NB : 41

1.6K 166 6
                                    

QUEEN


"Queen."

Nagising ako dahil sa mahinang pagyugyog sa aking balikat ni Zia.

Ngayon na lang ulit ako nakatulog nang maayos, nabitin pa.

"Naririnig mo ba 'yon?" bulong nito sa akin sa takot na magising ang iba naming kasama.

Umupo ako at pinakinggan ang paligid.

Unti-unting nawala ang antok ko nang mapagtanto kung ano ang ingay na naririnig namin ni Zia.

"H-Helicopter," bulong ko at agad na tumayo.

Dali-dali kaming lumabas ni Zia at hindi nga kami nagkakamali.

"Wow," usal ni Zia habang nakatingala sa langit.

Hindi ko ito masisisi kung namamangha ito ngayon sa nakikita.

Paano ba naman kasi ay may limang helicopter na nasa ere ngayon.

Kanya-kanya nang landing ang mga ito at napansin ko agad ang isang sundalo na palaging nagpupunta rito sa tuwing nagpapahatid ng supply si Raphael.

"Zia, ikaw na muna bahala sa kanila, tatawagin ko lang si Raphael," saad ko na mukhang aayawan pa nito pero mabilis na akong lumakad palayo sa kanya.

Pumasok ako muli sa kwarto namin at sinipa sa paa si Raphael para magising ito.

"Raphael, nandiyan na yung mga kasamahan mo," turan ko pa.

Ang nakakapagtaka ay tanging si Raphael lamang ang ginigising ko pero lahat ng kasama ko ay nagising.


NANATILI kami ni Raphael at Jay sa labas upang kausapin ang mga kasamahan ni Raphael tungkol sa gagawin namin paghuli sa ama ni Archer.

Hindi rin maiwasang mabanggit si Jelly dahil sa pagkawala nito.

"Tapos na kami mag-ayos, Queen. Kayo naman nina Jay, kami nang bahala rito," saad ni Meteor, kasunod nito sina Maze.

"Si Zia nasa kusina."

Tumango ako sa sinabi ni Maze, kahit hindi na nito sabihin ang dahilan kung bakit nasa kusina si Zia ay alam ko na agad.

Buti pa si Zia ay may oras pa na kumain, pero kami ay wala na.

Kating-kati na ako na matapos lahat ng ito. Gusto ko nang mamuhay nang tahimik. Gusto ko na ulit nang buhay na normal.

Nang matapos kaming lahat ay kanya-kanya na kami ng sakay sa truck. Si Zia na dumiretso agad sa driver seat.

Si Raphael at Theo ay sa helicopter sumakay para kung sakali mang mauna ang helicopter papunta sa building ay mayroong may alam doon ng direksyon.

"Sa wakas," biglang saad ni Zia habang nagmamaneho. "Matatapos na rin ang kaek-ekan na ito," dugtong nito.

Wala pang isang oras ay nakarating na agad kami sa building.

"Move!!" sigaw ni Raphael at dahil doon ay nagkanya-kanya ng takbo ang mga kasamahan nito papasok sa building.

Sumunod na kami nina Zia. Kami nina Archer, Niall at Jay ang magkakasama.

"Bro, just arrest Avery and that Onika girl!" sigaw ni Jay.

Nagthumbs-up si Raphael at mukhang nakuha naman nito ang ibig sabihin ni Jay.

Muntikan na kaming magpanic nang biglang may alarm na tumunog. Hindi na kami nagtaka nang magtakbuhan ang ibang tao palabas ng building.

Mukhang ang mga lumalabas na mga tao ay ang nakausap ni Niall at Archer nung nakaraan.

"Anong ibig sabihin nito, Archer?"

Napatingala kami sa second floor ng building nang marinig ang isang tinig ng babae.

"I told you, Onika. He betrayed us, they betrayed us!" si Avery na bigla na lamang sumulpot sa likod ng babae na tinawag nitong Onika.

Ang tapang-tapang nang mukha ni Avery ngayon, palibhasa ay may kakampi.

"Hoy, bruhilda. Bumaba ka rito, suntukan tayo!" biglang sigaw ni Zia at nakaturo kay Avery.

"Why would I? I'm not that low like you," sagot nito kay Zia.

"Low? Low-lowin mo mukha mo! Kapag ako nakalapit sa'yo puputulan talaga kita ng daliri!"

"I'll check my father's office if he's there," bulong sa amin ni Archer.

Tumango ako at mabilis itong tumakbo paalis.

"Nasaan si Jelly? Paniguradong kayo ng tatay na baliw ni Archer ang may pakana kung bakit nawawala si Jelly!"

Napatakip ako sa aking tenga at halos maawa kay Zia dahil sa kasisigaw nito, hindi na ako magtataka kung mamaya ay wala na itong boses.

May lumapit sa aming tatlong sundalo kaya naman itinuro ko ang dalawang babae na nasa second floor.

"They should be arrested. They're the ones who's at fault," saad ko na agad sinunod ng tatlong sundalo.

"Wait! You don't have the rights to take us!" sigaw nung Onika.

Nang maibaba nila ang dalawang babae ay agad na lumapit si Zia kay Avery na ngayon ay nakaposas ang dalawang kamay sa likod.

"Pamilyar ba 'to?" tanong nito at inilabas sa bulsa niya ang pocket knife na naiwan ni Avery noong tumakas ito.

Itinapat nito iyon sa mukha ni Avery dahil upang mapalunok ng laway ang babae.

"Ito ang puputol sa isa sa mga daliri mo!" asik ni Zia at mas inilapit ang kutsilyo sa mukha ni Avery.

"Sa tingin mo ba ay matatakot mo ako? Go on! Cut my fingers, bitch!"

Ngumisi si Zia at prenteng naupo sa ng nakaluhod na si Avery.

"Okay, sabi mo eh," may panunuya sa tono nito.

Umangat ang sulok ng aking labi nang ilapag ni Zia ang pocket knife sa hintuturo ni Avery.

"Ano ba ang dapat kong unahin? Eto?" tanong nito at inilipas sa hintuturong daliri ni Avery ang kutsilyo.

"Oh ito? Tula wala maliit lang naman 'to," pagpapatuloy nito na ngayon ay nasa pinky finger na ng babae ang kutsilyo.

"Queen!"

Napalingon kami ni Zia sa humahangos na si Archer.

"My dad is not here!"

"We don't see a trace of Jelly also," saad naman nang kararating lang na si Raphael.

Ang mga sinabi ng mga ito ay nagpaseryoso sa akin.

Kung wala si Jelly rito ay nasaan siya.

Naikuyom ko ang aking kamao nang makarinig kami ng malakas na pagtawa at nanggagaling iyon kay Avery.

"Serves her right. Maybe, she's dead right now," saad nito ang ngumisi.

Pero ang ngisi sa mukha nito ay napalitan ng sakit.

"A-AH!! STOP!" sigaw nito habang masama ang tingin kay Zia.

Idiniin pala nito ang kutsilyo sa daliri ni Avery.

May kaunting dugo na umagos sa hinliliit ng babae pero mukhang hindi iyon sapat para mapaamin ito kung saan dinala ng ama ni Archer si Jelly.

"Hindi mo ba talaga sasabihin? Kasi kung hindi, hindi na rin ako magsasayang ng oras sa'yo. Kaso baka lahat ng daliri mo, mawala," pananakot ni Zia na nagpaputla sa babae.

"F-Fine!" suko ng babae. Siguro ay nasasaktan na rin ang braso nito dahil sa pagkakapilipit.

"Sa pier. Nasa pier si Tito pati na rin si Jelly," saad nito na mukhang totoo naman.

Nagtatakang lumingon ako kay Niall at Archer.

Bakit sila nasa pier? Puro barko ang naroon......

Napasapo ako sa aking mukha nang mapagtanto kung anong dahilan at bakit sila nasa pier.

"Shit! Aalis sila ng Pilipinas!"


sensei
Don't forget to vote!! Thank you!

NEW BORN: FFYL 2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now