NB : 19

2.1K 213 48
                                    

JAY


"Let's go there when Kuya Rhio's wound is fully healed," saad ko na sinang-ayunan ni Mommy Queen.

"Sana lang talaga ay may mailigtas tayo," ani nito at umismid.

"Matulog na tayo, tignan niyo si Jelly himbing na ng tulog," ani muli nito at tinuro si Momma Jelly na nakapatong ang ulo sa kanyang balikat.

Tumayo ako at binuhat si Momma Jelly para madala sa kwarto.

"Isang beses na lang sa isang araw kung makatulog si Momma Jelly, baka kapag nasanay siya ay hindi na siya makatulog bigla," ani ko nang mailapag sa higaan si Momma Jelly.

Nakasunod sa akin si Mama Zia at nahiga na rin ito sa tabi ni Momma Jelly.

Lumabas na ako ng kwarto at naabutan ko si Mommy Queen na nakikipag-usap kay Raphael.

"We have spare guns here. But the bullets is not enough."

Narinig kong saad ni Raphael.

"We don't have to shoot them, kailangan lang natin silang iwasan," ani ko nang mapagtanto na ang pinag-uusapan nila ay kung paano mawawala ang mga bantay sa building.

"Paano kung tayo ang barilin nila?" si Mommy Queen na seryosong nakatingin sa akin.

"Theo is good with combat. He moves fast and the bullets won't hit him. Let's put Theo as attack," si Raphael.

Nag-angat ng tingin si Theo at tumingin kay Raphael na tila hindi makapaniwala.

"C'mon, buddy. I came here to save them, not to sacrifice my life and make my self as shield," saad nito at sumimangot.

"Pwede ka nang umalis," saad ni Mommy Queen.

"Just kidding," mabilis na turan ni Theo at ngumiti. Pero ngiti na nakangiwi.

"Wait," ani ni Kuya Rhio. "Huwag niyo nang hintayin na gumaling ang sugat ko. Delikado kapag pinatagal pa natin. Baka magising na yung ibang tao sa tube," dagdag nito.

"Bukas," seryosong saad ni Mommy Queen. "Matulog na kayo, para bukas ay may lakas tayo," ani nito at tumayo na. Dumiretso na ito sa kwarto kaya naiwan kaming mga lalaki.

"Is she really like that?" si Theo na nakahaba ang nguso.

"Yeah, Mommy Queen and Momma Jelly, they are the ones who decide here," saad ko na mas sinimangutan lalo ni Theo.

"Let's sleep." Tumayo si Raphael kaya nagtayuan na rin kami.



JELLY

"I have mine," saad ko nang tangkang aabutan ako ni Raphael ng baril.

Ipinakita ko sa kanya ang baril kong nakasuksok sa aking beywang. Hindi ito kumibo at inabot kay Rhio ang baril.

Mukhang maayos naman na si Rhio dahil nagagawa na nitong asarin si Zia.

"You sure, you're okay?" Tinapik ni Queen ang balikat ko. Hindi ko alam kung sino ang tinatanong niya.

Hindi ako kumibo at ngumiti lang.

Si Zia ay nasa truck na at naglalagay ng bagong gasolina.

"We're done," saad ni Jay matapos lagyan ng bala ang lahat ng baril.

"Edi tara na," ani ko at nauna nang lumakad paalis.

Hindi ko alam kung bakit sila nagdesisyon na ngayon na bumalik sa malaking building. Go with the flow na lang ako dahil nakatulog ako kahapon at hindi ko alam kung ano ang buong usapan nila.

Tinulungan ako ni Jay makaakyat sa likod ng truck at nang makapasok ay naupo agad ako.

Nilaro ko ang aking palad dahil sa pakiramdam na hindi ako mapakali.

NEW BORN: FFYL 2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now