cornbeef. She's still my Mama Zia, walang pinagbago. It's still foods before dudes.

"Sarap nitong cornbeef,ha mukhang hindi gawa ng pinas," puri nito habang tumatango-tango.

"That came from Canada," sagot ko at sumalampak sa sahig kagaya ng kanyang pagkakaupo.

"Talaga? Kaya pala ang sarap ng putangina," ani nito at itinaktak sa tapat ng bibig ang latang wala nang laman.

"Paano pala ako naging tao? Zombie na ako 'di ba? Tsaka bakit bumalik sa dati ang itsura ng katawan ko? Grabe, 'di ko matake na naging zombie ako, ang chaka chaka ko siguro nung naging zombie ako."

Lintanya nito habang abala sa pagkain. Sobrang daldal pa rin niya talaga.

"No, you're the prettiest zombie I've ever met," biro ko at sinundan iyon nang mahinang tawa.

"Alam ko naman 'yon," sagot nito at tumingin sa akin. "Ilang taon na ba lumipas?"

"30 years na," maikling ani ko.

Lumaki ang kanyang mata at tila namangha. "Totoo?" humarap ito ng upo sa akin at tiningnan maigi ang aking mukha. "30 years na ang lumipas pero ang panget mo pa rin, Jay. Tingnan mo ko, mukhang bata pa rin."

"At ikaw, timawa ka pa rin. Wala kang pinag... YOU REMEMBERED EVERYTHING?!" Napatayo ako dahil huli ko na narealize na naaalala niya ako at ang lahat ng nangyari.

"Anong tingin mo sa akin ulyanin? Naging zombie lang ako pero may utak pa rin ako 'no, walang hiyang 'to."

Umaawang ang aking labi at kung saan saan napatingin para kalmahin ang sarili. Tumigil yata sa pagfunction ang utak ko ilang segundo.

"Bakit?" ang nasambit ko lang.

Tumingin ito sa akin at sinimangutan ako.

"Anong bakit? Anong binabakit-bakit mo riyan? Gusto mo kong makalimot, ganoon? Baka gusto mong tuktukan kita ng lata riyan."

Maya-maya pa ay napangisi na ako at pinunasan ang luhang tumulo sa aking pisngi. "Ang saya ko," bulong ko at napaluhod.

"Masaya, pero naiyak? Nagkalayo-layo lang tayo nabaliw ka na agad, ano ba pinag-gagagawa sa'yo ni Agatha?"

NEW BORN: FFYL 2 (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant