NB : 11

2.2K 236 97
                                    

JAY

"Momma....Momma Jelly," usal ko habang ang kamay ay nakalapat sa bintana.

Iniuntog nito ang ulo sa salaming bintana kaya napalayo.

"D-Don hurt your self," anas ko na animo ay maiintindihin nito ang aking sinabi.

Napatingala ako nang maramdaman ang paghawak ni Mama Zia sa aking balikat.

"Bakit wala si Archer?" takang tanong nito.

Napaawang ang aking labi nang tama ang sinabi nito. Where's Kuya Archer? Bakit si Momma Jelly na lang ang nandito sa sasakyan?

"Imposibleng nakalabas si Archer, kung nakalabas man siya ay dapat si Jelly rin," katwiran ni Mama Zia na tinanguan ko.

"Hindi iyon ang importante, sa ngayon ay kunin niyo muna si Jelly," singit ni Mommy Queen na nasa tabi na pala namin.

Mataman itong nakatingin kay Momma Jelly na ngayon ay panay ang untog ng ulo sa bintana at tila gustong-gustong lumabas para makakain.

Using my gun, I slammed it to driver seat's window. Nang mabasag iyon ay agad kong inihagis sa loob ang sleeping gas.

Nagwala si Momma Jelly ngunit ilang segundo lamang ay hindi na ito gumagalaw.

"Bilis!!" biglang singhal ni Mama Zia at tinapik ang aking braso.

Nakatuon ang mata nito sa ibang direksyon at nang makita ko ang tinitignan nito ay may mga zombie na papalapit, ngunit hindi pa namin naaagaw ang atensyon ng mga iyon.

Agad kong binuksan ang pinto ng kotse at walang pagdadalawang isip na binuhat si Momma Jelly.

I want to scratched my nose since her smell is not that good. But there's no time for that.

Lakad takbo ang ginawa namin para lang makabalik agad sa truck.

Si Raphael ang nagsara ng pinto nang makapasok ako at narinig ko naman ang malakas na pagsara ng pintuan sa harap. Nakita kong ligtas na nakasakay sina Mama Zia at Mommy Queen.

Maayos na pinatakbo ni Mama Zia ang truck na ipinagpasalamat namin. Agad kong binuksan ang suitcase na naglalaman ng vaccine at kumuha doon ng isang syringe. I tap the needle first before injecting it to Momma Jelly's face.

"Hoy, ano 'yan?" Mama Zia asked habang nagbibigay sa akin ng nagdududang tingin.

"Vaccine," tipid na sagot ko.

"Vaccine? Iyan rin ba ang itinurok mo sa amin ni Queen?" tanong nito na tinanguan ko.

"Eh ihi mo yata 'yan eh!!" singhal nito na nagpasamid sa akin kahit wala naman akong iniinom.

"Mama Zia!!" suway ko rito ngunit sinimangutan ako nito.

"BAkit kulay dilaw 'yan? Umamin ka na, ihi mo 'yan di'ba? KAdiri ka, dugyot talaga," gatong nito na nagpasalubong ng aking kilay.

Inis ko na lamang na ginulo ang sariling buhok dahil hindi ko alam kung paano ipapaliwanag rito ang tungkol sa vaccine.

"She's the girl version of Theo," biglang saad ni Raphael na bahagyang nakataas ang sulok ng labi.

"What do you mean?" tanong ni Theo na bakas ang kaguluhan sa mukha.

"See," ani ni Raphael at bahagyang tumawa. Natawa na lang din ako dahil ako lang yata ang nakaintindi sa sinabi ni Raphael.

Inayos ko na lamang ang pagkakahiga ni Momma Jelly sa sahig, ang malas ni Momma dahil sina Mommy Queen at Mama Zia ay sa malambot na higaan habang siya ay eto sa sahig ng truck.

NEW BORN: FFYL 2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now